Chapter 5

1907 Words
"Are you sure we are taking the right path?" Hinihingal kong tanong sa mga kasama ko. I shouldn't waste more energy talking and asking questions -- stupid questions, but I couldn't help it. Gusto ko lang naman masigurado kung tama ba talaga itong tinatahak naming landas paakyat dito sa bundok. I've watched Wrong Turn, Friday the 13th, and The Texas Chainsaw M*ssacre, for goodness' sake! At kung mangyayari man ang mga iyon sa totoong buhay -- sa amin... I feel the adrenaline rush spike up through my entire system. I'm good at running, and I'd say fast, too. I like the feeling of being chased. I love the thrill and the excitement it gives me. But I hope it won't happen to us! Ayoko pang mamatay. Pero sa tingin ko ay tama naman ang dinadaanan namin dahil sa mga signage na nadadaanan namin ngunit hindi ako mapakali. Ito pa lang ang unang beses na nag-hiking ako, at hindi pa talaga namin lubos na kilala ni Jaica itong mga kasama namin kaya kung anu-ano ang mga pumapasok sa isipan ko. I don't even know if we were half way through the summit or not. My legs are getting stiff, and I feel like I can't walk uphill anymore. Isa pang nagpapabigat sa mga paa ko ay ang rucksack sa likuran ko. Hindi naman gano'n karami ang mga nakalagay dito, ngunit mas komportable siguro kung wala akong dala ngayon. "We are in the right track, Lorna." Brae chuckled. He's leading the way, and I'm right behind him. Nasa likuran ko naman si Jaica, at nasa panghuli si Emman. Mas mabigat ang dala ng dalawang lalaki kaysa sa mga dala namin ni Jaica pero mukhang kaya pa nilang maglakad hanggang mamayang gabi. Well, guys are more powerfully built than girls. Besides, they have climbed this mountain many times. I should put my trust on them. Hindi naman siguro nila kami pababayan since sila ang nag-aya sa amin. They will be hold accountable if anything bad happens to us. But I informed my father that we will go hiking today in this very mountain. Just in case I'll go missing, alam niya kung saan siya magsisimula sa paghahanap sa akin. Sinabi ko na rin kung sino ang mga kasama ko. I don't want to be like the other missing people who are never been found. I don't want my father to be like their family -- who doesn't know where to start looking for them. I don't want to leave my father with many questions in his head about where I could've been. And if ever there is someone lurking around here in this mountain who is on a killing spree... Gosh, I should stop thinking unnecessary things! Hindi nakakatulong sa pagod na nararamdaman ko, at sa pananakit ng mga binti ko. I should start admiring the green scenery instead of having dark thoughts. But apparently, my stupid brain never forgets to give something to imagine. "Are we still far from the peak?" Jaica ask, panting. "We're half way," Emman answered from behind. "Pero dadaan muna tayo sa White Rock at sa may waterfall. We'll have our lunch there. I'm sure you'll like the place." Hindi na nagsalita si Jaica. Hindi rin ako nagtanong tungkol doon dahil kasama naman iyon sa usapan namin. It feels like we're walking on the trail for ages! And I can say this mountain is not for beginners -- first-timers... not for me and my best friend. Pero ano pa nga ba ang magagawa naming dalawa kung naumpisahan na namin ang pag-akyat? Mabuti na lang talaga at hindi abot dito sa loob ng mapunong bahagi ng bundok ang sinag ng araw. Mabuti na lang rin at mahangin. Kahit papaano ay nare-refresh ako sa lamig pero iyong pawis sa likuran at dibdib ko ay ramdam na ramdaman kong tumutulo sa loob ng hoodie jacket na suot ko. Gusto ko sanang mag-sports bra at leggings dahil mas komportable ang ganoong suot ngunit naisip ko na paniguradong aabutan kami ng init sa paglalakad kaya hoodie jacket at leggings na lang. I don't wanna risk my skin from the unforgiving heat of the sun Ilang minuto pa kaming naglakad nang marating namin ang White Rock na sinasabi nila na napapalibutan ng mga malalabong at malalaking puno. Kaya ganito ang pangalan nitong parteng ito ay dahil makikita mo mula sa ibaba -- kahit sa malayo -- ang parteng ito ng bundok na may malaking kulay puting bato. At ito nga iyon. There are rock formations, too. Kahit sa trail ay mayroon rin kaya medyo challenging talaga ang pag-akyat dito sa bundok na ito. Hindi naman nagpatumpik-tumpik ang best friend ko na kunan ng larawan itong lugar. Siya talaga iyong hyper na hyper sa pagkuha ng larawan simula pa kaninang umpisahan namin ang pagha-hike. Inalalayan kami ng dalawang kasama namin sa pag-akyat sa malaking bato. Napasinghap ako nang matanaw ko ang tanawin mula dito. At kahit ayokong tumingin sa ibaba, hindi ko napigilan ang sarili ko. Agad na kumabog ang dibdib ko habang tinatanaw ang mga puno sa ibaba. They look so small from up here. At siguradong isang maling hakbang lang ng kung sino sa amin dito, mga puno at malalaking bato ang sasalo sa amin sa ibaba. It feels like you're on the edge of the world. And I f*cking love it! "Holy hell! I can't!" Kinakabahang usal ni Jaica. Mahina akong natawa habang pinapanood siyang inaalalayan pababa ni Emman. Nanatili naman akong nakatayo sa bato. Pumikit ako at dinama ang malamig na hangin na humahampas sa mukha ko. Nililipad rin ang iilang hibla ng buhok ko na nakatakas mula sa pagkakapusod. "Aren't you scared?" Usisa ni Brae. Naramdaman ko ang pagtayo niya sa may gilid ko. Nagmulat ako ng mata at nilingon siya habang nakangiti. "Nope." Umiling ako. Muli kong ibinaling ang paningin ko sa tanawin. Dapat ay matakot nga ako lalo na sa kanya dahil pwede niya akong itulak ngayon para mahulog sa ibaba. Ngunit sa tingin ko ay hindi naman niya iyon gagawin dahil humakbang pa siya pasulong na parang hinaharangan ako. "She's quite the dare devil, Brae," singit ni Jaica. "I can see that," sang-ayon naman ng lalaking kasama ko. Tinawanan ko lang sila. Maybe I was born to dare the devil. Perhaps I am born to tame him. Though I'm not quite sure who is the devil I'm referring to. Is it the devil who rules hell or the one who walks on earth? I don't know. Maybe it is the devil who said he cannot wait to f*ck me mindlessly. Nag-ayang mag-picture muna si Jaica pero hindi na siya umakyat pang muli sa White Rock dahil nangangatog raw ang tuhod niya. Pagkatapos naming mag-picture ay binagtas na namin ang daan tungo sa waterfall. Nasa may kalayuan pa lang kami ay naririnig na namin ang malakas na agos ng tubig. Nang makarating kami ay hindi ko naiwasang mapanganga. Really, God can do wonders! "Can we swim here?" Excited kong tanong sa mga kasama ko. Hindi ko nilisan ng tingin ang plunge pool. Tsaka may mga dala naman kaming extra clothes kaya hindi ko hahayaang hindi makapagbabad dito. Napakalinaw ng tubig na halos nakikita ko mula sa kinatatayuan ko ang mga bato at maliliit na isda. Napapalibutan rin itong lugar ng mga malalaking puno kaya malilim dito. Medyo nakakatakot nga lang dahil baka mayroong ahas dito sa paligid. But overall, this place is enchanting. Biglang naglaho ang pagod na nararamdaman ko. "Yup. But let's have our lunch first," ani Emman. Kinuha ni Jaica ang foldable waterproof picnic mat sa loob ng rucksack niyang dala. Masasabi kong pinaghandaan namin itong hiking namin dahil nag-shopping kami noong Friday at binili ang mga gamit na kailangan naming dalhin ngayon dahil mag-o-overnight kami rito sa kabundukan. Inilabas ni Brae ang mga pagkain namin mula sa isang maliit na kulay blue na cooler. Si Emman rin ay mayroong dalang cooler na ang laman naman ay mga beer-in-cans. Pinuno rin niya iyon ng mga tube ice. Alam kong mabigat ang mga dala nila, ngunit ni isang reklamo ay wala kaming narinig mula sa kanila. Mabilis lang naming pinagsaluhan ang mga pagkain. Sandali lang rin kaming nagpahinga, at hindi na ako nahiya sa mga kasama naming lalaki nang hubarin ko ang hoodie jacket na suot ko, at ang sports bra na lang ang tanging suot ko na pang-itaas. Agad ko ring tinanggal ang mga hiking shoes. Huhubarin ko na rin sana ang leggings ngunit hindi ko na ginawa dahil hindi match ang undies ko sa sports bra. Sana pala ay nagdala ako ng swimsuit! Si Jaica naman ay ang jacket lang niya ang hinubad niya, at katulad ko, naka-sports bra lang rin siya. Iyon nga lang ay hindi ito naka-leggings dahil mas pinilig niyang isuot ang workout shorts niya. Hawak-kamay kaming tumalon ni Jaica sa tubig. Pareho naming pinigilan ang pagsigaw lalo na noong maramdaman namin ang malamig na tubig ng waterfall sa katawan namin. Ang bilin kasi sa amin ng dalawa naming kasama ay huwag kaming sisigaw dahil baka may magambala kami. Topless naman ang dalawang lalaki nang daluhan nila kami sa tubig. Kitang-kita ko ang paghanga at pagnanasa sa mukha ni Jaica habang nakatingin sa dibdib ni Emman. Para bang gusto niya iyong pasadahan ng kamay. Maganda rin ang katawan ni Brae at guwapo pa. Sa tingin ko rin ay kung magpapakita ako ng motibo sa kanya -- katulad ni Jaica kay Emman -- hindi niya iyon babalewalain. The way Brae looked at me wasn't just a simple, friendly look. I'm not stupid not to see that in his eyes. I know every damn look of a guy who is interested in me. I'm not just assuming or imagining things. I'm willing to bet my left cheek ass to prove that Brae is interested in me. But the joke was on me 'cause I don't have any plans on proving that. Ni wala akong maramdamang pagnanasa kahit na nakabalandra sa harapan ko ang basa niyang katawan. I can't imagine myself licking his chest... or kneeling in front of him. Ibang lalaki ang nasa imahinasyon ko, at wala siyang mukha -- wala pa siyang mukha. Boses pa lang niya ang nasa isipan ko, pati na rin iyong mga crude texts niya. Pero kahit gano'n, inaamin ko sa sarili ko na ang lakas na ng epekto niya sa akin. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang malamig na tubig sa mukha ko. "You're spacing out," natatawang sabi ni Brae nang masama ko siyang tinitigan. Siya lang naman kasi ang nag-splash ng tubig sa mukha ko! "She spaced out while looking at your body? Interesting!" My best friend giggled. Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya saka siya inirapan. Nang ibalik ko kay Brae ang tingin ko ay nakangisi siya sa akin habang sinusuklayan ang basa niyang buhok gamit ang mga daliri ng isa niyang kamay. Halata sa hitsura niya na may naisip siyang kakaiba doon sa sinabi ng kaibigan ko. Ngumisi rin ako pabalik dahil wala akong balak na angalan iyong sinabi ni Jaica kahit na wala naman talaga iyon. Hindi ko na lang rin itatama kung ano ang naging assumption nila. Sometimes, it is better not to go against what others have to say. It's better to show that you agree with everything so that they can just shut up, and the conversation won't go on any longer. People only believe what they want to, so arguing or disagreeing would just be pointless.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD