Chapter 15:

2784 Words
Kaisler’s Point of View “Mommy, saan ka pupunta?” “Mommy, huwag kang umalis. Huwag mo kaming iwan ni Dad.” “Mommy!” Mom, why did you choose to leave us? Bakit mo ako iniwan? Hindi mo ba ako pwedeng isama kung saan ka man pupunta? “Okay ka lang?” Napatingin ako sa isang batang babae. Nakatingin din siya sakin at maya maya pa’y ngumiti. Nagulat ako sa biglaan niyang pagngiti pero aaminin kong napagaan noon ang nararamdaman ko. “Bakit ka umiiyak?” Tumabi siya sakin at nanatili pa ring nakatingin. “Ang mommy ko kasi, iniwan niya ako.” Sa hindi malamang dahilan ay niyakap ako ng babae. Hindi ko alam bakit niya iyon ginawa pero sobra sobra ang paggaan ng nararamdaman ko. “Okay lang iyan. Babalik din siya. Sila Mommy din, eh. Madalas silang umalis at iwan kaming dalawa ni kuya pero nabalik din naman agad sila.” Nakita ko ang muli niyang pagngiti. “Sana nga ganoon din ang Mommy ko. Sana nga bumalik din siya.” “Ano nga palang pangalan mo? “Kai. Kaisler Chase Martin. Ikaw?” “Ako si _____” “Thank you, ______” “Walang anuman, Chase!” “Chase?” “Mas maganda kasing pakinggan ang Chase, eh. _______ nalang din ang itawag mo sa akin.” Noong mga panahong iyon, siya ang taong dumamay sa akin. Ang taong kauna’y naging matalik na kaibigan ko. Doon ko naramdaman na kahit may problema at pinagdaraanan ang isang tao ay may isang taong dadating sa buhay mo para pagaanin ang loob mo. She. She became my angel. “Laro tayo. Magpapanggap akong ikaw at magpapanggap kanga ko! Ano, ayos ba iyon?” “Paano ka magpapanggap na ako? Ang haba kaya ng buhok mo.” Nakita kong may dala dala siyang gunting. Ngumisi siya sakin bago gupitin ang maganda at mahaba niyang buhok. “Okay na ba?” Napangiti ako sa ginawa niya. She’s that angel. My angel who will do anything just to make me feel at ease. Palihim lang kami kung magkita dahil minsan tumatakas lamang kami sa mga bahay namin. Mahirap kasing magpaalam sa magulang. Kadalasan ay hindi sila pumapayag maglaro kami sa labas. “Mga bata.” Napatigil kami sa paglalaro nang may lumapit saming ilang lalaking hindi ko mamukhaan. “Sino sa inyo si Kaisler?” Napaatras ako nang itanong nila iyon. Agad ko ring hinawakan ang kamay niya. Hindi maganda ito. Alam kong may mangyayaring masama. “Ako.” Matapang na sagot niya. Nanlaki ang mata ko at napatulala sa kanyang ginawa. Nagtinginan ang mga lalaki bago tumango sa isa’t isa at buhatin siya papalayo. “A-Anong ginagawa niyo? Bitiwan niyo ako.” Nagpupumiglas siya. Tinangka ko silang habulin pero hindi ko iyon napagtagumpayan. “Chase, tulungan mo ako!” Wala akong nagawa dahil na rin isa lamang akong bata. Naiyak nalang ako habang pinapanood ko siyang dukutin ng mga lalaking iyon. Huli na ang lahat nang mapagtanto kong sila iyong mga miyembro ng sindikatong gustong dumukot sakin. “Chase!” Hapong hapo kong idinilat ang mga mata ko. Panaginip lang pala ang lahat. Napaupo ako sa kama ko at hinawakan ang aking ulo. Bakit wala akong maalala? Bakit hindi ko man lang maalala kung sino siya? Hindi ko siya mamukhaan. Ni pangalan niya ay hindi ko magawang maalala. Bakit laging ganoon ang napapaginipan ko? That dream always hunts me. Napakuyom ang aking kamay. Bakit ko iniiyakan ang isang babaeng hindi ko maalala? Napasuntok ako sa kama ko sa sobrang galit. Bakit ko hinayaang mangyari iyon? Yeah, I was weak. Alam ko na. Isa sa mga naging rason bakit ako ganito ay para patayin ang mga taong gumawa ng kagaguhang iyon sa kanya. Partly, wala akong maalala pero alam ko na nagkakaganito ako dahil sa may rason ako. Magbabayad sila. Papatayin ko sila isa-isa. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Bakit hindi ko magawang alalahanin ultimong pangalan niya pero alam na alam ko na ako ang dahil kung bakit namatay ang babaeng itinuring kong anghel. Miru’s Point of View “Ahhh, Kuya naman, eh! Ibalik mo na iyan. Akin naman ‘yan, eh. Iyong bread toast ko, huwag mong kainin!” Nakakainis naman itong kapatid ko. Ayaw gumawa ng sarili niyang kakainin tapos aagawin iyong akin. “Both of you stop. Male-late na kayo.” Suway sa amin ni Mommy. Tumigil ako sa pagtakbo at sa paghabol sa kapatid ko. Alam ko naman na huli na ang lahat dahil mauubos na niya iyong tinapay. “Oh,” bigla niyang isinalpak sa bibig ko iyong bread toast kaya halos masamid ako. At talagang gago rin ang isang ito, ah. Napaubo ako dahil sa nangyari hanggang sa abutan ako ng isa sa mga katulong namin ng tubig. “Bwisit ka talaga Kuya kahit kailan!” Tumawa lamang siya habang patuloy sa paglalakad palabas ng bahay. Agad akong humabol sa kanya. Kakagaling ko lang sa sakit tapos ginaganito na niya agad ako. Ang hilig niya talagang asarin ako lalo na at alam niyang nagmamadali kami pareho. Pagkarating namin ng school ay may kaguluhan agad na nangyayari. Ano na namang meron? Ang aga naman ng gulong iyon kapag nagkataon. “Miru!” Napatingin ako kila Ate Cass nang tawagin nila ako. Nilapitan na din nila ako at binati. “Good morning.” Nakita ko ang pagtango lamang ni Kuya bago kami iwan at umalis na. Hala siya. Porket naandito si Ate Cass ay umaakto siyang cool. “Anong meron? Bakit nagkukumpulan doon?” Pagtatanong ko sa kanila bago ngumuso sa mga taong nagkukumpulan sa hindi kalayuan. “May artista.” Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Zuri. Hindi naman ako mahilig sa mga artista na iyan kaya wala akong pake. “Kidding. May maganda kasing babae. Transferee ata.” “Nope. She’s an exchange student from Japan. Sa pagkakaalam ko ha.” Napalingon kami sa kanya just to see Ellis. Nakakagulat naman ito. Bigla bigla nalang sumusulpot. Mushroom ba ito? “Galing Japan?” Napatingin ako roon. Imposible man pero nananalangin ako na sana ay kakilala ko. Marami rami rin naman akong naging kaibigan sa Japan. “Yamete!” Napakunot ang kilay ko nang marinig ko ang pagsigaw niya. Mukhang hindi lang siya pinagkakaguluhan dahil exchange student siya. Sa tingin ko ay dahil may iba pang dahilan. Agad kaming lumapit doon at nakipagsiksikan sa madla. Gusto kong makita kung anong nangyayari sa babae. “Miru,” hindi ko na pinansin pa ang pagtawag sa akin ni Zuri dahil busy akong kilatisin ang babae sa gitna. Nanlaki ang mata ko nang mamukhaan ko siya. “Yada, yada!” Hindi ako makapaniwala na nakikita ko siya ngayon. Ilang beses ko pang kinusot ang mata ko dahil baka namamalikmata lamang ako at nagkakamali ng paningin sa babae. No way. “Tyra?” Napatingin sa akin ang babae at laking gulat din niya nang makita ako. “Is that you, Miru?” Nakangiti akong lumapit sa kanya nang makumpirma kong siya nga ang kaibigan ko. Hindi ko ineexpect na si Tyra ang exchange student. “What’s happening here? Why do you keep on shouting?” Ngumuso si Tyra bago ituro ang mga lalaking nakapalibot sa kanya. Hindi ko agad sila napansin dahil sa tuwa ko sa pagkakakita kay Tyra. “I don’t know, too. They keep on forcing me to come with them and I keep on saying no. They still insist though. Help me. I know you can.” Nagtago si Tyra sa likod ko nang maglakad ang isa papalapit sa amin. Agad naman akong pumagitna. Mga gago. “Aba, gusto mo rin bang makisali? Ayaw ka naming guluhin, kaya hayaan mo nang masolo namin si Miss Transferee.” Nagtawanan sila ng mga kasama niya. Ang babasto nga naman talaga. Tiningnan ko siya ng masama. “Panget.” Pinarinig ko talaga sa kanya iyon. Aba dapat lang. Totoo naman ang sinabi ko, eh. Hinigit ko si Tyra at sinubukang umalis pero hindi ko iyon nagawa ng maayos. “Sinong tinatawag mong panget, ha? Ang lakas ng loob mo palibhasa ata kapatid ka ni Cyrus—” “Subukan niyong saktan si Miru, hindi lang si Cyrus ang bubugbog sa inyo.” Napatingin