Chapter 4

1631 Words
Evette's POV HINDI ko alam kung ano ang nangyari. Ang akala ko magiging masaya ang Celebration ko ng aking kaarawan. Pero sinira lang ng walang hiyang lalaki na iyon ang aking gabi. "Halika na, ako na ang mag hahatid sa'yo." wika sa akin ni Lisa, ang aking kaibigan. Mabuti na lang at nauna na sina Lynnette at Henry kanina pa. Bago mangyari ang hindi dapat nangyari. Gosh! nakakahiya! pinag titinginan din kami ng mga tao dito sa Restaurant. Kaya naman pumayag na ako na magpa hatid kay Lisa. Mahigit isang taon pa lang kami ni John, bilang magka sintahan. Pero ilang beses na rin kaming nag-away na dalawa dahil meron talagang ugali ito na minsan ay hindi ko gusto. Noong nakaraang buwan ay nag-away kami dahil sa pamimilit nya sa akin na may mangyari sa amin. Hindi ako pumayag dahil gusto ko ay makasal muna kami bago may mangyari. Pero ngayon, hindi ko alam kung anong problema nya at basta na lang binasag ang baso sa harapan namin. "Saan mo ba nakilala ang lalaking 'yon? sa totoo lang, unang tingin ko pa lang sa kanya ay alam ko nang hindi sya gagawa ng maganda. At hindi nga ako nag kamali." biglang tanong sa akin ni Lisa, habang nag mamaneho. "Sa Party ng pinsan ko. Kasama sya ng isa sa kaibigan ng pinsan ko, kaya nagka kilala kami." sagot ko sa kanya. "Anong trabaho nya?." muling tanong sa akin ni Lisa. "Noong nagka kilala kami, sabi nya ay isa daw syang Manager sa isang Real State Company. Pero natanggal daw sya bilang Manager, kaya ang Business nya ngayon ay Buy and Sell." ani ko. Dahil iyon lang ang alam ko tungkol sa Boyfriend ko. Damn! Bigla ko tuloy nasapo ang ulo ko. Ano bang nangyari sa akin? bakit nga ba ako nag mahal ng isang lalaking hindi ko lubos na kilala. Naturingan pa naman akong Abogado, pero napaka tanga ko. Nakita ko naman na tumango lang si Lisa. Hindi ko rin alam kung ano ang iniisip ng kaibigan ko. Dahil si Lisa ay ang klasi ng tao na wala kang makikitang emosyon sa kanyang mukha. Kinakabahan tuloy ako, dahil alam kong meron pina plano ang kaibigan ko. Nang makarating kami sa tapat ng Gate ng bahay namin, ay agad na akong nag paalam sa aking kaibigan at nagpa salamat na rin ako. Agad naman na umalis si Lisa, kaya isinara ko na ang Gate namin. Pumasok na rin ako sa loob ng bahay namin. Deretso ako sa kuwarto ko, saka ko inilapag sa ibabaw ng kama ang mga regalong ibinigay sa akin ng aking mga kaibigan. Hinaplos ko rin ang bouquet na dala ko. Ito yun ipina deliver ng kung sino sa Restaurant kanina. Napaka ganda nito at napaka mahal din ng mga bulaklak na ginamit dito. Agad kong binuklat ang maliit na papel na naka siksik sa pinaka ilalim ng bulaklak. Hindi ito agad mapapansin dahil nasa pinaka loob ito, at natatabunan ng mga dahon. "Happy Birthday, Dear!." ang nabasa ko sa papel. Nagtaka ako kung sino ang taong ito na nag padala ng bulaklak. Iniisip ko rin kong kanino ko narinig ang tawag na 'Dear'? Halos lumuwa ang mga mata ko nang maalala ko kung sinong tao ang tumatawag sa akin ng 'Dear', walang iba kungdi si Attorney Magtibay. Gulat na gulat tuloy ako. Kinuha ko rin ang maliit na paper bag. Agad ko itong binuksan at tumambad sa aking paningin ang isang napaka gandang kuwentas. Alam kong mahal ito, sa pangalan pa lang ay alam na alam ko na napaka mahal ng kuwentas na ito. Dahil sa St. Patrick's ito galing. Totoong gold at Diamonds ang ibenibenta ng St. Patrick's na pagma may-ari ng nasirang asawa ni Lisa. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi, dahil sa regalo sa akin ni Attorney Magtibay. Pero napa ngiti na lang ako at isinuot ko na lang ang kuwentas. Magpa pasalamat na lang ako sa kanya bukas. ..... Agad naman na sinundan ni Alfie, si John Bautista. Kailangan may makuha syang impormasyon tungkol sa lalaki. Iba talaga ang kutob nya sa lalaki, mukhang ito ang klasi ng tao na hindi gagawa ng mabuti. Sa isang Beer house huminto si Alfie. Ipinarada kaagad nya ang kanyang sasakyan sa isang bakanting parking. Kinausap din nya ang guard doon na paki tingnan ang kanyang kotse, saka nya pina ipitan ito ng dalawang libo ang guard. Natuwa naman ang guard, dahil sa ibinigay nitong halaga. "Salamat, Sir. Ako na po ang bahala sa kotse nyo." wika ng guard. Tinapik lang ni Alfie sa balikat ang lalaki, saka mabilis na pumasok sa loob ng Beer house. Agad naman syang sinalubong ng mga babaing nagta trabaho sa loob. Nag unahan din ang mga ito na mag alok sa kanya na sila na ang e table daw nito. "Sorry mga miss, gusto ko lang uminom dito pero ayaw ko ng may katable." sagot nya sa mga ito, saka tuloy-tuloy na pumasok sa loob. Agad naghanap si Alfie ng lugar na pwedi nyang maupuan, naka kita naman sya sa bandang gilid. Napa ngisi pa sya dahil hindi sya makikita dito, dahil madilim na ang bahaging iyon. Hanggang sa tawagin na rin nya ang isang waiter, upang mag order ng kanyang iinomin. Habang umiinom si Alfie ay umiikot naman sa paligid ang kanyang mga mata. Hanggang sa mahagip na ng kanyang paningin si John Bautista. Kuyom ang kamao ni Alfie, habang pinag mamasdan ang lalaki. May katable itong dalawang babae at salitan na hinahalikan ang mga ito sa labi. Agad na inayos ni Alfie ang Camera ng kanyang Relo. Kailangan nyang makunan ng Video ang lalaki, upang gawing ebidinsya. Hanggang sa tuloyan nang umalis ang lalaki at kasama pa na umalis ang dalawang babae na kahalikan nito. Palihim na sinundan ni Alfie ang kotse ng lalaki, hanggang sa pumasok ito sa isang Village. Dito siguro naka tira ang lalaki, wika nya sa kanyang sarili. Tumigil ang kotse na kanyang sinusundan sa tapat ng isang bahay na hindi kalakihan. Sabay-sabay na pumasok ang tatlo sa loob. Hating gabi na, kaya wala nang tao sa labas. Kaya naman naisipan ni Alfie na sundan ang mga ito sa loob. Madali lang sa kanya ang maka pasok dahil iniwang bukas ang gate. Kaya naman mabilis syang bumaba ng kanyang kotse at pumasok sa loob ng gate. Agad nyang pinihit ang hawakan ng pinto. Napangisi pa sya dahil bukas ito. Kaya naman mabilis na syang pumasok sa loob. Mga halinghing at tawa ang maririnig sa loob ng bahay. Kaya naman dahan-dahan itong lumapit sa naka awang na pinto ng kuwarto. Ganon na lang ang pag laki ng mga mata ni Alfie nang makita ang mga nangyayari sa ibabaw ng kama. 'Mga dugyot!' pag mumura nya sa kanyang isip, dahil sa ginagawa ng mga tao sa loob. Kaya naman mabilis nyang inilagay ang maliit na Camera sa pader. Nang mailagay na nya ito ay agad na syang umalis sa lugar. Kailangan malaman ito ni Lisa. Sya lang ang pweding kumausap kay Evette na hindi ito mapapahiya ang babae. Kaya naman agad nyang tinawagan si Lisa. Agad na bumalik si Lisa sa bahay ni Evette. Agad din nyang tinawagan ang kaibigan upang sabihin na lumabas ito. Hindi naman nag tagal ay lumabas na si Evette sa bahay nito at agad na sumakay sa kotse ni Lisa. "Saan ba tayo pupunta?!." nag tatakang tanong ni Evette sa kaibigan. "Malalaman mo mamaya." malumanay na sagot ni Lisa. Tumigil sila sa harap ng isang bahay. Naguguluhan man si Evette ay sumunod na lang sya sa kaibigan nya. Agad silang pumasok sa loob ng bahay. Nagulat pa si Evette dahil sa narinig nitong mga halinghing na nang gagaling sa loob ng kuwarto. Itinuro ni Lisa ang naka awang na pinto. Kahit kina kabahan si Evette ay lumapit pa rin sya sa pinto ng kuwarto. Nanlaki ang mga mata ni Evette dahil sa nakikita. May ilaw sa loob ng kuwarto, kaya kitang kita nya ang ginagawang kababoyan ng mga tao sa loob. Kaya sa sobrang galik ni Evette ay agad nitong nilakihan ang awang ng pinto. Dahil medyo napa lakas ang pag tulak nya sa pinto kaya nagulat ang tatlong tao sa ibabaw ng kama. Ang lalaking naka higa sa kama ay biglang nag angat ng ulo. Tinanggal din nya ang mukha nya na nasa ilalim ng babae, upang makita ang paligid. Ang dalawang babae naman na naka sakay sa katawan ng lalaki ay gulat na gulat, dahil sa taong naka tayo sa may pinto. "Mga walang hiya! mga baboy kayo!." sigaw ni Evette sa mga ito, habang nanginginig ang buong katawan nito sa galit. "Huwag na huwag kanang magpa pakita sa akin, hayop ka! hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa mong ito sa akin! i hate you! i hate you!." malakas na sigaw ni Evette. Agad naman syang hinila ni Lisa, palabas ng bahay. Tumingin pa si Lisa sa lalaki at nag iwan ng nag babantang tingin dito. Agad na isinakay ni Lisa ang kaibigan nito sa kotse nya, saka umikot sa drivers seat. Bago sumakay si Lisa sa kotse nito ay sinenyasan muna nya si Alfie na nag tatago sa di kalayuan. Tumango lang ang binata, kaya naman umalis na ang mag kaibigan sa lugar. Dinala na lang ni Lisa ang kaibigan nito sa kanyang bahay. Hindi nya pweding pabayaan ito ngayon. Alam nyang masakit na masakit kay Evette ang nangyari. Lalo at kitang kita ng dalawang mata nito na niloloko sya ng kanyang kasintahan. "Magpa hinga kana muna. Huwag mo nang isipin ang nakita mo. Mabuti nga habang maaga ay nalaman mo na ang tunay na kulay ng lalaking iyon." wika ni Lisa, saka muling niyakap ang kaibigan. Naka tulogan na lang ni Evette ang pag-iyak. Hindi na rin nya namalayan na naka tulog na sya sa sobrang pagod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD