Nang malaman ko na may family outing sila Julyen mula sa kaibigan ko sa kompanya nila ay kaagad kong tinawagan si Felix. Simula nang magkakilala kami sa bar ay hindi na siya nawala sa isip ko bigla akong nanghinayang kung hindi nalaman ng kanyang papa na may anak ako sa labas ako sana ang ipapakasal sa kanya. At hindi ang Riko na yun. Lumakas ang loob ko dahil sinabi ni Julyen na hindi sila okay ni Riko. Ngunit hindi iyon ang nakikita ko sa mga mata ni Riko. Lalo na noong hinatid ko si Julyen ng lasing sa bahay nila. Alam kong may nararamdaman din siya kay Julyen. Kaya mas nagporsige akong makita siya kaagad kaming nagpabooked ng hotel sa pupuntahan nilang island. Ang gusto ko lang sana ay makita siya ngunit higit pa dun ang nangyari nakasama ko pa siya ng matagal. Hindi ko mapigilan na