Maaga akong dumating sa Japanese restaurant na usapan namin ni Julyen. Naiinis ako dahil hindi ako sanay magintay nang matagal. At alam yun ni Mari kaya pag may lakad kaming dalawa ay hindi ito nalalate. Makalipas ang twenty five minutes dumating na din si Julyen. Simpleng white dress lang ang suot niya at umupo na sa tapat ko.
"Your late Julyen," Sabi ko sa kanya.
"Sorry Riko, nagluko kasi ang kotse ko tagal mag-start." Kunot noo na sagot niya sa akin. Bumuntong hininga na lamang ako at hindi na nakipagtalo.
"So let's start what is your plan?" Seryosong tanong niya sa akin. Tumingin ako sa kanya. Bago magsalita.
"First alam naman natin na ayaw natin sa isa't-isa.Then second we both have current relationships with others. And third hindi natin kayang suwayin ang mga magulang natin dahil alam mo na naman kung gaano nila kamahal ang mga kompanya. Kaya for sure kahit ano kaya nilang gawin at since yung mga partner natin ay may kani-kanilang priority for now. Bakit hindi nalang natin ituloy ang kasal then after one year mag-divorced tayo?" Paliwanag ko sa kanya. Hindi niya ata nagustuhan ang sinabi ko kaya sumama ang mukha niya.
"What! Is that your plan? Oh my god! What the hell are talking about? Are you serious Riko?" Inis na sagot niya sa akin.
"Julyen, I know this is sound ridiculous. But we don't have a choice. Aside from that meron pang mga follow-up rules. Kaya wag ka agad magisip nang sarili mong conclusions." Seryosong sabi ko sa kanya. Huminahon naman din siya bago tuluyan ulit na magsalita.
"Can you tell me what is exactly your plan Riko?" Kunot noo na tanong niya sa akin. Napasinghap naman ako bago sumagot.
"Pumayag tayo sa gusto nila na magpakasal tayo. Then habang kasal tayong dalawa pwede nating gawin lahat ng gusto natin. In short sa 365 days natin mananatili tayong walang pakialam sa isat-isa. No intimate relationship at all." Paliwanag ko sa kanya. Halatang hindi parin siya convinced sa sinabi ko.
"At papaano ang set-up natin pag nasa bahay? Pag kasama natin ang parents natin? Ikaw na rin may sabi hindi madaling lokohin ang mga magulang natin sa tingin mo ba hindi nila mahahalata na stranger tayo sa isa't-isa? Akala mo ba maiksi lang ang isang taon? Maraming pwedeng mangyari sa isang taon wala ka bang ibang maisip?" Umirap siya sa akin at uminom ng tubig sa baso.
"Julyen, kung ang problema mo ay ang set-up sa bahay. Don't worry never akong gagawa ng isang bagay na alam kong pagsisisihan ko. And besides hindi kita magugustuhan dahil napakalayo mo sa babaeng gusto kung makasama habang buhay." Sagot ko sa kanya. Totoo naman kasi napakalayo niya kay Mari. Mas pino si Mari kumilos at magsalita. At kung sa pananamit mas desente si Mari.
"Ouch! Bakit dyosa ba yang girlfriend mo at kung ikumpara mo ko sa kanya daig ko pa ang tungaw sa liit?" Inis na tanong niya sa akin.
"Hindi, isang simply at may mabuting puso lang naman ang girlfriend ko. Kung sa kilos at pananamit palang wala ka maski kalahati lalo na kung sa pananalita at ugali. Di ko sinasabi ito sayo para saktan ka Julyen. I'm just telling you the honest truth na never akong magkakagusto sayo kaya pumayag ka na sa kasunduan natin." Paliwanag ko sa kanya.
"After one year anong mangyayari?"
"After one year pwede na nating ipawalang bisa ang kasal. At sabihin natin sa mga parents natin that our relationships did not work out. I think maiintindihan nila yun kasi we tried diba?"
"Nakausap mo na ba ang girlfriend mo tungkol dito?"
"Don't worry she understand. Napagusapan na namin ito. Her priority is most important and I understand that. Ayokong maging sagabal sa mga pangarap niya. Dahil ayokong magsisi siya balang araw if niyaya ko na siyang magpakasal" Paliwanag ko sa kanya. Bumuntong hininga siya sa sinabi ko.
"Okay, I will talk to my boyfriend first. I know, I don’t have other choices but I want him to know." Wika niya.
"Okay Julyen, just call me" If payag ka na. Pagkatapos nang seryoso naming usapan ay kumain na rin kami.
JULYEN POV
Hindi ako makapaniwala na wala na talagang ibang paraan para hindi matuloy ang kasal. Pinag-isipan kong maigi ang plano ni Riko. May part sa isip ko na gustong pumayag may part naman na ayaw. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Louie.
"Louie can we talk? Where are you now?"
"Nasa condo ako," Sagot niya sa akin.
"I'll be there in five minutes." Pagkababa ko nang phone ay agad ko nang ini-start ang kotse. After five minutes dumating na ako sa condo ni Louie. Niyakap ko siya at hinalikan sa labi.
"Louie, Nag-usap na kami ni Riko"
"Oh really? Then what happen?"
Umupo kami sa sofa.
"Hindi niya ako gusto dahil may longtime girlfriend din siya, si Mari. Nag-usap kaming ituloy ang kasal at maghiwalay din pagkatapos ng isang taon." Paliwanag ko kay Louie, pero dumilim ang mukha nito.
"What!"
"Listen to me first okay sabi niya sakin after one year magpapafile kami ng annulment."
"And you agree?!" Tumayo si Louie at tinignan ako nang masama.
"I don't have a choice Louie! Sinabi din niyang never kaming mangingialam sa buhay ng isa’t-isa. Were married pero sa papel lang. He love his girlfriend. And he don't want to do things na pagsisihan niya at alam ko sincere siya dahil nakita ko sa mga mata niya." Paliwanag ko sa kanya. Marahas siyang nagbuntong hininga.
"What if nahulog ka sa kanya? Julyen magkasama kayo sa isang bahay at magkasama sa kwarto for one year!" Galit na wika ni Louie.
"Then Marry me Louie!"
"Julyen?!"
"I don't have other options Louie. At hindi yun mangyayari alam mo naman ikaw lang ang mahal ko diba?" Nangingilid na ang luha ko hindi ko na rin kaya pang magpaliwanag pa sa kanya.
"Will you trust me? Gagawa kami ng way para magkaroon kami nang distansiya sa bahay kaya wag ka ng mag-alala kakayanin natin to diba?"
"I trust you Julyen. But, hindi ako nakaka-sigurado" Bumalik ulit siya sa pagkakaupo.
"Louie pupunta parin ako dito habang nandito ka. Oh kahit wala ka pupunta pa rin ako dito. Alam ko masakit ito for both of us but pareho tayong walang options."
"I'm sorry Julyen, don't worry pag balik ko hinding-hindi na ako papayag na mag-kahiwalay tayo. Kaya wait for me gagawin ko lahat para magkaroon na ako ng lakas nang loob na ipaglaban ang pagmamahal ko sayo." Malungkot na wika niya sa akin. Lumapit siya at ikinulong niya ako sa mga bisig niya. Damang-dama ko ang hirap ng kalooban niya. Ganun din naman sa akin. Alam kong mali ang naging desisyon namin. Pero pagtitiisan namin ang lahat.
Makalipas ang ilang araw ay nag-umpisa na ang wedding preparations namin. Simple lang pinili naming kasal para lang sa malalapit na tao sa buhay namin.
Magkasama kami palagi ni Riko. Mula sa pag-aayos ng mga papeles, seminars at mga ka-kailanganin sa kasal.
"Anak, Bagay na bagay sayo yung gown mo, diba Riko?" Papuri ni Mama sa akin masaya sana ako kung si Louie ang kasama ko ngayon at makikita niya akong suot-suot ang maganda kong gown.
"Yes mama" Nakangiting sagot ni Riko sa Mama ko. Inirapan ko siya. Dahil alam kong nagsisinungaling lang siya. Baka nga ini-imagine pa niya na girlfriend niya ang may suot imbis na ako. Lumapit ako sa kanya habang bitbit ang laylayan ng wedding gown ko.
"Sus! Kunwari ka pa! Nagagandahan? For sure napipilitan ka lang." Sambit ko sa kanya nang lumayo si Mama para maghanap ng ibang style ng traje de boda na isusuot ko sa kasal.
"Sinasabi mo bang nagsisinungaling ako?" Tumaas ang kilay niya. Wari ay naiinis dahil sa sinabi ko.
"Riko, mapapaniwala mo sila pero ako hindi. Kaya tigil-tigilan mo ko." Agad ko din siyang tinalikuran. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Maya-maya pa ay sinuot na din ni Riko ang tuxedo na susuotin niya sa kasal namin. In fairness bumagay sa kanya ang white tuxedo na may touch nang black colors sa bawat manggas nito. Lalo siyang naging gwapo. Tinignan namin ang sarili namin sa salamin. Pagkatapos at tumingin siya sa akin. Matagal bago niya bawiin nakaramdam ako ng pagkailang kaya kaagad akong nagbawi ng tingin. Pagkatapos namin magsukat ay agad na din naming binili at kanya-kanya naming dinala. Nagpaalam na rin si Riko sa amin dahil may pupuntahan daw ito.
RIKO POV
"Mari, I know kahit pumayag ka sa set-up namin ni Julyen may pag dududa ka pa rin na baka mahulog ako sa kanya." Sabi ko sa kanya. Niyaya ko siyang lumabas para makapag-usap kami bago ang aming kasal.
"Wag kang magalala Riko. Naniniwala ako sayo. Alam kong ginagawa mo to para sakin. Kasi alam mo na mahalaga sakin na matapos ko itong doctorate degree ko. Isang taon lang naman eh after kong mag-take ng exam pwede na tayo magpakasal hindi ka naman mawawala diba andito ka parin naman sa tabi ko. Ang pagkakaiba lang may iba kang katabi sa gabi at uuwiang asawa." Malungkot na sabi ni Mari sa akin. Batid ko na masakit din ito para sa kanya. Pero malaki ang tiwala niya para sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito.
"I love you Mari. Mahal na mahal kita kaya wag kang mag-alala pag-aaralan kong mabuti ang pagpapatakbo ng kompanya. Para pagkatapos ng isang taon mas kaya ko nang tumayo sa sarili kong paa at magkaroon nang tamang desisyon." Kumbinsi ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin. Pagkatapos naming kumain ay inihatid ko na siya sa apartment na inuupahan niya.