Chapter 14:

1850 Words
Miru’s Point of View Ilang araw pa ras sigurong hindi makakapasok si Zuri kaya naman mag isa lang ako ngayon. Nag aalala rin ako sa kalagayan ng lola niya. Hay, nakakamiss din palang may maingay sa paligid mo. Nasasanay na ako ngayon na laging may kausap tuwing papasok ng school. “Sorry,” may nabangga pa ako ngayon. Ayan kasi, Miru. Hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo. “Hindi kasi tumitingin sa dinaraanan niya, eh!” Aba excuse me. Inamin kong hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko pero dapat bang sigawan ako? Hay nako, Miru huwag mo nang patulan. Sayang oras. That said, hindi pa rin nakapagpigil bunganga ko. “Alam niyo na palang mababangga kayo, bakit hindi kayo ang umiwas. May pagkatanga rin.” Ibinulong ko nalang sa sarili ko iyon. Ayoko pa rin ng gulo, ‘no. Masasayang ang pati talaga ang oras ko kapag nakipagtalo pa ako sa kanila. “May sinasabi ka?” Mataray na tanong naman ng isa sakin. Papaalis na ako tapos hinila pa ang braso ko. Talaga bang naghahanap siya ng away? “May narinig ka?” Kaunti nalang rin at mauubos na ang pasensya ko. Sobrang ikli lang ng pasensya ko sa mga taong wala s alugar ang pagtataray. “Oo, pero hindi masyadong malinaw, eh. Pwede pakiulit?” Ganito ba ang tono ng nakikiusap? Tinaasan niya pa ako ng isang kila. Akala mo naman pantay ang kilay niya. b***h please. “Hindi ko na kasalanan kung hindi niyo naintindihan. Uso rin kasing magpalinis ng tenga.” Aalis na sana talaga ako kaya lang hinila na naman niya ang braso ko at pilit akong iniharap sa kanya. What’s the deal? Did I hit the spot and pissed her off? “What?” Blangko ang mukha ko. Naiinip na ako. Gusto ko nang umalis dito. “Matapang ka ha. Ano bang pinagmamalaki ng isang transferee na kagaya mo? Na kapatid mo si Cyrus? Pasensya ka, wala siya ngayon dito sa campus.” Tumawa pa siya matapos sabihin iyon. Tss, parang tanga lang. “Oh tapos?” Hindi ako takot sa kanila. If they think na matapang ako dahil sa kapatid ko, then nagkakamali sila. Matapang ako dahil matapang ako. Hindi nakadepende iyon sa ibang tao. Isa pa, lunch break na at gutom na ako. Masamang ginugutom ako. Nangangain ako ng tao. “Aba’t palaban ka talaga ha? What do you think, girls? Shall we teach her a lesson?” Nagtawanan sila matapos iyon. Tiningnan ko ang wrist watch ko. Kapag hindi pa ako umalis dito, hindi ako makakakain dahil malelate ako sa next subject ko. “Matagal pa ba iyan? Kasi kung magtatawanan lang kayo, aalis nalang ako. Hinihintay na ako ng cafeteria.” Mas mahalaga ang kumain kaysa sa pakikipagtalo sa kanila. Aalis na sana ako nang itulak ako ng isa sa kanila pabalik sa dating pwesto ko. Aba at talagang ayaw akong paalisin. “Walang nagsabing umalis ka, kaya hindi ka aalis.” At sino sila para sundin ko? Come on. Utut nila. “Ang boring niyong panoorin.” Napatingin kami sa isang lalaki na nakasandal sa pader habang nakatingin samin. “Buti pala at hindi ako kumuha ng popcorn. Sayang kasi kapag nagkataon. Sa sagot lang ni Miru ako nag eenjoy, eh. The rest puro kaartehan na. Ganito ba talaga mag away ang mga babae?” Tss, isa pa ito, eh. Dadagdag pa ba siya sa gulo? Gusto ko na talagang pumunta sa caf! “Kaisler?!” Gulat na gulat sila nang makita ito. Agad silang lumapit kay Kaisler na para bang sila pa ang naapi. What the f**k. Ako nga itong inaaway nila. Wala bang ikakalala ang mga