Miru’s Point of View
“You’re joking, right?” Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Sa lahat ng ginawa niya kay Brent parang ang hirap paniwalaan na magkapatid sila. Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Kaisler. Seryoso pa rin siya. No way. “M-Magkapatid ba talaga kayo?”
Halos mawalan ng lakas ang tuhod ko para suportahan ang katawan ko sa rebelasyong narinig ko hanggang sa marinig ko nalang ang malakas na pagtawa ni Kaisler. “Got you.” Nanlaki ang mata ko sa narinig. Sinasabi ko na nga ba, eh. “Hindi mo ba ang alam ang salitang sarcasm?” Kung sakalin ko kaya siya?
“Nakakainis ka naman, eh. Ang seryoso kong nagtatanong sayo tapos pagtitripan mo lang ako. Sana pala hindi nalang ako nagtanong sayo.” Iritadong bulyaw ko sa kanya. Tumayo na si Kaisler sa pagkakaupo niya at tumingin sa akin.
“Kung ano man ang meron kami ni Brent dati, mas mabuti pang huwag mo nang malaman. The less you know, the better. Huwag mong ilagay ang sarili mo sa posisyong hindi ka naman dapat naandon. Don’t get involve. Sinabi ko naman sayo dati, hindi ba? Don’t stick your nose where it does not belong. Isa pa, nasa nakaraan na iyon, ayoko nang pagusapan pa.” Naglakad na papalayo si Kaisler.
Akala ko malalaman ko na kung anong nangyari sa kanilang dalawa. Akala ko makakatulong ako para maayos nila kung ano man alitan nila. For a second, I thought magkapatid nga sila.
Brent’s Point of View
“Papa, wala na ba talaga paraan para magkaayos kayo ni Tito Bryle?” Napatingin sakin si Papa bago ngumiti at magsalita.
“Hindi ko alam, Brent. Sa totoo lang, handa naman akong makipag ayos pero natatakot ako na baka galit pa rin si Bryle. Hindi man siya nagsasalita pero alam ko na galit siya sakin. Sa totoo niyan, alam ko naman na ako talaga ang may kasalanan kung bakit kami nagkaganito. I can’t blame him.” Umupo si Papa sa tabi ko.
“Bakit kailangan niyong isisi na naman sa inyo ang lahat? Wala kayong kasalanan, Pa. Hindi niyo naman inaasahan ang lahat. Kung meron man, hindi pa tama lang na sabihin may kasalanan din si Tito? May pagkukulang din siya.”
Tinapik ni Papa ang balikat ko at nginitian ako. “Ang swerte ko talaga at may anak akong umiintindi sakin. Kahit wala na ang Mama mo, ang mahalaga naandito ka pa rin.” Napangiti naman ako sa sinabi ni Papa.
“Lahat naman po ng ama maswerte sa kani-kanilang anak.” Sumang ayon din si Papa at napangiti. Kahit naman si Tito Bryle ay maswerte sa kanyang anak. Maswerte siya kay Kaisler. Alam kong may pagkagago iyon pero sa maniwala man kayo o hindi ay mabait si Kaisler.
Matagal na kaming magkaibigang dalawa. Halos sabay na nga kaming lumaki. Kaya nga lang, nasira ang relasyong meron kami. Kahit gaano pala katagal ang pinagsamahan niyo, may mga pangyayaring sisira pa rin nito.
Matalik kaming magkaibigan kaya ako ang pinaka nakakakilala kay Kaisler. Mas matanda man siya sakin ng isang taon ay nagkakaintidihan pa rin kaming dalawa. Alam namin ang sekreto ng isa’t isa pero dahil na rin sa insidenteng iyon, nasira ang buhay naming dalawa. Isang pangyayaring maging ako man ay hindi ko magawang matanggap kung totoo ba.
Lumaki akong walang kinikilalang ina. Si Papa lang ang nasa tabi ko habang nagkakaisip ako. Akala ko nga noong una ay namatay siya matapos akong ipanganak.
Lumaki kaming magkasama ni Kaisler dahil na rin siguro sa magkaibigan ang tatay naming dalawa. Para lang kaming normal na bata noon. Nagke-kwentuhan, nagkakaasaran at nagkakapikunan. Mag away man kami ay hindi matatapos ang isang araw ay magkakabati na rin naman ulit. Halos magkapatid na nga ang turingan naming dalawa. Hindi kami mapaglayo ng mga magulang namin. Solong anak kasi kami dalawa kaya siguro ganoong nalang namin pahalagahan ang isa’t isa.
Hindi naman talaga ganyan ang ugali ni Kaisler dati, eh. Nagbago lang talaga siya nang malaman niya ang sekreto ng pamilya niya. Habang lumalaki si Kaisler at ako, nagiging malayo kami sa isa’t isa. Napuno ng galit ang puso niya at halos kamuhian niya ako—no, kinamumuhian niya talaga ako. Naging rebelde siya at buo ng gang niya.
Siguro bunga ito ng mga nalaman niya, ng mga nalaman namin. Ganito sinira ng katotohanan ang pagkatao ni Kaisler lalo na nang—paano ko ba sasabihin ito? Ang dami kong gustong sabihin, ang daming tumatakbo sa isip ko pero hindi ko magawang makapagsalita.
Kapag nakikita ko si Kaisler, hindi ko magawang harapin siya at tingan ng diretso ang mga mata niya. Ang mga matang punung-puno ng galit, puot at pagkamuhi. Sa totoo lang para ngang hindi ko na siya kilala. Ibang iba na siya sa Kaisler na kaibigan ko noon. Hindi ko magawang sisihin si Kaisler sa lahat ng pagbabago niya, sa katunayan kagaya ni Papa, may kasalanan din ako. May koneksyon ako sa pagbabago niya at kung bakit naging miserable ang buhay ng kaibigan ko—
Tss, tama bang sabihin kong kaibigan ko pa rin siya? Kahit na ang turin niya sakin ay isang kontabida ng buhay niya? Siguro oo, dapat ako nalang ang umintindi kay Kaisler.
Minsan nga iniisip ko na sana hindi nalang kami naging magkaibigang dalawa nang sa gayon hindi kami nahihirapan ng ganito. Siguro ngayon, hindi ako nahihirapan kung kamuhin niya ako.
Ang hirap, ang hirap balikan ang mga nangyari sa nakaraan namin. Hindi ko kayang kalimutan dahil pilit akong binabalikan ng mga pangyayari. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat.
“Brent, kanina pa nagri-ring ang cellphone mo. Bakit hindi mo sagutin?” Napatingin ako kay Papa bago icheck kung sino iyong natawag. Napabuntong hininga ako nang makita ko ang pangalan niya. Si Miru.
Muli kong ibinalik ang cellphone ko sa bulsa bago ngitian si Papa na halata mong nagtataka. “Wala po iyon, Pa. Isang kaklase ko lang sa school. Ako nalang ang tatawag sa kanya mamaya.: Pagsisinungaling ko. Ayoko man magdahilan pero ginawa ko iyon dahil kailangan. I can’t talk to her, not now.
Miru, she’s a friend that’s so important to me at ayoko siyang madamay sa galit na meron sakin si Kaisler dahil lang sa kaibigan at malapit siya sakin.
Noong mga bata kami ay wala akong masyadong naging kaibigan dahil lahat ng mga nagiging malapit sakin ay pinagbabantaan ni Kaisler kaya ang ending ay iniiwan nila ako. Wala eh, lahat sla ay takot kay Kaisler.
Kung iniisip niyo na nagseselos si Kaisler dahil nakakahanap ako ng mga bagong kaibigan, pwes nagkakamali kayo. Hindi iyon ang rason. Ginagawa niya iyon dahil galit siya sakin.
Naalala ko pa ang mga sinabi niya sakin tuwing gumagawa siyang dahilan para kamuhian ako ng mga nagiging kaibigan ko:
“Wala kang karapatang maging masaya. Dapat maramdaman mo rin kung gaano kahirap ang maging mag isa. Maramdaman mo ang sakit na dulot kapag iniwan ka ng taong mahalaga sayo. Dahil ikaw Brent, ikaw ang dahilan bakit ako nagkaganito.”
Hindi mo iisiping ang bata pa ni Kaisler noong mga panahong iyon para magsalita ng ganoon. Dala na rin siguro ng galit niya kaya niya nabitiwan ang mga iyon.
Napapaisip ako minsan. Paano kung ilayo rin ni Kaisler si Miru, kakayanin ko kaya? Paano kung gamitin niya si Miru para lang magantihan ako, para saktan ako?
Kaisler knows no boundary, he knows no limit in getting his revenge.
Ayokong mangyari samin ang nangyari sa mga magulang namin. The game of destiny, huh? No, I won’t let that to happen. Hindi ko makakayang may sasaktan ako sa kanila. Si Miru at si Kaisler, pareho silang mahalaga sakin. Pareho silang importante sa buhay ko.
Si Kaisler ang taong nagturo sakin kung paano maging matapang at hindi dapat nagpapaapi. Itinuro niya sakin na dapat hindi ipinapakita sa ibang tao ang kahinaan mo, maging kaibigan man sila o hindi. Dahil darating ang araw, iyon mismo ang gagamitin nila laban sa iyon. Katulad nalang ng nangyari ngayon sa kanya. Sadyang mapaglaro ang tadhana at alam nito kung ano ang kahinaang taglay ni Kaisler. Ang pamilya niya.
Si Miru naman ang taong nagturo sakin na dapat maging masaya tayo kahit na may pinagdaraanan at nahihirapan na sa buhay. Hindi man halata sa katauhan ni Miru pero masayahin siyang tao. Sabi niya kasi, the more na nagpapaapekto ka sa negativities sa paligid mo, the more na masasaktan at mahihirapan ka sa buhay. Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo sa mundo kaya dapat hindi lang sa problema inuubos ang oras. Life goes on according to our will. There’s a lot of things to do with our life. It’s not just full of misery and sadness. There’s a lot of hidden happiness beyond that. And that’s our purpose. To find our own happiness.
Pareho silang may itinurong importanteng bagay sa buhay ko kaya ako ganito ngayon at hindi ko kayang may mawala sa kanilang dalawa. Ayokong makitang nahihirapan at nasasaktan sila. Ganito man ang trato sakin ni Kaisler pero gusto kong makitang masaya pa rin siya. I wish his happiness.
“Here you go again, Brent. Masyado na namang malalim ang iniisip mo. Si Kaisler na naman iyan, ‘no?” Napalingon ako kay Papa. Alam na alam niya talaga kapag natutulala nalang ako bigla. Aakalain mon gang binabasa niya ang iniisip ko, eh.
“Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyari sa buhay natin, Pa. Lalo na nang malaman ko iyon. Aakalain mo na sa mga teleserye lang nangyayari ang ganoon.” Napailing nalang ako. Akala mo nga isang panaginip ang lahat.
“Isa pa, iniisip ko rin si Miru. Sana hindi siya madamay sa galit na mayroon si Kaisler—”
“Brent, ikaw ang lubos na nakakakilala kay Kaisler. Halos sabay kayong lumaki, hindi ba? Matagal ang pinagsamahan niyong dalawa. And you know him, hindi siya ganoong klase ng tao. Hindi siya mandadamay ng taong hindi naman involved sa gulo.” May point si Papa. I glad that despite Kaisler’s rudeness towards him ay ganito pa rin ang tingin niya kay Papa. Naniniwala naman ako na ganoon si Kai, eh kaya lang iba na siya ngayon. Malaki na ang kanyang pinagbago.
Tumayo si Papa kaya’t sinundaj ko siya ng tingin. Nginitian niya ako. “May gagawin lang ako sa office.” Matapos iyon ay pumasok na siya sa loob ng office niya dito sa bahay.
Minsan lang umuuwi si Papa dito sa Pilipinas dahil na rin siguro sa umiiwas siya sa gulo. Umiiwas siyang magkita silang dalawa ni Tito Bryle.
Actually, sa kanila nagmula ang lahat kung bakit pati pagkakaibigan namin ni Kaisler ay nasira. Though, hindi ko sila sinisisi. Hindi ko magagawang sisihin sila na iisang babae lang ang minahal nilang dalawa.