ako kay Ellis nang makisali na rin siya. Should I thank him? Maybe later. Ubos oras kung ngayon. Isa pa, sayang momentum niya. Napatingin din ako sa tabi niya at nakita ang nakaabang lamang na mga kaibigan niya at sila Ate Cassidy. “Ano at naririnig ko ang pangalan ng kapatid ko?” Nakita kong natigilan ang lahat nang marinig ang boses na iyon. Oh well, hindi ko naman kasi sinabing matakot sila pero choice nilang takot sila sa kapatid ko. “Tangina, si Cyrus. Tara na.” Narinig ko ang pagsigaw ng isang lalaki bago sila sunod sunod na tumakbo papalayo. Tss, mga duwag naman pala. Kasunod ng pag alis ng mga bastos na lalaki ay ang pag alis na rin ng mga estudyanteng mga nakikichismis lamang naman. “Anong meron dito kanina?” Nakunot noong tanong ng kapatid ko. Nagkibit balikat nalang naman ako. Makikipag away lang ito kapag nagkwento pa ako. Hinarap ko si Tyra. “You okay, Ty?” Tumango naman siya bilang sagot. Nakahinga ako ng maluwag nang makita iyon. “Yes, I’m fine. Thank you Miru! I just need to go to the Dean’s office, but I can’t seem to find it. can you help me?” Napatingin ako kay Kuya. Hindi ko kasi pwedeng samahan ngayon si Tyra dahil may kailangan din akong gawin. “Kuya, favor naman oh? Mamaya pa ang klase mo, hindi ba? Samahan mo naman si Tyra sa Dean’s office. Kaibigan ko iyan galing Japan. Take care of her for me please?” Nagpacute pa ako sa kanya para lang pumayag siya dahil alam ko namang hindi siya basta basta papayag sa gusto ko. “Fine!” Halata mang galit ay napangiti pa rin ako nito. “Ty, my brother will escort you to the Dean’s office. I’m sorry I can’t take you there. I need to do something urgent, too. But don’t worry, he’s not going to bite you.” Kinindatan ko pa siya bago magpaalam sa kanila at tumakbo papalayo. Pumunta ako sa backyard ng school. Nagsinungaling ako nang sinabi ko sa kanila na may kaylangan akong gawin. Hindi ko rin alam pero gusto kong pumunta dito. I think, nakita ko si Kaisler kanina na nagtungo dito. “Anong ginagawa mo dito?” Nagulat at kinilabutan ako nang marinig ko ang boses niya mula sa likod ko. Huminga ako ng malalim bago dahan dahang humarap sa kanya. “Ano…kasi,” wala akong maisip na irarason sa kanya. Anong dapat kong sabihin? Na naandito ako dahil nakita ko siyang pumunta dito kanina? Nakita ko ang pag upo ni Kaisler sa damuhan at malayo ang tingin. Sinundan ko lang naman siya ng tingin at pinagmasdang mabuti. “Ang hilig mo talagang dumikit sa gulo, ‘no?” Maooffend ba ako sa sinabi niya? Dapat ba akong mainis? Kaya lang, now is not the time for that. Kaisler…he sounds lonely. Bakit parang ang lungkot lungkot ng boses niya? “Okay ka lang?” Naglakas ng loob na akong itanong iyon. Wala namang mawawala hindi ba? I mean, kung hindi niya sagutin okay lang. Nagulat nalang ako nang tumingin siya sakin gamit ang mga matang iyon. Mga matang punung-puno ng emosyon. Bukod pa roon, may kakaiba sa kanya. Bakit parang mas gulat pa siya sakin ngayon? “May problema ka ba? Sabihin mo lang. I can lend you an ear and if you want some advice, may I can give you some that can help you.” Agad umiwas ng tingin si Kaisler matapos marinig ang sinabi ko. Now what? He’s acting weird. “Wala, may naaalala lang ako.” Nakita kong halos itago ni Kaisler ang mukha niya sa pagtungo niya. Ang bigat siguro ng nararamdaman niya para magkaganito siya. He’s so different. Aakalain mong hindi si Kaisler ang kausap mo. “You know what, you can say it. I mean, your problem. Mas bibigat lang kasi iyang nararamdaman mo kung wala kang pagsasabihan at kikimkimin mo lang mag isa. Sometimes, you just need someone to listen to you and comfort you. I am not referring to myself, but you have your friends. Makikinig sila sayo. Pero kung hindi mo kayang mag open up sa kanila, naandito naman ako, eh. Handa akong makinig sa kwento mo.” Ngumiti ako kahit na hindi siya nakatingin sakin. I just know it. He has a problem. Kahit naman ang isang kagaya niya ay nagkakaroon din ng problema. No one has a perfect life after all. Muling napatingin sakin si Kaisler. Nakita ko na naman ang pagkabigla at pagkagulat niya. Ano bang meron sa kanya ngayon? Bigla siyang lumapit sakin at hinawakan ang magkabilang braso ko. Hindi iyon madiin kaya’t hindi ako nasasaktan. Sa katunayan niyan ay banayad ang pagkakahawak niya rito. “Hindi kaya ikaw ang—” Agad naputol ang kanyang sasabihin nang may humigit sakin papalayo sa kanya. “Kuya!” Nakita ko kung paano tumingin si Kuya kay Kaisler. Nanlilisik ang mga mata niya at halatang galit ito. Galit siya kay Kaisler. Hindi ako pinansin ni Kuya. Umakto siya na para bang wala ako dito. “Kai, pagbibigyan kita ngayon pero sa susunod na lumapit ka pa sa kapatid ko, kalimutan mo nang magkaibigan pa tayo.” Hindi na niya hinintay pang magsalita si Kaisler at hinila na ako papalayo. “Aray ko naman, Kuya! Nasasaktan na ako. Isa pa, ano iyon? Wala namang ginagawang masama si Kaisler, ah?” Hindi pa rin niya ako pinansin at patuloy pa rin ang paghigit sakin. “Kuya, ano ba—” “Talaga bang ganyan katigas ang ulo mo, Miru? Hindi ba una palang ay sinabi ko nang lumayo ka sa kanya? Bakit ba patuloy mong binabalewala lahat ng sinasabi ko sayo? Can’t you see how dangerous that guy is?” Tumigila ako sa paglalakad at hinigit ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Kuya. “Bakit ba? Malungkot iyong tao. Masama bang damayan siya at iparamdam sa kanya na may handang makinig sa kanya? Stop being so selfish, Kuya.” Sagot ko sa kanya. Kaibigan niya si Kaisler, hindi ba? Bakit hindi niya magawang maging mabait man lang sa kanya? Dapat nga siya ang dumamay kay Kaisler, eh. “Hindi mo alam kung anong pinapasok mo. Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo iyon para magtanda ka?” Inirapan ko si Kuya. Baki ba ganito ang isang ito? “Hindi ko naman kasi maintindihan, eh. Pinapalayo niyo ako sa taong hindi naman ako ginagawan ng masama. Naandon na tayo sa hindi kagandahan ang pakikitungo niya sakin noong una pero Kuya he never hurt me. Hindi niya ako sinaktan. Sabihin mo nga sakin, why should I avoid him—” “He’s mother is a daughter of a mafia boss, Miru. Maraming naghahanap kay Kaisler. Kesa gusto siyang patayin o gusto siyang gawan ng masama. Maraming gustong pumatay sa kanya. Pinagsasabihan kita dahil ayokong madamay ka. Kung wala kang pakealam sa sarili mo, intindihin mo naman kaming mga taong nagmamalasakit sayo. Huwag mo na ulit gawin ang pagkakamaling ginawa mo noon!” Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya Cyrus pero hindi ko na nagawa pang makapagsalita. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko bago ilapit ang noo niya sa noo ko. “Nagmamakaawa ako sayo. Layuan mo na si Kaisler. Walang magandang maidudulot sayo ang lalaking iyon. Nakikiusap ako sayo, Miru.” Nagulat ako nang may pumatak na luha mula sa pisngi ko. No, it’s not from me. It’s from Kuya. He’s crying. Niyakap ko si Kuya. I thought he was just being selfish pero nagkamali ako. He acted like that because he was protecting me and yet, nagmatigas ako. Ito ata ang unang pagkakataong nakita kong umiyak si Kuya. “Fine, I’ll try.” Ipinikit ko ang mga mata ko. Ayoko mang gawin ito pero ayoko ring mahirapan si Kuya. “Kuya Liam!” Agad ko ring naimulat ang mata ko dahil sa narinig ko. Nakayakap pa rin ako kay Kuya. Bakit parang may narinig akong pangalan? Bakit may nakita akong imahe? Napahawak ako sa ulo ko. Bigla na naman akong nakaramdam ng p*******t nito. Bakit ganito? I feel so incomplete. Bakit pakiramdam ko, may mga dapat ako maalala pero hindi ko matandaan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD