Chapter 02

1579 Words
"Julyen! Saan ka ba nangaling!" Galit na wika ng kanyang Ama. Pagkapasok niya nang bahay. Hinihintay pala siya ng mga ito. "Papa please, I don't want to get married. May iba po akong mahal" Pakiusap niya sa kanyang Ama. "Julyen please stop being hard headed. We already meet Riko a while ago. He is not just an ordinary man. I think he is the most perfect man for you at sigurado ako anak na matutunan mo din siyang mahalin." Paliwanag ng kanyang Ina. "Mabuti pang magkakakilala muna kayo ni Riko, Julyen tamang-tama dahil tomorrow ay pupunta sila dito para mag-dinner. Kaya umayos ka and stop being childish Julyen." Pagkasabi na yun ay tumalikod na ang kanyang Ama at umakyat sa kaniyang kwarto. Tumango lang din ang kanyang Ina na sumunod na rin sa kaniyang Papa. Walang nagawa si Julyen kundi umakyat sa kanyang kwarto. Umupo siya sa kanyang kama. Alam niyang hindi niya kayang kontrahin ang mga magulang niya dahil sigurado siya na nakapagdesisyon na ang mga ito. Kahit alam niyang para sa kabutihan niya ang ginagawa ng kanyang mga magulang hindi pa rin siya papayag na basta na lang pumayag sa mga ito. "Ayaw niyo akong pakinggan ha! Pwes! Ako na gagawa ng paraan para umayaw sila sakin." Bulong ni Julyen sa sarili. RIKO POV Pagkadating ko sa bahay galing opisina ay agad na din kaming pumunta sa bahay nang fiancé ko. "Condrad, Lynda!" Bati ng Mama at Papa ni Julyen pagkadating namin sa bahay nila. "Magandang gabi sa inyo. Carmen at Enrico." Bati ng aking mga magulang at nagkamayan din sila. Inaya nila kaming umupo sa mahabang sofa nila. "Good evening po." Maiksing bati ko sa kanila sabay yuko. "Oh Riko hijo! Maupo muna kayo ha ipapahanda ko lang ang dinner sa dinning table." Paliwanag ng Mama ni Julyen. Sabay talikod. "Where is your daughter?" Tanong ni mama sa Papa ni Julyen. "Naku baka hindi pa tapos magpaganda. Alam mo naman ang mga kabataan ngayon. Ipapatawag ko na siya sa kasambahay namin." Paalam niya at tinawag ang kanilang kasambahay hindi ko narinig kung anong sinabi niya basta umakyat nalang ito sa hagdan pagkatapos kausapin ng papa ni Julyen. Maya-maya ay bumaba na din ito. Nagulat kaming lahat nang makita namin ang isang babae na akala mo ay nagtratrabaho sa bar sa malate. Dahan-dahang bumababa sa hagdan ang babaeng naka glossy miniskirt na black at naka backless na top na kinulang pa sa tela dahil labas ang pusod nito. Nakatali ang mahaba nitong buhok pataas makapal ang foundation, mataray ang kilay at mapipilantik ang mga false eyelashes sobrang kapal din nang lipstick nito na kulay dark red at ngumunguya nang bubble gum. Napakataas din nang shoes na suot suot niya at halatang hindi niya kayang ilakad nang maayos dahil sa lakad niya. Tumayo ang Ama ni Julyen at lumapit sa kanya. "Julyen! What are you wearing? Are you putting in a show? Bumalik ka sa kwarto mo at ayusin mo ang sarili mo! Nakakahiya ka!" Mahina pero nangigigil na sabi ng Ama niya. Hindi ko rin nakilala si Julyen dahil ibang iba ang suot nito kagabi nang magkita kami. "Dad what's wrong with my outfit? Ito kaya ang uso ngayon. Ang ganda ko nga eh sigurado akong magugustuhan ako ng lalaking gusto niyong ipakasal sa akin," Sagot niya sa kanyang ama. Halatang tutol din si Julyen sa kasunduan. Kumunot ang noo ni Mr. Razon dahil sa katwiran nang kanyang anak. "Julyen! This is a family dinner. Unang beses ka pa lang makikilala ng mga magulang ng fiancé mo. Tapos ganyan ang itsura mo? Ano bang pumasok sa utak mo ha?!" Inis na wika ni ng Ama niya. Tumayo ang aking Ama na halatang gulat din sa inasal nang magiging fiancé ko. "Kumpare siya na ba si Julyen?" tanong ng aking ama. "Ay! o-o pare, siya nga ang aking anak. " Nag-aalangan sagot nito. "Good evening po Mr. and Mrs. Salvador," Ngumiti si Julyen sa mga magulang ko at may pagkaway pa. Bumuntong hininga na lang si Mr. Razon dahil mukhang wala na talaga siyang magagawa. Tumayo na rin ako at bumati sa kaniya. "Good evening Julyen," Nakangiting wika ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya nang tignan niya ako. "Wait! Ikaw?" Bulalas niya. "I’m sorry about what happened last night." Kunwaring apologize ko sa kanya pero sinadya ko talaga yun. "Nagkakilala na kayo ng anak ko? Tanong ng Papa ni Julyen. "Yes po sir kagabi. Accident lang na nasagi niya ang side mirror ko nagkaroon kami ng konting misunderstanding kasi nakainom po siya." Paliwanag ko kay Mr. Razon. "Pag pasensyahan niyo na ang anak ko. Minsan kasi may pagka immature siya kaya kung anong maisip gawin ay ginagawa pero kilala ko naman ang anak ko sigurado akong mabait siya. At matututo din siya sa buhay pag kinasal na kayo" Nakangiting wika ng Papa niya sa amin. "Oo nga pare. I agree ganyan din tayo noong bata-bata pa tayo." Sagot naman ng papa Ko. Lumabas na din si Mrs. Razon sa kusina at nanlaki ang mata ng "Oh my god! What happen to you Julyen bakit ganyan itsura mo!?" Gulat na tanong ni Mrs. Razon. "Mom, Kung gusto mong magpalit pa ako baka bukas pa ako matatapos. Saka this is the perfect look for me para sa aking future husband right?" Nilingon niya ako. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Julyen. "Okay lang yan mare. Ganyan talaga ang mga kabataan mahilig mag-explore kaya for sure magiging responsible din sila sa kanilang kilos balang araw." Sagot naman ni mama. Halata kong kumunot ang kilay ni Julyen ng marinig 'yon. Walang magawa si Mr. and Mrs. Razon sa katigasan ng ulo ng kanilang anak. Tumuloy na kami sa Dining area para kumain. Magkatabi naman ang upuan namin ni Julyen. "By the way Carmen, kailan natin pag-uusapan ang wedding ng dalawa?" Tanong ni mama. Nasamid naman sa pagkain si Julyen dahil sa narinig inabutan ko siya nang tubig. Pero bago niya tanggapin ay may makahulugang tingin pa siya sa akin. "Thank you" Ngumiti ito na parang napipilitan. "Next week pwede na tayo magset ng schedules para sa mga kakailanganin sa kasal Lynda." Sagot naman nang Mama ni Julyen. Tahimik lang kami ni Julyen. Pero kanina pa hindi maipinta ang mukha niya pakiramdam ko ay ayaw din niyang makasal kaming dalawa. "Bagay na bagay talaga sila Carmen" Dagdag pa ni Mama. "Yes Lynda, I think Riko is the perfect husband for my daughter. Aside from his good looks na namana niya sa inyo ni Condrad ay mukhang mabait din ito." Papuri nang papa ni Julyen. Napatingin naman si Julyen sa akin kaya nginitian ko siya ng peke. At patuloy ito sa pagkain ng sunod-sunod na pagsubo. "Julyen baka hindi mo maubos yang pagkain mo dahan-dahan lang hija. " Paalala ng kanyang Ina. Pero parang wala itong pandinig. "Mama kanina pa akong umaga hindi makakain kaya pang buong araw na ito," Sagot niya sa kanyang Mama habang punong-puno ang bibig nito na nagsasalita halos magtalsikan na din ang mga pagkain mula sa bibig niya. Matalim naman ang titig ng kanyang Ama sa kanya. Pagkatapos maghapunan ay masayang nagkwentuhan ang aming mga magulang habang umiinom ng tea sa may veranda. Nagpasya si julyen magpaalam muna para magpahangin sa labas ng bahay. At sinundan ko siya. Nakita ko siyang umupo sa rattan chair at hinihimas ang tiyan. "Ouch! Ang sakit ng tiyan ko magkaka indigestion ata Ako sa dami nang nilamon ko. At ang sakit din ng mga hita ko at paltos na ang sakong ko sa lintik na sapatos na to!" Pagmamaktol niya sabay tapon ng kanyang sapatos. "Mukhang hindi ko na kailangan ng plan A ah! Ikaw na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal kaso lang hindi ka magaling na artista." Sabi ko sa kanya. Napalingon naman siya sa akin na masama ang tingin. "So you mean kaya mo ko binastos kagabi dahil ayaw mo din sa akin?" Nahimigan ko sa boses niya na ayaw niya din sa akin. "Sabihin na nating oo, Julyen. Meron akong girlfriend 3 years na kami isang taon na lang ang iintayin namin gagraduate na siya as doctor. And I love her very much. I was waiting for her, That's why I can't marry You. But based sa mga nakita ko kanina sa mga ginagawa mo di mo ma-coconvince na umatras ang parent's Ko sa kasunduan. Because as I said you're not a good actress." Nangiinis na wika ko sa kanya. She smirked at me. "Mr. Salvador may boyfriend na din ako. Kaya ayoko din magpakasal sayo. Parehas naman tayo na may mahal na iba at nag-aantay ng perfect time para sa mga mahal natin. Bakit hindi natin pag-usapan to ng maayos? I’m willing to cooperate." Sagot niya. Bahagya akong nagulat. Kaya pala ganun nalang ang pag-eeffort niyang i-discourage ang mga magulang ko. Malalim akong napabuntong hininga "Okay, meet me tomorrow sa Japanese restaurant. Magpapareserve ako para pag-usapan natin to ng maayos." Sabi ko. Makikipagdeal ako sa kanya dahil wala akong ibang choice. "Okay Mr. Salvador ibibigay ko ang number ko sayo call me nalang." Iniabot niya sa akin ang business card galing sa wallet niya. "And wait please lang wag ganyan ang suotin mo. Ayoko ng pagtitinginan ang kasama ko dahil mukhang mag-prepreform sa bar ang suot mo nakakahiya. " Sarcastic na paalala ko sa kanya. "Sure! Mr. Salvador, see you tomorrow." Ngumiti siya. Bumalik na rin kami sa loob. Ngumiti naman ang parents namin nang makita kaming magkasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD