"Target A, is down!." wika ng isang sniper. Kausap nito ang mga kasamahan nya sa pamamagitan ng suot nyang earphones.
"Copy that!." sagot naman ng kanilang Commander.
"Target B. Five hundred meters, south west, Locked!." muling wika nya, sabay kalabit ng gatilyo ng kanyang Sniper Riffle Gun with Silencer.
"All clear!." ulat nya sa kanyang Commander.
"Good job Neptune!." papuri naman ng kanyang Commander.
"Thank you, Moon!." sagot nya, pero hindi pa rin sya gumagalaw sa kanyang pwesto.
Kailang din kasi nyang mag matyag sa paligid, baka biglang may nag - aabang sa kanyang mga kasamahan sa ibaba at mapahamak ang mga ito.
Marami nang nabago sa buhay ni Attorney Magtibay. Hindi din nya sukat akalain na papasukin din nya ang mapanganib na trabaho.
Pero masaya sya sa kanyang ginagawa at wala manlang syang makapang takot o pagsisisi sa tinatahak nyang buhay.
Every weekend ay umuuwi sya sa kanilang tahanan, upang dalawin ang kanyang ina.
Hindi naman sya nag-aalala sa kanyang ina, dahil kasama naman nito ang panganay nila na si Primo.
Simula kasi ng mag-asawa ito ay umuwi na rin sya ng Maynila, kasama ang asawa nito at anak. Nagpa distino na lang sya sa malapit, para madali syang maka uwi sa pamilya nito.
Pagka parada ng sasakyan nya sa tapat ng kanilang bahay ay agad na bumaba si Alfie sa kanyang kotse. Agad din nyang kinuha ang bag na lagi nyang dala-dala. Meron din syang mga pinamili para sa kanyang Mamang at pamangkin.
Agad naman syang sinalubong ng kanyang pamangkin, nang makita syang papasok na sya sa kanilang bahay.
"Tito!" matinis na boses na pag tawag sa kanya ng batang babae.
"Apple!." sagot naman nya sa bata, saka nag squat upang salubungin ang yakap ng kanyang pamangkin.
Agad naman syang niyakap ni Apple at pinupog din sya ng halik sa mukha.
Masayang masaya si Alfie, dahil meron syang pamangkin na ubod ng lambing.
"Nasaan ang Lola mo?!." tanong nya sa bata.
"Nasa kitchen po Tito, nag luluto po ng masarap na ulam." maagap naman na sagot ng bata, kaya sa tuwa ni Alfie ay hinalikan pa nya ang kanyang pamangkin.
"Tito, nasaan po ang pasalubong ko?!." tanong sa kanya ni Apple.
"Nandito sa plastic, Sweety. Halika na, pasok muna tayo sa loob ng bahay." wika nya, at tuloyan na nga silang pumasok sa loob ng kanilang tahanan.
Ibinaba muna ni Alfie ang mga dala- dala nya sa kanilang Coffee Table. Saka agad na hinanap ang pasalubong ng kanyang mahal na pamangkin.
Nang mailabas na nya ito, ay agad naman nitong ibinigay sa kanyang pamangkin.
"Oh, heto na ang pasalubong ko sayo, Sweety. Ingatan mo yan ha? mahal yan!." wika nya.
Agad naman na tinanggap ng bata ang paper bag na iniabot nya dito.
Hanggang sa buksan na nito ang paper bag at nanlalaki ang mga mata ni Apple.
"Aaaaay! ipad! may ipad na ako... thank you Tito!." tuwang-tuwa ang bata dahil sa ipad na binili nya para dito.
Matagal na kasi nyang naririnig si Apple na kinukulit ang ama nito na ibilhan sya ng ipad, pero hindi naman nila kayang ibilihan ito. Naiintindihan naman nya ang kanyang kuya, dahil maliit lang naman ang sinasahod nito sa pag susundalo. Ang asawa naman nito ay nasa bahay lang, upang maalagaan ang kanilang anak.
"Ano bang ingay 'yan? bakit tumitili si Apple?!." nag tatakang tanong ng Mamang nya, lumabas pa ito ng kusina dala ang sandok.
"Lola, tingnan mo po. Binigyan ako ni Tito ng ipad." sagot naman ng bata na hanggang tainga ang pagka kangiti.
"Hay! akala ko naman kung ano na ang nangyayari? kung maka tili ka naman na bata ka, parang may sunog!." umiiling na wika ng ina ni Alfie.
"Mommy, tingnan mo itong bigay ni Tito ko, ang ganda Mommy!." pag mamalaki naman ni Apple sa kanyang ina, na kalalabas lang ng kuwarto.
"Ipad? naku ang mahal- mahal n'yan Apple. Baka naman naubos na lahat ng suweldo ng Tito mo para lang maibili ka ng ipad mo." nanlalaki naman ang matang wika ni Stephannie. Ang asawa ng panganay na kapatid ni Alfie.
"Naku Alfie, sana hindi mo na lang ibinilihan ng ipad si Apple. Baka naman ikaw ang maubusan ng pera nyan. Dapat inipon mo na lang." may pag-aalalang wika ni Steph.
"Ano ka ba ate, ayos lang yan! magagamit naman yan ng pamangkin ko, lalo sa pag-aaral nya. Saka binata pa lang naman ako, Ate. Makaka ipon pa ako sa mga susunod na araw." sagot naman nya.
Kaya naman kahit nahihiya ang hipag nya ay nag pasalamat na lang ito sa kanya.
Hindi naman pweding sabihin ni Alfie na marami na itong ipon at may mga Negosyo pa syang pina patakbo. Bawal kasing ipa alam sa kahit sino ang tunay nyang trabaho.
Ang tanging alam lang ng pamilya nya at mga kaibigan ay isa itong magaling na Attorney, at nagta trabaho sa isang Law Firm na pag-aari ng kaibigan nya.
"Mamang, mukhang masarap ang ulam natin ah! hmmm ang bango, nakakagutom." baling nya sa kanyang ina.
"Ay! oo nga pala, baka natuyo na ang sabaw ng niluluto kong Potchero." wika ng Mamang nya, saka mabilis na bumalik sa kanilang kusina.
Masayang nag hapunan ang mag-anak. Dumating din ang kanyang kuya Primo, kaya lalong naging masaya ang kanilang hapunan.
"Kamusta na kuya? mukhang nangayayat ka ata? may problema kaba sa trabaho mo?!." nag aalalang tanong nya sa kanyang kapatid.
"Wala naman, Bro! siguro nahirapan lang talaga ako sa buhay, buntis na naman kasi ang ate mo. Kaya kailangan mag doble kayod ako. Buti ka nga, Bro, kasi nasa Opisina ka lang. Kung nakinig lang siguro ako kay Mamang noon na mag-aral na lang ako bilang Engineer. Siguro mas makaka ginhawa ang pamilya ko." wika ng kanyang kuya.
Narito sila ngayon sa kanilang harden at umiinom ng beer. Ganito kasi sila ng kanyang kapatid, kapag nagkikita. Mag- iinuman sila saglit bago matulog.
"Kuya, kung pera ang problema mo, huwag kang mahiyang mag sabi sa akin. Meron naman akong savings kahit papaano. Kung gusto mo kuya, pahiramin kita. Para maka pag patayo ka ng maliit na tindahan dyan sa harap ng bahay. Kaya pa naman siguro ni ate na bantayan ang tindahan, maliit pa naman ang tiyan nya. Para maka ipon kayo kaagad kuya, bago manganak si ate." pag-a alok nya sa kapatid.
Nakita naman nyang nag pahid ng luha ang kanyang kuya, bago ito tumango.
"Salamat, Bro! salamat at lagi kang nandiyan para tulungan kami ng pamilya ko. Napaka laking tulong din na dito kami nakatira, dahil halos si Mamang din ang gumagastos sa pang ulam. Pero alam ko naman na sa'yo galing ang perang pina pamalengke ni Mamang." wika ng kanyang kuya.
Niyakap pa sya nito ng mahigpit, habang umiiyak.
"Tama na nga yan kuya! pati ako naiiyak na sa'yo. Lingo naman bukas kuya, siguro pwedi na natin simulan ang magpa gawa ng tindahan. Siguradong maraming mamimili dito, kasi ang layo ng tindahan. Kailangan mo pang pumunta sa kabilang kanto, para maka bili." wika nya sa kapatid, na sinang - ayunan naman nito.
Kaya naman kinabukasan ay magka tulong ang mag kapatid na nag linis sa kanilang harapan.
Nag taka pa ang Mamang nila nang makita nitong tinanggal ng mga anak nya ang mga halaman na naka lagay sa may pader.
"Ano bang ginagawa niyo sa mga halaman ko? bakit ninyo tinanggal? sayang naman ang mga bulaklak, ang gaganda pa naman." galit na wika ng kanilang ina.
"Mamang, hayaan mo na ang mga bulaklak mo. Gusto ko kasing ipag patayo ng tindahan dito si kuya at ate, para naman may extra income sila. Isipin mo Mamang, madadagdagan na naman ang apo mo. Kaya kailangan din nila ng ibang mapag kukunan ng pera. Kaya huwag kanang magalit Mang, para naman ito sa mga apo mo." paliwanag naman ni Alfie sa ina.
"Ha? ganon ba? ah, eh, sige! pero dapat lakihan na lang ninyo, para naman maka pag luto din ako ng ulam na maititinda ko!." wika ng kanilang ina.
"Okay, Mamang! pero kapag gusto mong mag luto ng ulam, kailangan kumuha ka rin ng makaka tulong mo sa iyong Carinderia. Para hindi ka mapagod ng husto dito Mamang. Buntis pa naman si ate, kaya hindi natin sya pweding pagurin ng husto." sagot nya sa ina.
Sumang-ayon naman ito sa kanya, kaya napa tumbs up pa sya sa kanyang kuya. Napa ngiti na lang ang kanyang kuya, at ipinag patuloy ang ginagawa nito.
Maagang umalis si Alfie sa kanilang bahay. Nag messege kasi ang kaibigan nito na may lakad daw sila mamayang gabi.
Kaya naman kahit ayaw pa sana nyang umalis ay nag paalam na lang sya sa kanyang pamilya.
Nag iwan na lang sya ng Chique sa kanyang kuya. Nagulat pa ito sa laki ng halaga na nasa Chique.
"Bro, ang laki naman nito. Baka hindi ko ito mabayaran sayo, kalahating Million na ito, Bro." kinakabahan na wika nang kanyang kuya.
"Kuya, bayaran mo man yan o hindi, ay ayos lang sa akin. Saka maganda naman ang trabaho ko, kuya, kaya wala kang aalalahanin sa akin." sagot nito saka nag paalam na sya sa kanyang kapatid.
"Mag-iingat ka palagi sa mga pinupuntahan mo, Bro." paalala pa nito sa kanya.
Magigpit pa syang niyakap nito, bago tuloyang sumakay sa kanyang kotse, upang bumalik sa kanyang bahay.
Pag dating nya sa tapat ng kanyang bahay, dito sa isang Excusive Subdibision. Ay agad na bumukas ang gate ng kanyang bahay, nang mag busina ito.
Mabilis syang pinag buksan ng guard na nasa gate. Kaya tuloy- tuloy na itong pumasok ang kotse nya sa garahe.
Mabilis din syang lumabas ng kotse nya saka nag mamadaling pumasok sa kanyang bahay. Agad din syang nag bihis, saka kinuha ang mga gamit nya at mabilis ulit na lumabas ng bahay nya.
Ibang kotse na ngayon ang gamit nya, isa na itong magarang sasakyan. Hindi nya ito ginagamit kapag umuuwi sya sa kanyang pamilya. Ayaw nya kasing mag tanong ang mga ito, kung paano sya naka bili ng ganoong kamahal na kotse.
Napangiti pa sya nang maka sakay na sya sa kanyang Ferrari, habang naka hawak sa manebila nito.