Chapter 5

2085 Words
LIMANG ARAW ng hindi lumalabas ng kuwarto si Evette. Mabuti na lang at nasa bahay sya ng kanyang kaibigan. Kaya naman na aalagaan sya dito. Lagi syang hinahatiran ng pagkain ng mga kasambahay ni Lisa. Minsan ay si Lisa na mismo ang nagpa pakain sa kanya. Hindi pa rin sya maka paniwala sa bilis ng mga pangyayari. Minsan na nga lang syang umibig ay ito pa ang napala nya. Naisip din nya kung bakit napaka malas nya sa pag-ibig. Wala naman syang balat sa kanyang puwet, bakit ba puro kamalasan ang inaabot nya. Pero hindi sya dapat magpa talo sa kanyang damdamin. Sya yata si Attorney Evette Marquez, at hindi nya hahayaan na pag tawanan sya ng mga tao, dahil lang sa ginawa sa kanya ng isang lalaki. Kaya naman napag desisyonan nyang isantabi muna ang kanyang pag luluksa. Hindi sya dapat nasasaktan, dahil wala namang kwenta ang taong nanakit sa kanya. Tama ang kanyang mga magulang, hindi talaga mabuti ang lalaking napili nya. Sana pala nakinig na lang sya sa mga ito noon pa. Hindi sana sya nasasaktan ngayon. .... Palihim naman na sinisilip-silip ni Alfie, ang kanyang kaibigan sa loob ng Guest Room ni Lisa. Nakaka pag labas pasok kasi sya sa bahay ng kanyang kaibigan, dahil itinuring na rin syang parang kapatid ni Lisa. Si Alfie din ang nag- uutos sa mga kasambahay na pakainin si Evette at huwag iiwan kapag hindi pa nauubos ang pagkain nito. Awang-awa sya sa kanyang kaibigan. Pero ayaw nyang mag pakita dito, dahil ayaw nyang mapahiya si Evette, dahil isa pa rin syang lalaki. At naiintindihan naman ni Alfie ang damdamin ng isang babae, na masyadong sensitive ang mga ito. Pagsapit ng Sabado, ay nag handa na si Alfie sa kanyang pag-uwi sa kanyang pamilya. Hinanda na rin nya ang kanyang sarili, para sa muling pagkikita nila ng kanyang ama. Labing dalawang taon din ang lumipas, bago ulit naisipan ng kanyang ama na umuwi sa kanilang tahanan. Katatapos lang nya noon ng High School ng umalis ang kanyang Ama. Mag mula din noon ay hindi na ito nag pakita sa kanila ng kanyang ina. Gabi na rin nang makarating sya sa kanilang bahay. Kaya naman na datnan nya ang kanyang pamilya na kumakain na ng hapunan. "Tito....!" malakas na sigaw ni Apple. Mabilis din na tumakbo ang bata palapit kay Alfie, habang naka buka ang maliit nitong braso. "Sweety! i miss you! kumusta na ang mahal kong pamangkin?!." tanong ni Alfie sa bata, habang karga nya ito. "Okay lang po ako tito, nasaan po ang pasalubong ko?!." sagot naman ng kanyang pamangkin. "Sorry, sweety! hindi ako naka bili ngayon kasi nag madali na akong makauwi." wika nya sa kanyang pamangkin. Bigla naman nalungkot ang bata dahil sa tinuran nya. "Huwag kanang malungkot, Sweety, dahil bukas ipapasyal kita sa Mall. Ikaw na lang ang mamili ng gusto mong laruan. Okay ba sa'yo 'yon?!." wika nya sa kanyang pamangkin. "Yeheyyy! ipapasyal ako ni Tiyo ko, bukas! Mommy! ipapasyal daw ako ni Tito ko bukas!." masayang masaya si Apple habang pumapalak pa ito. "Naku, Apple! tigilan mo ang tito mo. Kabibili pa lang nya ng ipad mo noong nakaraan Sabado. Baka naman maubusan na ng pera ang tito mo, nang dahil sa'yo." patalak ni Steph sa anak nito. "Ikaw naman ate, hayaan mo na itong pamangkin ko. Saka ako naman ang may gusto na ibili sya, kaya huwag mo nang isipin 'yon ate. S'ya nga pala ate, si kuya ba dumating na?!." ani naman ni Alfie "Hindi pa nga eh! baka gabihin yun, kasi meron daw silang operasyon ngayon. Halina kayong mag tito, para maka kain na kayo. Hindi pa rin kumakain si Apple, kasi hinihintay ka nya." sagot naman ng hipag nya. Kaya naman agad nang pumasok sa kusina ang tatlo. Ang maaliwalas na mukha ni Alfie kanina, ay biglang nag laho. Nabungaran kasi nya ang kanyang Papang na naka upo sa dati nitong puwesto noon. Nag iwas na lang ng tingin si Alfie, saka agad na nilapitan ang kanyang ina, upang mag mano. Magandang gabi Mamang, kumusta ka dito? hindi kaba nahihirapan o napapagod? sabihin mo lang ng maaga Mamang, para maialis kita dito. Doon kana lang sa bahay ko tumira, Mang." tuloy-tuloy na wika nya sa kanyang ina. "Ano kaba anak! wala kang dapat alalahanin sa akin. Masaya ako dito, at kaya ko pa naman. Kaya huwag mo akong alalahanin." sagot naman ng ina nito, saka sya niyakap. Tahimik lang ang lahat, habang nakikinig sa usapan nila ng kanyang ina. "Tito, pwedi po bang sumama din ako sayo sa bahay mo? gusto ko pong kasama kita lagi tito!." biglang sabi naman ni Apple. "Sige, pero kailangan na kumain ka muna para lumaki ka kaagad. Alam mo bang mabagal lumaki ang batang nagpapa gutom." panakot pa nya sa bata. Napa ngiti naman ang Mamang nya, dahil napaka masunurin talaga ni Apple kapag si Alfie na ang nag salita. "Anak, hindi mo ba babatiin ang Papang mo?." muling tanong sa kanya ng kanyang ina. "Nagutom na ako Mamang, baka gusto mo muna akong pakainin?." sagot nya sa ina, saka agad na nag sandok ng pagkain. Kitang-kita ni Alfie sa gilid ng kanyang mata ang pag-iling ng kanyang ama. Hindi naman sya nag pahalata na nakita nya ang reaksyon ng ama nya. Masama pa rin kasi ang loob nya dito, dahil sa ginawang pag iwan sa kanila ng kanyang ina noon. Matapos kumain ay agad na syang nag paalam na papasok na sa kanyang kuwarto. Nag shower muna sya, bago ito nahiga sa kama. Maya-maya pa ay narinig nyang may kumakatok sa kanyang pinto. Kaya naman agad nyang binuksan ang pinto, upang alamin kung sino ang nasa labas ng kanyang kuwarto. Natigilan pa sya nang mapag buksan nya ang kanyang ama, na naka tayo sa labas ng kanyang pinto. "May kailangan kayo?." malamig na tanong nya sa ama. "A-anak, pwedi ba tayong mag-usap?." tila kinakabahan na wika ng kanyang ama. Nasa mukha din nito ang pag susumamo. Kaya naman kahit masama ang loob ni Alfie sa kanyang ama ay niluwagan na lang nito ang awang ng pinto. "Nag-uusap na ho tayo! ano pa ba ang dapat nating pag-usapan?." malamig pa rin ang boses ni Alfie. "Anak, alam kung malaki ang pag kakasala ko sa iyo, sa inyo ng Mamang mo. Patawarin mo ako anak, at sana matanggap mo pa rin ako bilang ama mo. Tatanggapin ko naman ang galit mo sa akin anak, pero sana huwag mong idamay sa galit mo sa akin ang kapatid mong si Bridgette." pag susumamo ng kanyang ama. "Hindi naman po ako galit sa inyo, nag tatampo lang ako kasi naman iniwan mo kami ni Mamang noon. Mas pinili mo ang iyong pangalawang pamilya, kaysa sa amin. Ni hindi ko man lang naranasan kahit minsan, na may ama akong mag sasabit ng medalya ko noon nag-aaral pa ako. Inggit na inggit nga ako sa mga kaklasi kong merong ama at kasama nilang umaakyat sa stage. Kahit noong mag tapos na ako bilang ganap na abogado, wala pa rin kayo. Tapos ngayon bigla na lang kayong sumulpot at may dala pa kayong anak." wika ni Alfie, mahina lang ang pagkaka bigkas nya nang mga salitang iyon, pero malalim naman ang sakit na idinulot nito sa puso ng kanyang ama. "Patawarin mo ako anak, Jun-jun. At sana matanggap mo rin ang kapatid mo. Hindi kita pipilitin na tanggapin mo ako kaagad, pero sana ay bago ako mawala sa mundong ito, ay mapatawad mo ako, anak." "Talagang hinding hindi kita mapapatawad Papang, hanggat tinatawag mo pa rin akong Jun-jun. Alfie! Alfie na ang pangalan ko!." biglang maktol ni Alfie sa harapan ng ama nito. Kaya naman napa nganga ang kanyang ama, dahil sa inaasta nito. "A-Alfie?." naguguluhan na tanong ng ama nya. Hanggang sa mapalingon sila sa may hagdan, dahil meron biglang tumawa doon. "Kuya, anong nakakatawa?." baling nya sa kapatid nya na bagong dating. "Wala naman, Bro. Natawa lang ako kasi hanggang ngayon ay galit na galit ka sa dati mong pangalan." wika naman ng kapatid nya. "Mabantot kasi kuya, kaya naiinis ako kapag may tumatawag sa akin ng ganon!." asar na turan nya sa kapatid. Lumapit naman ang kanyang kapatid at agad syang niyakap nito. Hanggang sa hilain na rin ni Alfie ang ama nito, upang mayakap din. Nasa ganon silang tagpo ng bigla na lang umulan ng bala sa kanilang bahay. "Dapa!.' magka panabay na sigaw nilang tatlo. Mabilis naman na gumapang si Primo, papunta sa kuwarto nila ng asawa nya. Si Alfie naman ay hinawakan ang kanyang ama, saka dinala sa loob ng kuwarto nito. Mabilis din ang galaw nyang kinuha ang bag nya na lagi nyang dala-dala. Agad nyang kinuha dito ang kanyang baril at bala. Saka pagapang na lumapit sa kanyang ama. "Papang, dito ka lang. Pupuntahan ko lang si Mamang sa kuwarto nya." paalam nya sa ama. "Mag-iingat ka anak!." bilin ng ama nya. Tumango lang sya sa kanyang ama, saka mabilis na lumabas ng kuwarto nya. Mabilis syang gumapang papunta sa kuwarto ng kanyang ina. Nakita nya itong naka dapa na ito sa sahig kasama si Bridgette. "Mang, nasaktan kaba?." nag-aalalang tanong nya sa ina. "Hindi anak, nagulat lang ako sa mga putok ng baril. Buti na lang at nandito itong kapatid mo at agad akong pinadapa, kung hindi natamaan na ako ng bala kanina." wika ng kanyang ina. "Kuya! natatakot ako kuya! nasundan na nila kami ni Daddy dito. Papatayin nila kami kuya, tulongan mo kami!." umiiyak na wika ni Bridgette. Agad naman na niyakap ni Alfie ang kapatid nya. Nanginginig din ito sa sobrang takot. "Tama na, hindi ko hahayaan na may mangyari sa inyong masama. Dadaan muna sila sa mga palad ko, bago nila kayo masaktan. Tahan na!." pagpa pakalma nya sa kapatid nito. "Dito lang kayo ni Mamang, huwag kayong lalabas dito." paalam nya, saka sya mabilis na lumabas ng kuwarto. Magka sabay pa sila ng kanyang kuya Primo na bumaba ng hagdan nilang hindi kataasan. Medyo mataas lang kaunti ang level ng flooring ng mga kuwarto nila, kaya meron limang baitang na hagdan ang bahay nila. "Mag-ingat ka!." paalala pa ng kuya nya sa kanya bago sila mag hiwalay. "Ikaw din kuya!." sagot niya, saka sya mabilis na nag tungo sa kanilang sala. Agad na nag kobli si Alfie sa gilid ng pader sa tabi ng bintana. Dahan-dahan din syang sumilip sa labas, upang tingnan kung nasaan ang mga kalaban nila. Hanggang sa makita nya ang isang lalaki, paakyat ito sa kanilang bakod. Kaya naman agad nyang iniumang ang kanyang baril sa lalaki, na nasa labas ng bintana. Isang kalabit lang ang ginawa nya at bumagsak na agad ang kalaban. Muli na naman nyang kinalabit ang galityo ng dalawang beses, kaya naman natamaan din ang dalawang lalaki na magka panabay na sumampa sa kanilang bakod. Ang kuya naman nya ay patuloy na nag papaputok sa gawing likod ng kanilang bahay. Kabilaan kasi ang mga balang tumagos sa kanilang bahay kaya alam nyang marami din kalaban sa likod nila. Mabilis ang kilos ni Alfie na lumabas ng kanilang terrece. Doon sya nag tago sa likod ng malaking Column sa harapan ng terrece nila. Walang sinayang na bala si Alfie, bawat kalabit nya ng gatilyo ay meron natutumbang kalaban. Isa syang mahusay na Sniper ng ORBIT Special Task Force, kaya naman asintado talaga sya. Ito ang kanyang trabaho, kaya naman mabilis nyang napa bagsak ang mga kalaban nya na hindi nag aaksaya ng bala. Agad din dumating ang mga pulis sa kanilang tahanan. Pina pamunuan ito ni Chief Inspector Jonas Cajalne. Isang Pulis si Jonas, ngunit kasamahan din sya ni Alfie, bilang Secret Agent ng ORBIT. Sya si Secret Agent Jupiter. "Attorney Magtibay! bahay nyo pala itong itinawag sa amin na sinugod ng mga armado?!." bungad sa kanya ni Jonas. "Oo, Chief! hindi ko rin alam kung anong motibo nila, at pinag babaril nila ang bahay namin." sagot naman ni Alfie. Mabilis naman na lumabas ang kuya nya, hawak pa rin nito ang kanyang Armalite. "Chief, mabuti at nandito na kayo. Ako nga pala si Colonel Primo Magtibay at sya naman ang kapatid kong si..." hindi na natuloy ang sasabihin ni Primo nang mag salita si Jonas. "Attorney Alfonso Magtibay! mag kaibigan kami ng kapatid mo Colonel, kaya kilalang kilala ko na sya." sagot naman ni Jonas. Nagulat naman si Primo, dahil sa nalaman. Hindi nya akalain na kaibigan ng Chief nila ang kanyang kapatid. "Kuya, sina Mamang pala!." bulalas ni Alfie, kaya agad na itong umalis sa harapan ng dalawa at patakbong pumasok sa kabahayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD