Marahan kong kinakagat ang dulo ng ball pen na hawak ko habang nakatitig sa test paper na nasa ibabaw ng lamesa sa harapan ko. Ilang minuto na lang ay matatapos na ang araw exam namin. Panghuli na ito subalit ngayon pa yata ako mahihirapan. Ang bilis kong natapos sa iba kanina ngunit ngayon ay na-stress ako dahil hindi ako sigurado sa mga isinasagot ko dito sa GE-CW na subject. Gusto kong sabunutang ang sarili ko. Nakapag-review naman ako nang maayos kagabi. Tinulungan pa nga ako ni Mykolas ngunit ngayong nakatingin ako sa test paper, parang hindi namin napag-aralan ang mga tanong dito. Nang hindi ko talaga mapilipit ang utak ko ay nag-rely na lang ako sa instincts ko. Bahala na kung tama o hindi. Ayoko namang ipasa ang papel ko na blanko. Confident pa rin akong tumayo at ibinigay sa