Chapter 2:

1789 Words
Miru’s Point of View “Mom, pwede ba akong hindi sumama? Can I just stay here? I don’t want to go” Just thinking about socializing with people I don’t know makes me sick. “Miru, your Tita Danica is expecting us to come. Magtatampo pa iyon kapag hindi ka pumunta.” Sagot naman ni Dad sakin. Bukod sa ayokong makipagkaibigan sa iba ay tinatamad rin akong umalis ng bahay ngayong araw. I just want to stay here and lock myself in my room to sleep. “Wala naman akong gagawin doon. Wala akong kakilala sa mga taong dadalo sa okasyong iyon. Mabobored lang ako.” Hopefully payagan na nila akong huwag sumama kahit na mukhang walang pag asa. Totoo naman din kasi ang sinasabi ko. Wala akong kakilala roon bukod kay Ate Cass na pinsan ko tapos hindi ko pa alam kung close pa rin ba kami. “It’s Ellis’ birthday. This will be your first time attending his birthday celebration. Everyone is excited to see you tapos hindi ka pupunta?” Hindi na ako nakaangal pa nang si Mommy na ang nagsalita. Hirap labanan kapag si Mommy na. “Isa pa, sabi naman ni Tita Danica ay wala naman daw masyadong pupunta. Tayo tayo lang daw. Simpleng handaan lang.” Pagpapaliwanag naman ni Kuya. Wala na naman akong choice kung hindi ang sumama sa kanila kahit na pakiramdam ko ay para akong poste roon. Fine, magtitiis ako ng ilang oras. “Pero knowing Tita, she loves flashy party, so I can’t expect na ganoon nga ang mangyayari.” Dagdag pa ng kaptid ko. Oo na, sasama na kung sasama. Wala na naman akong magagawa. “Fine, I’ll come.” Para matigil na itong pag uusap na ito. Wala namang mangyayari sa pagtatalo namin. Hindi rin naman ako mananalo. Ngumiti si Dad sa sinabi ko. “I’m sure you’ll have a good time in the party.” Really? Ngayon palang ay nararamdaman kong kabaliktaran noon ang mangyayari. Hindi na ako nagsalita pa. Nakakaubos ng laway. Ngayon lang, pagbibigyan ko sila sa gusto nila. Alam naman nila na ayoko sa madaming tao pero sige, I’ll endure everything just for today. Kaya ko naman sigurong makipagplastikan kahit papaano. Pumunta na kami sa venue kung saan gaganapin ang nasabing birthday party. Sa bahay lang naman ito nila Tita kaya umaasa ako na hindi ganoong kadami ang dadalo. Nang makapasok na kami sa loob ay agad akong sinalubong ng mga hindi pamilyar na mga mukha. Maging ang mga kaibigan ni Mommy ay hindi ko na matandaan kung sino. “Miru!” Napatigin ako sa tumawag sakin. Matipid akong ngumiti nang makita ko si Ate Cass. Buti nalang at kilala niya pa ako. Mukhang kahit papaano ay may makakausap ako at hindi ako magmumukhang tanga dito. “Ate Cass,” lumapit siya sakin para yakapin ako at niyakap ko rin naman siya pabalil. She’s my cousin. Cassidy Angela Kang. The only daughter of Tita Kelly and Tito Rence. sa lahat ng relatives namin ay siya lang ata itong natatandaan ko pa hanggang ngayon. “Buti at nakapunta ka. Kailan ka pa nakauwi galing Japan?” Nakangiting tanong niya sakin. “Last week lang.” Sagot ko naman sa kanya. Kahit papaano naman ay nakakahawa iyong mga ngiti ni Ate Cass. Hindi ako naka-pokerface lang dito. Napatingin ako sa babaeng kasama niya. Ngumiti si Ate Cass bago ito ipakilala. “By the way, this is Zuri Cathleen Lim, she’s also your cousin. Anak siya nila Tita Luri at Tito Lexter.” Matipid ko siyang nginitian. Kahit papaano ay magaan ang loob ko sa kanya. Sana, magkasundo kami. Wala namang masamang pagkatiwalaan siya since pinsan ko siya, hindi ba? “Hi, you must be Miru. Matagakl an rin simula nang huli kitang makita kaya hindi na ako aasa na natatandaan mo pa ako.” At hindi rin ako magsisinungaling na hindi ko na nga siya matandaan. Damn Miru, ang galing talaga ng memory mo. “I heard a lot of stories about you. Naiikwento ka naman lagi nila Mama at nila Ate Cassidy. You look so gorgeous even with just a simple shirt and jeans.” Totoo ang sinabi niya. Naka shirt lang ako at jeans unlike them who are wearing expensive dresses. I’m not a fan of those kind of clothing. Mas gusto iyong komportable akong suutin. “Tara, sumama ka nalang samin sa table namin and you’ll meet the whole gang.” Pag aaya sakin ni Zuri. Nagdadalawang isip pa nga ako kung sasama ba ako sa kanya o huwag nalang pero si Ate Cassidy na rin ang nagtulak sakin na sumama. I guess, this will be a new experience for me. Sa hindi kalayuan ay nakita ko na agad ang kapatid ko. Nakikipag usap siya sa hindi ko kakilalang lalaki. Nagtatawanan din sila na tila ba wala nang bukas. Nang makalapit kami sa kanya ay nagkunwaring umuubo si Ate para makuha ang kanilang atensyon. Tumigil naman sila nang makita si Ate Cass. Nang makita ni Kuya si Ate ay agad itong ngumiti ng malawak. This psychopath brother of mine. Ang sarap niyang sapakin kung minsan. My brother has a crush on Ate Cassidy pero