Miru’s Point of View
Nakalabas na ako ng ospital matapos magpalipas ng isang magdamag doon. Hindi na rin naman nagawa ni Kaisler ang sinabi niya na babalika pa siya. Hindi na siya nakabalik. Nauntog siguro siya at naalalang wala sa character niya ang pinaggagagawa niya.
“Thanks.” Matipid kong pasasalamat kay Kuya nang pagbuksan niya ako ng pintuan. Ang awkward pa rin. Hindi pa rin kasi kami nagkakausap ni Kuya. Dapat na siguro akong humingi ng patawad sa kanya. I mean, siguro nga may rason siya bakit niya pinasok iyon at bakit niya itinago samin. “Kuya, I’m sorry.”
Napatigil si Kuta nang marinig niya iyon mula sakin. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pagtataka sa mukha niya. “Sorry kasi hindi kita pinansin at pilit na iniwasan nitong mga nakaraan. I’m really sorry.” Napatungo ako. Nahihiya ako. Hindi ako sanay na ganito kami ni Kuya.
Naramdaman konng ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko. Napaangat ako ng tingin at sinalubong ako ng isang ngiti mula sa kanya. “No matter what happens, I will always forgive you, Miru. Alam mo naman na hindi kita matitiis, hindi ba? Maliit man o malaki ang nagawa mong kasalanan sakin, alam mong patatawarin pa rin kita. Ganoon ka kaimportante sakin.” Napangiti ako sa narinig ko mula sa sinabi ni Kuya. Hindi na baleng wala akong boyfriend, kay Kuya palang, kontento na ako.
Pumasok na kami sa loob ng kotse. Pinaandar n ani Kuya ang makina nito at umuwi na kaming dalawa. Sila Mommy at Daddy kasi ay nauna na samin umuwi kaya kay Kuya na ako sumabay. Medyo busy rin kasi sila pero naiintindihan ko naman.
Oh god Miru, this is not you. Madalas kapag ganitong sitwasyon at wala ang mga magulang mo, ang sinasabi mo ay wala silang pakealam sayo tapos ngayon—I can’t believe myself.
Nang makarating kami ni Kuya sa bahay ay agad niya akong pinagpahinga kahit na tirik na tirik ang araw. Buti nalang at walang pasok ngayon. Hindi ko kailangang umabsent. Hanggang ngayon ay napapaisip ako kung bakit nga ba ako nahimatay. Wala naman akong sakit.
Ohgod Miru, this is not you. Kalimitan kapag ganitong sitawasyon at wala ang magulang mo sasabihin mo na wala naman talaga silang pakealam sayo pero ngayon—I can’t believe myself.
Nang makarating kami ni Kuya agad n’ya akong pinagpahinga dahil baka daw mamaya nakahalandusay na naman ako sa sahig dahil nawalan ako nang malay. Hindi ko pa rin alam kung ano bang dahilan at nahimatay ako.
Humiga agad ako sa kama. Wala naman akong choice. Isa pa, medyo nanghihina pa nga ang katawan ko. Ewan ko ba.
Ito namang si Kaisler, akala ko talaga babalik siya kahapon pero ni anino niya ay hindi ko na nakita. Kahit kailan talaga, bullshit siya. Natuwa pa naman akong makipagkwentuhan sa kanya. Yeah, minsan pala, kung sino pa iyong pinakakinaiinisan mo, dadating ang araw na sila pa iyong masarap kausap.
Naalala ko rin, naandito na nga pala si Tito Cristoff sa Pilipinas for his short vacation. Wait, hindi kaya ang dahilan kung bakit hindi na bumalik si Kaisler sa ospital ay dahil kay Tito? Napabangon ako sa naisip kong iyon. Come to think of it, bakit nga ba galit si Kaisler kila Brent? Alam ko kasing may iba pa siyang rason. Itinanong ko na sa kanya iyon pero hindi naman niya sinagot. May kinalaman kaya si Tito Cristoff? Damay din kaya siya sa galit ni Kaisler? Napailing nalang ako. Huwag ko na sigurong kaisipin. Sumasakit lang ulit ang ulo ko.
Muli akong humiga sa kama ko at pinagmasdan lang ang kulay pink kong kisame. Ano kayang relasyon ang meron sila Kaisler at Brent? Hindi ko maiwasang isipin iyon. Pakiramdam ko kasi, hindi lang basta pinagtitripan ni Kaisler si Brent, eh. May mas malalim sila koneksyon sa isa’t isa. Nag aalala ako para kay Brent pero nalulungkot naman ako para kay Kaisler. Minsan mo lang makikita ang ganoong side ni Kaisler. When I saw him smiling yesterday, I want to keep that smile. Gusto kong lagi siyang nakangiti.
“You’re still awake? I told you to sleep.” Napatingin ako sa may pintuan at nakita ko roon si Kuya. Nagtaka pa siya. Kailan ba ako nakinig sa mga sinasabi nila?
Isinara niya ang pintuan at lumapit sakin. Naupo siya sa may duluhan ng kama ko. “Kuya, huwag ka sanang magagalit sa itatanong ko.” Kumuha ako ng lakas ng loob. Alam kong hindi ako makakakuha ng sagot pero walang mawawala kung susubukan kong magtanong sa kanya hindi ba? “Anong relasyon ni Kaisler at Brent noong hindi pa sila magkagalit?” Napakunot ang noo ni Kuya. Aapila na sana siya nang patigilin ko siya. “Iyan man lang masagot mo. Marami akong gustong malaman pero kahit iyan lang, sabihin mo sakin ang sagot na gusto kong marinig.” Huminga ng malalim si Kuya bago tumingin sakin ng diretso.
“Bakit mo ba gustong malaman?” Nagkibit balikat ako. Hindi ko rin alam. Bakit nga ba ako nagtatanong?
“Out of curiousity, maybe?” Hindi ko lang talaga alam ang isasagot ko. I just have this feeling na gusto ko lang malaman.
“Fine, I’ll tell you. But promise me one thing.” Muli siyang bumuntong hininga bago magsalita. “You will stop asking anything that is related to them. This will be the last, okay?” Tumango nalang ako. Sobrang inaabangan ko iyong isasagot ni Kuya. Kinakabahan ako at parang tumatalon ang puso ko.
“Ang tagal naman, Kuya.”
“Ito na. Kaisler and Brent were best friends.” Napabangon ako sa gulat nang marinig ko iyon. Magkaibigan sila? Hindi halata. “Hindi ka makapaniwala, ‘no? Wala ka kasi dito sa Pilipinans nang mga panahong iyon.” Kumunot ang noo ko. So, nasaan ako noon? Ah, Japan.
“You were in Japan with our grandparents, remember?” Tumango nalang ako. That’s not important. Anong nangyari sa kanila.
“Tapos? Bakit sila nag away? Bakit nasira iyong pagkakaibigan nila?” Ngumisi si Kuya nang magtanong ako.
“I thought you agreed that the only question I will answer is their relations with each other? Hanggang doon lang ang sasabihin ko sayo, Miru.” Tumawa si Kuya. Napasimangot naman ako. Bakit ganoon, pakiramdam ko hindi ako kuntento sa nalaman ko. May iba, eh. may tinatago siya.
‘matulog ka na. Kailang mo iyon.” Napakanot nalang ako sa ulo ko. Hindi pa rin talaga ako makakuha ng kompletong sagot mula sa kanya. But that’s still a shock for me. So, they were friends, huh?
Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil may pasok na ulit ako. Buti nalang at natapat talaga na wala akong pasok kahapon. Ayaw man akong papasukin nila Kuya ngayon ay nagpumilit pa rin ako. Come on, hindi naman Malala ang naging kalagayan ko. Isa pa, may gusto akong makita ngayon at kausapin.
Kanina ko pa tinatawagan si Brent pero mukhang busy siya dahil niisa sa mga tawag na iyon ay wala siyang sinagot. Kung kailan naan kailangan ko siyang makausap. Kung ayaw akong sagutin ni Kuya, why not asks the person involved, right?
Bakit ba? Sa gusto kong malaman ang buong kwento, eh.
Pagdating ko ng school ay sinalubong agad ako ni Ate Cass. “Good morning, Miru.” Nakangiting bati niya sakin. Napatingin ako kay Kuya nang bigla nalang siyang umalis. Muli kong tiningnan si Ate bago ngumiti at batiin din.
“Good morning, Ate.” Kapag talaga masiyahin ang kasama mo, hindi maiiwasang mahawa ka sa kanya. Hindi naman ako ganito ka-energetic dati pero dahil kila Ate Cass at Zuri, nagkakaganito ako ngayon.
Speaking of Zuri, wala pa siya? “Nasaan si Zuri?” Nakakapagtaka naman. Dati rati naman ay lagi siyang maaga kung pumasok.
“Sa pagkakaalam ko ay aabsent siya ngayon. Isinugod daw sa ospital ang lola niya sa father side side sa ospital.” Kinabahan ako. Akala ko ay lola na namin ang naisugod sa ospital.
“Ganoon ba. Dalawin natin sila after class?” Sumang ayon naman si Ate Cass sa sinabi ko.
Nagsimula na kaming maglakad na dalawa papasok sa university nang bigla naming makasalubong ang grupo nila Kaisler. This is it. Ito na iyong hinihintay ko.
“Hey,” napatigil sila sa paglalakad nang lapitan ko si Kaisler. Tumingin silang apat sakin at halata ang pagtataka sa mukha nila Ellis. Hmm, hindi siya umabsent para sa lola nil ani Zuri? Anyway, hindi iyon ang gusto kong malaman.
“Hmm?” Nagulat sila nang sagutin ako ni Kaisler. What’s the big deal? Masama na bang makipag usap sa kanya?
“Can we talk after class? Sa building nalang natin. Lobby.” Tumingin sakin si Kaisler bago itaas ang isang kilay niya. “I just want to ask something.” Humikab muna siya bago sagutin ang tanong ko.
“Fine with me.” Sagot niya bago muling magsimulang maglakad.
Oo na, bahagya rin akong nanibago sa kinikilos niya. Parang bumalik na naman siya sa dati. Nakakagigil.
Matapos ang isang buong araw na klase ay nagpaalam na muna ako kay Ate Cass na kikitain ko muna si Kaisler bago kami pumunta sa ospitral para dalawin ang lol ani Zuri.
Agad akong pumunta sa napagkasunduan namin lugar ni Kaisler at laking gulat ko nang makita ko na agad siya roon. Naunahan niya ako dito. Buti hindi siya nagbalak na umalis dahil wala pa ako.
“Ang tagal mo naman.” Makareklamo naman siya akala mo napakatagal ng interval naming dalawa.
“Sorry. Kanina ka pa ba dito?” Pagtatanong ko sa kanya. May kailangan ako sa kanya kaya dapat akong maging mabait kahit na nakakagigil talaga siya ngayon.
Lumapit ako sa kinauupuan niya. “Hindi naman pero alam mong mainipin akong tao. Pasalamat ka at hinitay kita.” Wow, so may utang na loob pa pala ako sa kanya ngayon? Sakalin ko kaya siya ngayon?
Teka, saan ba ako magsisimula?
“Ano bang gusto mong pag usapan at pinapunta mo pa ako dito.” Since tinanong na rin naman niya ako ay hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at tinanong ng diretso ang gusto kong itanong.
“Gusto kong sagutin mo ng maayos ang itatanong ko sayo.” Tiningnan niya lang ako at naghihintay ng susunod kong sasabihin. Huminga ako ng malalim bago magsalita. “Bakit ba sobra ang pagkagalit mo kay Brent? Ano ba talagang nangyari sa inyong dalawa?” Alam kong wala ako sa lugar magtanong pero gusto ko lang talagang malaman. I want to help them if possible.
Nakita ko ang pagngisi niya bago tumingin sa kawalan. Halatang malalim ang kanyang iniisip. “Bago ko sagutin ang katanungan mo, pwede bang sagutin mo muna ang tanong ko. Bakit ba laging iyang ang itinatanong mo sakin?” Hindi man niya ako tinitingnan ay alam kong nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
“Wala lang. Since alam kong idadamay mo rin naman ako sa mga pinaggagawa mo kay Brent, might as well malaman ko iyong rason, hindi ba? Para sa ganoon, maintindihan ko iyong pinanghuhugutan ng galit mo. Kung ayaw mo namang sagutin, okay lang rin sakin. Aalis nalang ako—” Tatayo palang ako mula sa pagkakaupo ko nang bigla siyang magsalita.
“Si Brent…” nilingon ko siya at nakita ko kung paano magblangko ang ekspresyon niya. He’s emotionless. “Kapatid ko siya.” Muntikan na ako mapaupo sa sahig nang marinig ang sagot sa katanungan ko.
M-Magkapatid silang dalawa? Pero papaano?!