Chapter 3

1983 Words
Mabilis na pinatakbo ni Alfie ang kanyang kotse, papunta sa Head Quarter ng ORBIT. Nadatnan na rin nya ang mga kasamahan nito sa loob. Binati naman sya isa-isa ng mga kasamahan nyang Secret Agent. Hindi nag tagal ay pumasok na rin si General Peneda. Agad nitong inilahad ang isang kasong hawak nila. Sinabi din nito ang plano nya, para sa kanilang magiging mission. Nang matapos ang pag pupulong, ay agad na silang nag handa. Agad din silang nag bihis, saka sila kumuha ng mga baril sa loob ng kanilang Armory Room. Nauna na si Alfie at Travis na lumabas. Sila ang magagaling na Sniper ng kanilang Team. Kailangan kasi nilang maka pag handa ng maaga sa kanilang pwesto. Para pag dating ng mga Agents ay Clear na ang Area. Naka dapa si Alfie sa itaas ng isang building, habang sinisilip nito ang kanyang M21 Sniper Rifle. Hanggang sa makita na nya ang kanilang target. Kaya naman agad nya itong iniulat sa kanyang Commander. Mabilis naman na umakyat ng building ang mga kasamahan nyang Agents. Walang kahirap hirap na nakuha ng mga ito ang lalaking target nila. Pero bago maka labas ang mga kasamahan nya ay meron humarang sa mga ito. Kaya naman mabilis na pinatumba ang mga ito nina Alfie at Travis. "Clear!" magka panabay na wika nina Alfie at Travis. "Thank you, Mercury and Neptune. Maasahan talaga kayo." narinig nilang wika ni Moon sa kanilang earphones. .... Kinabukasan ay maagang nagising si Alfie, upang mag handa sa kanyang pag pasok sa opisina. Habang nagka kape ay binabasa naman nya ang mga kasong hawak nya, pinag-aaralan nya ng maigi ang mga ito. Hanggang sa matapos na sya sa kanyang almusal at tuloyan na rin syang lumabas ng kanyang kuwarto. Sa kanyang kuwarto na nasa 9th floor ng M. S. PALACE HOTEL sya tumutuloy. Madalang lang syang umuwi sa kanyang sariling bahay, upang mag pahinga. Lahat silang mga Secret Agent ng ORBIT, ay meron sari-sariling kuwarto dito sa M.S.P.H. Nandito na rin lahat ng kailangan nya, at malapit lang sa kanyang trabaho. Dahil nasa first floor lang ng building ang Law Firm na pina pasukan nya. Pag pasok nya ng opisina ay naka sabay pa nya si Evette na pumasok sa loob. "Good morning Attorney Magtibay! mukhang maaga ka ngayon?!." pag bati sa kanya ng kasamahang abogado. "Good morning din sa'yo Evette! mukhang masaya ka ngayon my dear, at pati pag pasok ko ay napupuna mo?!." pabruskong sagot din nya sa babae. Bigla naman nanghaba ang nguso ni Evette, dahil sa sinabi ni Alfie. "Hoy! Attorney Magtibay, mukhang wala ka man lang maalala sa araw na ito?!." naiinis na tanong sa kanya ni Evette. Napa isip naman si Alfie, kung ano nga ba ang meron ngayon araw at bakit biglang nag-iba ang timpla ng babae. "Ano ba kasing meron? wala naman akong maalala na ganap ngayong araw ah!." sagot ni Alfie, habang kinakamot ang kanyang ulo. "Baka lebre ka mamayang gabi? BIRTHDAY KO KASI, kaya gusto kong mag Celebrate kasama kayo!." wika ng babae, at ipinag diinan pa ang salitang BIRTHDAY daw nito. Bigla naman nasapo ni Alfie ang kanyang noo. Nawala na pala ito sa isip nya na birthday pala ng dalaga ngayon. Noong nakaraang lingo pa pala ito sinabi sa kanila ni Evette, na mag Celebrate daw sila na magka kasama. "Pasensya na, Evette! nakalimutan kong ngayon na pala ang birthday mo. Happy birthday pala sa'yo! sige, sasama ako sa inyo mamaya. Huwag kanang sumimangot, para ka tuloy naka amoy ng mabahong utot sa sama ng mukha mo!." wika ni Alfie, na may kasamang pang aalaska sa kaibigan. Saka mabilis na lumayo kay Evette at agad na pumasok sa loob ng opisina nito. "Sira ulo!." sigaw na lang ni Evette, dahil ang bilis maka layo ni Attorney Magtibay. Nasanay na rin ito sa ugali ng kaibigan nyang Attorney na magka sira ulo minsan. Naisip din ni Evette na sayang ang kaguwapuhan at ganda ng pangangatawan ng lalaki. Hindi kasi kaila sa kanilang magka