hindi sila pwede. Bakit? Simple lang. Hindi sila pwede because it’s taboo. Magpinsan sila. Do you think our parents will allow their relationship? Of course not. Hinding hindi sila papayag doon. Hindi alam ito ng mga magulang namin. Bakit pa? Para saan pa? Para lang gumawa ng eskandalo? Hangga’t hindi gumagawa ng kalokohan si Kuya ay wala rin akong balak na ikalat ang sekreto niya. Maging sakin ay ayaw niyang ipaalam kaya lang napansin ko agad iyong mga kilos niya for Ate Cass nang bisitahin nila ako sa sa Japan noon. I can’t read minds, but I can read actions. Hindi ko nga baa lam bakit ang galing kong makabasa ng kilos ng ibang tao. Maybe this is a gift? I should be thankful for having this. “Hey Ellis, happy birthday!” Bati ni Ate sa kasama ni Kuya sa table. Ngumiti ang lalaki bago magpasalamat kay Ate Cassidy. “Thank you, Ate.” Napatingin siya sakin bago muling ngumiti. “Siya na ba ang kapatid ni Kuya Cyrus? He’s bragging about it.” Tumango lamang naman sila Ate. Tumawa ang lalaki bago muling magsalita. “Hindi halata. Ang laki ng pagkakaiba nilang dalawa sa isa’t isa.” Napangisi ako sa narinig. Aba malay ko ba kung ampon si Kuya. Again, that was just a joke. “You can say that. He’s a pyscho afterall and I am not.” Imbis na mainis sa sinabi ko ay tumawa pa si Kuya dahil dito. See? Baliktad ang takbo ng utak niya. “Hey, children.” Napatingin kami sa kanya. Nakita namin sila Tita Kelly at Tito Rence. “Mom come on. You don’t have to say that. We’re not children anymore.” Naasar na sabi ni Ate Cass sa kanyang ina. Nakita ko naman ang pagngiti ni Tita dahil sa narinig. Napatingin sila sakin at mas lumawak ang kanilang ngiti. “Hi Miru, it’s been 4 years, I guess? Glad to see you again. You’re looking great, dear.” Bati sakin nila Tita. Matipid akong ngumiti sa kanila. “Miru, have you decided where to study for college?” Tanong naman sakin ni Tito. Actually, wala pa akong naiisip kung san ako papasok. Maybe sa school ni Kuya Cyrus nalang rin. I don’t know. “I have an idea na po kung saan. Gusto ko po sana sa school na pinasukan nila Mommy dati.” Sagot ko sa tanong ni Tito. Halata naman na ikinabigla nila iyon. “Where?” “Kung saan po nag aral ang mga magulang ko. I heard a lot of stories. I think it will be great kung doon ako mag aaral.” Nagkatinginan sila Tita Kelly at Tito Rence bago dismayadong tumingin sakin. I don’t get it. Bakit mukhang hindi nila nagustuhan ang sinabi ko? “That will be a great idea, but the point here is that the school is already closed. Matagal na.” Natulala ako sa narinig ko mula sa kanya. I see, so ganoon pala ang nangyari. “You mean…” Hindi ko makuha ang tamang salita para sabihin ang nararamdaman ko. I feel upset for some reason. “Yes, matagal nang isinara ang Sky High Academy. Ilang taon na rin siguro.” Tila ba may bumara sa lalamunan ko. Ang dami kong tanong. Inaanticipate ko ang pagpasok doon. Hindi ko matanggap na hindi ko man lang mararanasan ang makapag aral sa school na iyon. “Bakit po?” Nagkibit balikat silang dalawa. “We don’t know the whole stsory pero hindi pa kayo ipinapanganak ay nagsara na ang SHA.” Oh? That was sad. Hindi na ako nagsalita. Wala na rin naman akong sasabihin. “Maraming nagsasabi na nawawala iyong tagapagmana ng school kaya nagkagulo ang mga board members. Ang nangyari halos malugi ang SHA kaya mas pinili nalang na isara ito. It’s still good na hindi nila sinira ang school. May ilan naman na nagsasabing hinihintay lamang ang tagapagmana na makabalik bago muling buksan ito.” Pagpapaliwanag ni Tito. “Inaalagaan pa rin naman hanggang ngayon ang school. Siguro, pagdating ng tamang panahon ay magbabalik ang SHA para sa mga taong gustong pumasok at mag aral dito. That school has its history. Ang daming pangyayari na hindi mo basta basta makakalimutan na nangyari sa school na iyo. It was a fantastic experience for me…for us.” Mapait na ngumiti si Titan ang sabihin iyon. Such a tragic. Hindi ko ineexpect na ganito ang nangyari sa school na gusto kong pasukan. Narinig ko kasi noong bata pa ako na doon nagkakilala sila Mommy at Daddy at maging ang mga grandparents din namin. Hindi ko hinahabol ang same love story na sana mangyayari sakin sa school na iyon. It’s just that and thrilling pakinggan ng mga kwento tungkol sa Sky High. Kaya lang sa nangyari ngayon, mukhang malabo na iyong mangyari. Sira na ang ideal college life ko. “But it’s okay, Miru. Easton University is as good as SHA. Doon nag aaral sila Cass. Magiging exciting pa rin ang college life mo.” nakangiting sabi ni Tita Kelly. Napansin ata nila na disappointed ako sa lahat nang narinig tungkol sa SHA. Easton University, huh? Sana lanbg maibigay nito ang exciting college life na gusto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD