My heart was hammering inside my chest as I stare at my reflection in the life-size mirror. I'm wearing a glamorous quinceañera gown made from champagne fabric and glitter lace. This gown was enriching with delicate long sleeves. The whole thing was hugging my body in the right places, defining my curves, and I feel like I'm in a fairytale -- a princess in a fairytale.
My long black hair was styled in a boho bubble braid -- in a messy way. My hair stylist said there's beauty in imperfection, and I couldn't agree more.
Humugot ako ng isang malalim na hininga para mapakalma ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Sinuri ko rin nang mabuti ang mukha ko kung wala bang mali sa pagkaka-make-up ko ngayon. At wala naman nga. Hindi naman makapal ang pagkaka-apply ng make-up sa akin ng make-up artist ko. Parang wala man ngang make-up na nakalagay sa mukha ko na mas gusto ko.
"Lorna, are you ready to face your guests, anak?" Halos magulat pa ako nang marinig ko ang tinig ni Daddy.
Mabilis akong lumingon sa likuran ko at nakita siya sa may doorway. Hindi ko napansin ang pagbukas ng pintuan dala siguro ng kaba na nararamdaman ko.
I shouldn't feel nervous but I couldn't freaking help it! Today is my eighteenth birthday and my father throw a Fairytale-like theme party for me simply because he can. William Monsanto is one of the so-called crazy rich in Asia. Marami siyang business at kilala ang pangalan niya sa larangan ng business world. Marami rin siyang mga kaibigan na katulad namin ang estado sa buhay kaya alam kong maraming mga mayayaman na dadalo dito sa debut ko.
"Give me a minute, Dad," wika ko saka muling humugot ng isang malalim na hininga.
I know how to socialize with people. I could easily blend in. It's just that... I hate getting someone's attention -- everyone's attention on that matter. Pero dahil kilala ang ama ko, imposibleng hindi ako makakuha ng mga unwanted attentions.
At hindi ko hiniling sa kanya na magkaroon ng enggrandeng birthday party celebration. Sure, lahat ng gusto ko ay nakukuha ko dahil kailanman ay hindi ako tinanggihan ng tatay ko. Ibinibigay niya sa akin ang lahat. My father spoil with me anything. I could say I was born with a golden spoon in my mouth but I am not a brat. Marunong pa rin akong rumespeto ng mga taong karespe-respeto.
I am an only child and my mother passed away when I was in 3rd grade. Si Daddy na lang ang mayroon ako ngayon, at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nawala siya sa akin.
Humakbang palapit sa akin si Daddy. Hindi ko naiwasan ang mapangiti habang nakatingin sa kanya at sa kasuotan niya. Dad is still in his early 40s and can take care of himself well.
"You look wonderful, princess," puri nito habang nakatingin sa kabuuan ko. Matamis akong ngumiti sa kanya.
"Thanks, Dad!" I control the urge to throw myself in his arms. I might smudge my make-up in his suit, and that's the last thing I want to happen.
"Are you good to go?" Nilahad nito ang kanyang palad.
Sinulyapan ko ulit ang repleksyon ko sa salamin bago humawak sa naghihintay na palad ng tatay ko.
"Let's go."
The wooden double door of the grand ballroom of this exclusive hotel was closed when we arrived. I know that the guests inside this room are waiting for me. This is where my debut party will take place, which makes my heart bang on my chest.
"Chin up, Lorna. This is your night," ani Dad habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko. "Happiest birthday, my love. I know your mom is extremely proud of the lady you have become."
Malapad akong ngumiti sa ama ko at parang natunaw ang puso ko dahil sa sinabi niya.
"I love you, Dad." Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya.
Dahan-dahang binuksan ng dalawang lalaking naka-bow tie suit ang magkabilang pintuan para sa amin. Smokes effect on both sides of the door are clouding my vision. Hindi ko masyadong makita ang mga tao sa loob ngunit malinaw kong naririnig ang introduction speech ng host nitong party ko.
"Ladies and gentlemen, may I introduce to you the debutant. Let us all welcome our dazzling lady of the night, Miss Lorna Monsanto!"
Napuno ng palakpakan ang buong ballroom habang mabagal kaming naglalakad ni Daddy sa red carpet sa gitna ng malawak na silid. A soft, instrumental music can be heard in the background.
Taas-noo akong tumingin sa mga bisita habang nakangiti. Panay ang flash ng mga camera sa direksyon namin, at hindi ko maiwasan ang hindi mamangha sa mala-fairytale na pagkaka-ayos nitong venue.
Soft pastels, calm hues, and cream colors paired with complementary metallics. String lights were above, illuminating the whole place in gold. There were also different kinds of flowers hanging on the ceiling. I couldn't thank my father enough for this magical eighteenth birthday that he has thrown for me.
Inilibot ko ang paningin ko sa mga bisita habang nakangiti pa rin. Namumukhaan ko ang iba, ngunit mas marami ang hindi pamilyar. O siguro ay na-meet ko na ang mga ito sa mga event party na dinaluhan ni Daddy kung saan kasama ako pero hindi ko na lang sila matandaan.
Malapad akong napangiti nang matanaw ko ang best friend kong si Jaica na ngayon ay kumakaway sa akin. Naka-gown rin ito na ibinagay sa theme ng party ko. Actually, lahat naman ng mga bisitang babae ay naka-gown habang iyong mga lalaki ay naka-suit.
Malapad ang mga ngiti sa akin ni Jaica at hindi nakaligtas sa mga mata ko nang punasan nito ang magkabilang sulok ng kanyang mga mata.
Muli kong inilibot ang paningin ko sa mga tao, at napako ang mga mata ko sa isang lalaki na nakatayo sa may kabilang banda. Naka-three piece suit ito, at nasa likuran ang mga kamay niya. Seryoso itong nakatingin sa gawi namin na siyang nagpabalik sa kaba ko.
Every guest here has a smile painted on their face while looking at me, but not this one. He didn't even bother to put on a fake smile.
Sa tantya ko ay hindi ko ito ka-edad. Siguro ay nasa late 20s na ang edad niya or early 30s. Matangkad rin ito, at kahit ayoko mang aminin sa sarili ko, hindi maitatanggi na gwapo ang lalaking 'to. Iyon nga lang ay parang napilitan lang siyang um-attend sa debut ko.
Iniwas ko ang paningin ko nang dumaan kami sa harapan niya ngunit ramdam ko pa rin ang titig nito sa likuran ko. Pero hindi ako sigurado kung mga titig nga ba niya ang nararamdaman ko dahil alam ko sa sarili ko na lahat ng taong nandito ay nakatingin sa akin ngayon.
Inihatid ako ni Daddy sa royal chair na naghihintay sa akin. Puno ng ngiti ang mukha ko nang muli akong humarap sa mga bisita. Pinigilan ko rin ang sarili ko na balikan ng tingin ang lalaking hindi ko kilala.
Sinubukan kong mag-focus kay Daddy nang sabihin ng host na magbigay siya ng message niya para sa akin. It was just a short message but meaningful.
Tuluyan ko nang nakalimutan ang tungkol sa lalaki nang magsimula na ang formal cotillion dance kung saan kasama ang best friend ko at iyong mga naging kaklase ko sa senior high. Walang mapaglagyan ang tuwa ko habang pinapanood silang sumasayaw para dito sa birthday ko.
Pagkatapos ng sayaw ay naging abala na ang mga waiter sa pagsi-serve ng dinner para sa mga bisita. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang ipalabas sa malaking projector screen ang AVP presentation. Hindi ko na lang hinayaan na lamunin ako ng kahihiyan dahil sa mga pictures ko noong maliit pa ako.
May hinanda ring pa-trivia game featuring facts about me ang host para sa mga bisita kaya pagkatapos ng dinner ay iyon ang sumunod na ginawa. Iyong mga ibang sumali ay wala namang nakuhang tama dahil hindi naman nila ako talagang kilala. Halos iyong mga naging kaklase ko lang at ang best friend ko ang nakasagot.
"Happy eighteenth birthday, Lorna," bati ng nakangiting si Kalix sabay abot sa isang pulang rosas.
"Thank you." Malugod ko iyong kinuha saka kami sumayaw sa gitna habang pinapanood kami ng mga bisita. Tumutugtog rin sa background ang kanta ni Christina Perri na A Thousand Years. Bawat magpapalit ang mga kasayaw ko ay magpapalit rin ang kanta. At pang-seventeen na si Kalix.
Kahit na medyo kumikirot na ang mga paa ko dahil sa suot kong heels ay hindi ko iyon inalintana.
Isa si Kalix sa mga naging kaklase ko na personal kong binigyan ng invitation para dito sa debut ko. At siyempre tinanong ko muna siya kung pwede ko ba siyang isali sa 18 roses. Hindi naman siya tumanggi kaya natuwa ako.
Nang matapos ang minuto namin ni Kalix ay bumalik na siya sa table niya. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil hindi pa lumalapit sa akin ang kukumpleto sa 18 roses na hawak ko. Ilang beses na ring tinawag ng host ang pangalan niya ngunit wala pa ring lumalapit dito sa kinatatayuan ko.
Hindi ko naiwasan ang hindi makaramdam ng disappointment sa anak ng kaibigan ni Daddy! Siya mismo ang nakiusap sa akin na gawin ko siyang pang-eighteen ngunit mukhang hindi naman siya dumalo! At bakit ba hindi ko napansin na wala siya dito?
Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa mga bulungan na naririnig ko. Gumagapang na rin ang hiya sa sistema ko dahil para akong tangang prinsesa dito sa gitna na hindi sinipot ng prince charming niya.
Handa na sana akong bumalik sa upuan ko nang bigla kong matanaw ang isang lalaking papalpit dito sa kinatatayuan ko. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa akin nakatutok ang spot light. May sinabi ang host na hindi ko masyadong narinig dahil sumabay ang kantang All About Us ng He is We na featured ang Owl City.
Halos mahulog sa sahig ang panga ko nang makalapit sa akin ang isang lalaking may hawak na rosas. Siya iyong lalaki kanina na seryosong nakatingin sa akin.
Malakas na kumabog ang dibdib ko nang iyuko pa niya ang ulo niya at ilahad ang hawak sa harapan ko.
Atubili kong kinuha ang rosas habang may pilit na ngiti sa mga labi. s**t! Ano ba ang ginagawa niya?
"May I have this dance?" Kinilabutan ako sa malalim niyang tinig. Pati iyong mga tingin niya sa akin ay naging dahilan rin ng pagtaas ng mga balahibo ko.
"S-sure," utal kong sabi habang nakatingin lang sa mukha niya.
Agad nitong isinarado ang distansya namin. Kinuha rin niya ang isa kong kamay at ipinatong sa may balikat niya, habang iyong isa naman ay hinawakan niya at para akong napaso sa init ng palad niya. Humawak rin ang isa niyang kamay sa may bewang ko.
"I couldn't bear to see you frowning on your special day," turan ng lalaking kasayaw ko malapit sa tenga ko. "Shame on that boy for missing this precious dance with you."
May kung anong sumayaw-sayaw sa loob ng tiyan ko dahil sa mga sinabi niya. At kahit na gusto kong lumingon sa kanya ay hindi ko ginawa. Halos magkadikit na ang mga pisngi namin, at isang maling lingon lang, maaaring lumapat ang mga labi ko sa pisngi niya.
"Uh. Thanks," usal ko sa mababang tinig. "Um... may I know your name?" Lakas-loob kong tanong. Though I'm not sure if he is going to give out his name.
"I didn't dance with you to introduce myself, sweetheart. I just came here to save your night," mungkahi nito at sa tono ng tinig niya ay nakangiti siya.
Wala sa sariling napanguso ako. Will it hurt him if he told me his name? Isn't it unfair? Silang lahat dito ay alam ang pangalan ko, ngunit itong lalaking ito ay ayaw man lang sabihin ang pangalan.
"Well, okay." I won't push it even though I got so curious.
Pwede ko namang itanong sa daddy ko ang pangalan ng isang 'to. Sigurado ako na siya ang nag-imbita sa lalaking 'to.
"Happy eighteenth birthday, Lorna." Muling kumabog ang dibdib ko dahil lang sa simpleng pagbikas niya ng pangalan ko. Huminto rin ito sa pagsayaw at iniharap sa akin mukha niya. "You will be looking for me one day, and that's the day I will give you my name." Tikom ang bibig nito nang ngumiti siya sa akin.
Naramdaman ko ang kuryenteng gumuhit sa likuran ko hanggang sa batok dahil sa sinabi niya at sa ginagawa niyang paninitig sa akin. Para ring may halong pagbabanta ang tinig niya na hindi ko mawari.
"W-what do you mean?" Naguguluhang tanong ko.
Ngumiti lang ito saka na binitawan ang kamay ko at bewang ko. Wala ring sabi na umatras ito palayo sa akin saka tumalikod hanggang sa hindi ko na siya makita.
Napuno ng katanungan ang isip ko hanggang sa hindi ko na namamalayan na may umaalalay na pala sa akin pabalik sa royal chair na inuupuan ko.
Hanggang sa matapos ang buong program ng debut ko ay hindi ko na muli pang nakita ang lalaking iyon. Gaano ba siya kasigurado na hahanapin ko siya?