kaibigan na may pagka bakla ang kaibigan nila. Ang kagandahan lang ay hindi ito katulad ng ibang mga bakla na talagang nag ladlad na. Si Alfie ay lihim lang ang tunay nitong kulay. Lalaking lalaki din itong tingnan, kahit saang angulo mo tingnan ay lalaki ito. Hindi rin ito pumapatol sa kapwa nya lalaki, dahil siguro sa iniingatan nitong pangalan. Walang sino man ang maka kapag sabi na iba ito. Masayang nag hapunan ang mga magka kaibagan na sina Alfie, Evette, Lisa, Lorraine, Lynnette at Henry. Dumating din ang kasintahan ni Evette na si John Bautista. Nasa isang Japanese Restaurant sila ngayon at kumakain. Magka tabi sina Alfie at Evette, kaya nang dumating ang kasitahan ni Evette ay umusog lang si Evette, upang magkaroon ng space para sa kanyang kasintahan. "Sorry, Mahal! na late ako. Ma traffic kasi." bungad ng lalaki. Agad din nitong ibihay ang dala nitong bulaklak, sabay halik sa pisngi ni Evette. Ipina kilala naman ni Evette ang lalaki sa mga kaibigan nito. Naka ngiti din ang lalaki na naki pag kilala sa mga nadatnan nito na kumakain. Pero nang si Alfie na ang kinamayan nito ay nagulat si Alfie, dahil sa ginawang pag pisil nito sa kamay nya. Kitang kita din ni Alfie ang pag-igting ng panga nito at ang titig nitong may pag babanta. Kaya naman napa ngisi na lang ang binata, dahil sa inaasal ng lalaking bagong dating. Gusto nya tuloy masubukan ang lalaki, kung hanggang saan nito kayang makisama. May naisip tuloy si Alfie na kalokohan para sa lalaki, kaya naman pasimply nitong kinuha ang kanyang Cellphone at nag text. Habang kumakain sila ay abala naman sa pakikipag kuwentuhan si Evette sa mga kaharap nito, habang kumakain. Tiningnan ni Alfie ang gawi ng kasintahan ni Evette, at nakita nya itong panay lang ang subo. Kaya naman agad nyang inabot ang plato na may lamang sushi na nasa gitna ng table. Nag lagay sya sa kanyang plato, saka nilagyan din ang plato ni Evette. Binigyan din nya ito ng tempura at gyoza. Wala naman naging reaction si Evette at casual lang sa kanya na ipinag patuloy ang pagkain. Napa tingin naman ang kasintahan nito sa babae, saka biglang ibinaba ang hawak nitong chop stick. "Excuse me, may tatawagan lang ako." paalam ng lalaki. Saka mabilis na tumayo at nag tungo sa labas. Lihim na napangiti si Alfie, saka ipinag patuloy ang pagkain. Hanggang sa biglang nag ingay ang Cellphone ng binata, kaya naman nag excuse din sya sa mga kasamahan. Tumayo sya at medyo lumayo sya upang sagutin ang tawag. "Oh, kuya! napatawag ka. May problema ba?" wika nya. Kausap nito ang kanyang kapatid na si Primo. "Bro, ipapa-alam ko lang sayo na dumating dito sa bahay si Papang. Dito na raw sya ulit titira." balita sa kanya ng naka katandang kapatid. "Ano? anong masamang hangin ang nag tulak sa tatay mo na umuwi? baka naliligaw lang sya?!." gulat na gulat na sagot ni Alfie. Nahilot tuloy nya ang kanyang ulo. "Patay na daw ang kina kasama nya, kaya bumalik na sila dito." saad ulit ng kapatid nya. "SILA? sinong kasama?!." nag tatakang tanong pa nya. "Oo, Bro! kasama nya ang kapatid nating si Bridgette!." Halos mahilo si Alfie sa mga nalaman. Patuloy nitong hinihilot ang kanyang ulo, dahil bigla na lang itong sumakit. May kapatid pala sila sa labas. Hindi nya alam yun dahil walang nag sabi sa kanya. "Sige na, kuya! kailangan ko nang bumalik sa mga kasamahan ko. Mag-usap na lang ulit tayo sa Sabado." paalam nito, saka pinatay ang tawag. Pabalik na sana si Alfie sa kanilang table, nang mamataan nya ang boyfriend ni Evette. May kausap itong babae at halatang may hindi ginagawang maganda. Kaya nag tago muna sya sa gilid ng pader, upang hindi sya makita ng lalaki. Kinuha din nya ang kanyang wallet at kinuha doon ang isang bagay. Hanggang sa nakita na nyang nag hiwalay na ang dalawa, kaya naman agad din syang lumabas sa kanyang pinag tataguan. Sabay tingin sa kanyang relo, pero bumangga naman sya sa isang bagay. Agad din nya itong sinalo upang hindi tuloyang matumba. "Tanga kaba? ang luwang-luwang ng daan pero nabangga mo pa rin ako. " singhal sa kanya ng lalaking kaharap. "Pasensya kana, Pare! tinitingnan ko kasi ang oras kaya hindi kita napansin." hinging paumanhin nya sa lalaki. Pero iniwan lang sya nito, at tanging masamang tingin lang ang itinugon nito sa kanya. "Aba! may Attitude!." bulong pa nya, saka umiling. Bumalik na rin sya sa kanilang table at ipinag patuloy ang pagkain. Hanggang sa merong Waiter na lumapit sa kanila at may dala-dala itong mga bulaklak. Meron din maliit na box pang kasama na naka lagay sa isang maliit na paper bag. "Excuse me, Ma'am. Kayo po ba si Attorney Evette Marquez?!." magalang na tanong ng waiter kay Evette. "Yes, ako nga!." sagot naman nito. "Para po ito sa inyo, Attorney! may nagpa deliver po dito, para sa inyo." wika ng waiter, saka iniabot ang mga dala-dala nyang bulaklak at paper bag. "Wow! mukhang may secret admirer ka friend! hmm, sino kaya 'yun?!." bulalas ni Lorraine, habang naka ngiti at naka tingin din ito sa napaka gandang bouquet. "Kanino naman kaya ito galing? wala naman akong ibang kakilala na pweding mag bigay ng ganito!." nag tatakang tanong ni Evette. Hanggang sa matapos na silang kumain at uminom ng Saki. Napag disisyonan na rin nilang umuwi na dahil malalim na rin ang gabi. Palihim na sinenyasan ni Alfie ang waiter at hiningi ang bill nila. Nang maka lapit ang waiter ay agad na iniabot ni Alfie ang Card nito. Kinuha naman kaagad ito ng waiter at saka nag tungo sa Counter. "Sandali lang, Attorney Alfie! diba ako ang manlilebre sa inyo? bakit ikaw ang nag bayad?!." nahihiyang tanong ni Evette. "No! my Dear! Birthday mo ngayon, kaya dapat lang na mapasaya ka namin. Hindi 'yung ikaw ang gagastos para sa amin. Minsan lang itong mangyari sa isang taon, kaya hayaan mo na ako ang mag bayad!." sagot naman ni Alfie, saka ngumiti ito sa babae. Kahit nahihiya si Evette, ay nag pasalamat na lang sya kay Alfie. "Thanks, Alfie. Sana pala araw-araw na birthday ko, para araw-araw din akong nalilibre sa pagkain." tuloy-tuloy na wika ni Evette. Niyakap na rin nya si Alfie, saka hinalikan sa pisngi nito. Dala na rin siguro ng kanilang nainom, kaya malakas na ang loob ni Evette na gawin iyon. Hanggang na biglang napabitaw si Evette sa pagkaka yakap nito kay Alfie. Dahil sa isang malakas na tunog ng basong nabasag. Nagulat ang lahat nang biglang ibagsak ni John, ang hawak nitong baso at mabasag. "What is your problem, John? my god!." patalak ni Evette sa boyfriend nito. Halata din sa mukha ng babae ang galit nito sa lalaki. Pero umalis lang nang walang paalam ang lalaki, kaya naman hinabol ito ni Evette. Pero agad naman na pinigilan ni Lorraine ang kaibigan. "Hayaan mo syang umalis! hindi ang isang katulad nya ang dapat mong habulin!." mariin na wika ni Lorraine sa kaibigan. "Gusto ko lang naman kausapin, kung ano ang problema nya! bakit bigla na lang syang nagagalit." wika ni Evette. "No! dito ka lang at kami na ang mag hahatid sayo. Kaarawan mo pa ngayon, pero hindi ka man lang binigyan ng kahihiyan!." mariin na wika ni Lisa. "Sige na, Lisa. Ikaw na ang mag hatid sa kanya, at ako'y meron pang lakad. May huhuliin lang akong daga, masyado na kasing mapaminsala!." paalam ni Alfie sa kaibigan, na agad naman sinang-ayunan ni Lisa. Agad na rin lumabas si Alfie sa Restaurant at pumunta sa kanyang Ferrari. Pagka sakay ni Alfie sa drivers seat ay agad nyang binuksan ang kanyang Cellphone. Agad nyang nakita ang tacking divice sa mapa. Ito 'yong palihim na inilagay nya sa relo ni John kanina nang magka bagaan sila. Napangisi pa sya, bago pina andar ang kanyang kotse, saka sinundan ang location na nakikita nya sa kanyang cellphone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD