Pagkatapos sagutin ni Riko ang tawag sa kanya ay pumasok na ulit siya sa loob ng restaurant umupo siya sa tabi ko. Kaya inabutan ko siya ng plato para makakain na kami. Tahimik kaming naghapunan kasama ang mga magulang namin. Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na rin sila mama at papa dahil magpapa-masahe daw sila. Pagkatapos ay bumalik na rin akmi ni Riko sa hotel. Nagbihis ako ng maxi dress at flat shoes sandal para ayain si Riko sa labas. Ngunit napansin kong balisa siya at palakad-lakad kaya kaagad ko siyang nilapitan. “Riko may problem ba?” Tanong ko sa kanya habang inaayos ko ang aking sandal. “Ah e, wala naman nag-aalala kasi ako kay Rod, Julyen naaksidente kasi siya.” Sagot niya sa akin. “Ano? Bakit hindi mo sinabi kanina? Yun ba yung tawag na natangap mo?” Sunod-sunod na ta