babaeng ito? “Siya kasi ang nagsimula nito, eh. Binangga kami kanina. Hindi siya tumitingin sa dinaraanan niya. How dare her!” Edi magsumbong sila. Akala ba nila natatakot ako kay Kaisler. Mukha niya. “Nakita niyo naman pala na hindi siya nakatingin sa dinaraanan niya, edi sana kayo nalang ang umiwas. Obvious tuloy na hindi rin kayo tumitingin sa dinaraanan niyo?” Sarkastikong sabi ni Kaisler sa mga babae. Gusto ko tuloy matawa dahil sa mga reaksyon nila nang marinig si Kaisler. See? Hindi kayo tutulungan niyan. “If I remember correctly, you girls were asking what did I whispered earlier, right? There you have it. Kaisler said it.” Gusto ko lang mang asar. Tiningnan nila ako ng masama. Halatang handa na silang sugurin ako. “Sumusobra ka na talaga b***h—” “Subukan mong ituloy ang sasabihin at gagawin mo, hindi ako magdadalawang isip na ibitin ka patiwarik dito ngayon. Hindi ba kayo natatakot kay Cyrus? Gusto niyo bang ikwento ko sa kanya ang ginagawa niyo sa kapatid niya? Just imagining what will happen to you makes me excited.” nakangising sambit ni Kaisler. Naglakad siya papalapit sakin. Inakbayan ako nito bago ngitian. “Let’s go, baby. Hindi ba at sabi mo ay gutom ka na? Tara, I’ll feed you.” Halos lumuwa ang mata ko sa narinig. Baby? Excuse me pero hindi na ako baby. Sapakin ko kaya ang isang ito?! Cyrus’ Point of View “Why are you here? You’re not going to attend school today?” Tanong sakin ni Seven. Kami lang dalawa ang naandito dahil wala iyong iba. Ewan ko nga ba kung nasan sila. “Bati na kami ng kapatid ko.” Iyon ang lumabas sa bibig ko. Tumango tango siya sa sinabi ko. Alam ni Seven ang naging away namin ng kapatid ko dahil sa nalaman niyang gangster ako. “Isn’t it a good thing?” Halata siguro sakin na hindi ako masaya kaya ganito ang tanong niya. It’s not. I mean, not me and Miru being in good terms but her knowing what I am. She may remember something that isn’t good. “The gangster thing, she knows it. Knowing that we’re okay after her knowing it is a good thing but Miru remembering her past is another story, Seven.” Tumayo si Seven at nagsalin sa dalawang baso roon ng alak. Iniabot niya iyon sakin at agad ko namang tinanggap. “Chill, bro. I don’t know the whol story but it’s not easy to remember such tradegy. It’s too early for that. Hindi ba at sabi ng doktor sa inyo na malaki ang chance na hindi na iyon maalala pa ng kapatid mo. Just relax. Masyado mo lang iniisip ang mga bagay bagay. Naniniwala akong malabong makaalala pa ang kapatid mo.” Totoo ang sinabi niya pero kinakaban pa rin ako. “Kaisler…” Napatingin sakin si Seven nang banggitin ko ang pangalan iyon. “Nakapasok na siya sa buhay ng kapatid ko at iyon ang pinakakinatatakutan ko sa lahat.” Bumuntong hininga si Seven sa narinig. “Hindi kasi ganoon kadaling manipulahin ang lahat, eh. Maliit lang ang mundo at mas lumiit iyon nang pauwiin niyo ang kapatid niyo dito. Mahirap makalimutan ang taong nagkaroon ng espesyal na parte sa buhay mo. Kaya nga maging ang mga taong may amnesia, kahit papaano alam nila kung sino ang importante sa kanila sa hindi.” Nilagok niya ang alak na nasa baso niya. Lalo akong hindi mapakali sa naririnig ko. “You…what are you talking about?” “Ang utak nakakalimot pero ang puso hindi. Tandaan mo, matalas ang pakiramdam ng tao lalo na sa mga taong pinahalagahan mo ng husto. Isa pa, bakit mo ba inilalayo ang kapatid mo kay Kai? In the first place, wala naman talagang kasalanan iyong tao—” pinitigil ko siya. I had enough. Dapat hindi namin ito pinag uusapan, eh. Hindi ngayon, hindi kailanman. “Pero involved si Kai kaya nadamay ang kapatid ko. Ayoko nang maulit iyon. Natatakot ako na kahit anong kakayahan ang meron ako ngayon ay hindi ko pa ring magawang maprotektahan ang kapatid ko, ang pamilya ko.” Nakita ko nalang ang pagtango ni Seven bilang pagsang ayon sa sinabi ko. “Napag usapan narin namin sa pamilya na walang mag uungkat ng nakaraan sa harapan ng kapatid ko. Kaya Seven, shut your mouth. Alam kong madami kang alam dahil simula pagkabata ay kaibigan na kita. Huwag na huwag kang magkakamaling magsalita ng ganito sa harap ng kapatid ko.” Napabuntong hininga si Seven bago muling tumango. Tss, tango siya ng tango, mukha tuloy siyang aso. “Kung ganoon, ano palang plano mo? Ngayong iyong isa ay wala ring maalala. I mean, hindi ba at wala ring alaala na si Miru ay si—” Tiningnan ko siya ng masama. Ang daldal talaga ng isang ito. Sinabi ko na ngang tama na, eh. “Sabi ko nga, diba? Ititikom ko na ang bibig ko.” Umakto pa siyang isini-zipper ang kanyang bibig. Tsk, how childish and stupid he can be? Bakit ba napapalibutan ako ng mga kagaya niya? Hindi ako makapaniwakang kaibigan ko sila. “Ang kailangan kong gawin ngayon ay i-distract silang dalawa. Kailangan kong maibaling ulit si Kaisler sa isyu na mayroon ang pamilya niya at si Miru naman ay ilalayo ko sa kanya. Sa ngayon, iyon palang ang maaari kong gawin.” Simpleng sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagngisi ni Seven dahil sa sinabi ko. “Nagmumukha ka tuloy na kontrabida dahil diyan sa mga pinagsasasabi mo. Isa ka pa naman sa mga main character ng story.” Tumawa siya ng malakas. Kapag may pagkagago ka nga naman, ‘no. Tanginang kaibigan ito, aba. “Wala akong pakealam kung magmukha akong kontrabida. Ang mahalaga ay maprotektahan ko si Miru at ang pamilya ko. Ayokong mangyari na naman ang nangyari noon at magawa ko na naman ang pagkakamali ko.” Tss, bumalik tuloy lahat nang nangyari sakin noong araw na iyon. “Cyrus…” “Paano si Cassidy?” Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang pangalang iyon. “Bakit nadamay naman si Cass dito?” Nagkibit balikat lamang si Seven bago magsalita. “Wala, naisip ko lang na, hindi ba at close silang dalawa ni Kaisler? Baka kasi…alam mo nan a, madamay siya—” sa pangalawang pagkakataon ay pinatigil ko siya sa gusto niyang sabihin. “Labas si Cassidy dito. Walang ibang maiinvolve sa gulong ito kung hindi ang mga taong involve lang.” Sumandal ako sa sandalan ng bangkuang inuupuan ko. “Kung kailangan kong tumapos ng buhay, gagawin ko. If that’s the only option I have. I will do it no matter what. I don’t care about the consequences.” Out of nowhere ay lumabas iyon sa bibig ko. “Ganyan ka kadesperadong maprotektahan ang kapatid mo? Okay, I see.” Hindi nila ako masisisi kung ganito ako pagdating sa usaping ito. Hindi lang sila ang magpinagdaraanan. Hindi lang si Kaisler. Dumaan din kaming magkapatid sa matinding paghihirap noon. Sana talaga walang maalala si Miru sa lahat ng nangyari sa nakaraan. Dahil kapag nangyari iyon, lahat ng paghihirap ko, mapupunta sa wala. If only Kaisler will stop his stupidity at layuan ang kapatid ko, wala sanang problema.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD