Miru’s Point of View
“Welcome back!” Agad akong napairap sa inasta ni Dad. Can’t he get any mature? Bakit ba parang paurong ang pagmature ng utak niya? Lagi nalang siyang hyper o baka naman sadyang isip bata lamang siya?
“I’m happy to see you, Miru” My Mom is the opposite of my dad. Kung gaano kasaya si Daddy ay ganoon naman kawalang buhay akong binabati ni Mommy. I guess, I have to be used to it. Ganito ang scenario na makikita ko araw-araw hangga’t sa bahay nila ako titira. Wala naman akong choice kung hindi doon tumira, eh.
“Yeah,” sa tingin ko ay kay Mommy ko nakuha halos lahat ng ugaling meron ako sa katawan. I’m bored. Gusto kong may gawin pero ayoko rin namang kumilos. Bored ako pero gusto ko lang magkulong sa kwarto ko. Kaya lang naman ako umuwi ng Pilipinas is because of my parents. Wala naman akong karapatang suwayin sila dahil sila pa rin ang nagpapaaral at gumagasto para sakin.
Matapos kong batiin ang mga magulang ko ay agad akong pumasok sa kwarto ko. Tapos na naman kaming magbatian ng mga magulang ko, I think it’s enough. Hindi naman uso samin ang maglambing sa isa’t isa. It makes me want to vomit.
“Hey sis!” Napakunot ang noo ko nang makita ko ang kapatid ko na nakahiga sa kama ko. Itinagilid ko ang ulo ko at tinaasan siya ng isang kilay. Tinuro ko ang daan palabas.
“Get out.” Mahinahon ngunit may diin kong sabi sa kanya. Mygod, I just want to rest.
“Huwag ka namang ganyan, Miru. Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita tapps ay tatarayan mo pa ako?” Parang si Daddy talaga ang isang ito. Pareho silang tumatandang paurong. Hindi na rin ako magtataka since mag ama naman talaga sila. Hindi na kaylangang isiping may ampon samin. Ugali palang legit na anak kami ng mga magulang namin.
“Wala ka man lang bang pasalubong sa Kuya mong gwapo?” Napangisi ako sa sinabi niya. Gwapo talaga? Minsan hindi ko maintindihan kung sa papaanong paraan nabubuhat ng mga lalaki ang sariling bangko nila.
Tiningnan ko lamang siya ng masama. “Wala. Bakit ako bibili ng pasalubong para sayo. Mukha ba akong nagfieldtrip sayo?”
“Ano ba iyan, hindi mo man lang naalala ang kapatid mo. Ang sakit, ha.” Kapatid ko ba talaga ang isang ito? Hindi ko pa rin magets kung bakit ang layo ng ugali namin sa isa’t isa?
If you are going to ask me, who is he. This man is my brother. His name is Cyrus Hubert Villafuerte.
Kapag narinig niyong nagtawagan kaming panget, walang dapat masaktan o maoffend doon. Asaran lang namin iyon. Panget ang tawag niya sakin noong mga bata pa kami kaya’t iyon din ang itinawag ko sa kanya. Sadyang nakasanayan nalang siguro namin.
“Kung tutuusin naman ay wala akong balak umuwi dito.” Galing ako sa Japan at halos doon na ako lumaki. Since my childhood ay ako ang sinusunod ng mga magulang. Lahat ng gustuhin ko ay iyon ang nangyayari. Ngayon lamang humingi ng pabor ang parents ko. Mahirap naman kung susuwayin ko lang dahil sa selfish wishes ko.
“Kunwari ka pa. Siguro ay nalaman mong dito nag aaral si Brent kaya ginusto mo na ring umuwi dito.” Napatingin ako sa kanya. Brent? Sa pagkakaalam ko ay nasa Korea siya.
“Matagal na siyalang naandito kung iyon ang iniisip mo dahil sa business nila. Halos dalawang taon na atang dito nag aaral si Brent. Tingnan mo ikaw, kaibigan ka tapos wala kanga lam? Labas labas din kasi sa lungga, Miru. Hindi iyong lagi kang nakakulong.” f**k my brother. Magsasalita lang talaga para asarin ako.
Hindi ako nagsalita. Wala na rin naman akong sasabihin sa kanya baka kapag may sinabi pa ako ay mag away lamang kaming dalawa. Kinurot ni Kuya ang aking pisngi. Agad ko naman iyong tinabig dahil masakit.
Brent is my childhood and only friend. Hindi kasi ako pala kaibigan. Hindi ako basta basta nagtitiwala sa tao. Hindi ko kaylangan ng maraming kaibigan pero lahat sila ay peke. Brent makes me realize na hindi mo kaylangan ng maraming kaibigan as long na meron kang totoong kaibugan.
I hate socializing like my Mom. It’s bothersome. Sa huli ay temporary lang naman sila sa buhay mo. Ang sabi ng iba, mahirap daw kapag wala kang kaibigan kaya I tried pero hindi ako nagtagumpay. It’s hard to make friends. Napatunayan kong kusang nadating ang kaibigan at hindi iyon ginawa. Marerealize mo naman na magkaibigan kayo dahil sa bond na meron kayo.
“Alam mo, Miru ilang taon ka sa Japan pero hindi ka man lang nagbago. Wala ka man lamang ipinagbago. Wala ka pa ring kwentang kausap.” Tumawa siya bago bumango mula sa kama ko. Naglakad na siya at lumapit sa pintuan. “By the way, next week may pupuntahan tayo kaya maghanda ka. You will surely meet new friends. Take some rest. Baka sakaling paggising mo ay mabait ka na” Nagsalute pa siya bago tuluyan akong iwan sa kwarto. Damn him.
Me? Making friends? Baka naman. Saan naman kaya ako makakahanap ng kaibigan na makakatiis ng ugaling meron ako? Siya na rin ang nagsabing wala akong kwentang kausap, hindi ba? They will find me boring for sure.
Dahil wala na talaga akong magawa dito sa bahay ay naisipan ko munang lumabas para masinagan naman ako ng araw. Nagpaalam ako sa mga magulang ko bago gumala. At saan naman kaya ako pupunta? What should do? Where should I go? Arcade? Maybe mall? No, shopping is not my thing.
Wait, speaking of shopping I just remembered that I nee to buy something.
Dali dai akong pumunta sa mall. Ito ang unang pagkakataon kong pumunta ng mall dito sa Pilipinas mag isa. Hopefully ay hindi ako maligaw. Isa pa, hindi talaga ako mahilig magmall. Wala naman akong gagawin dito. I am not a shopaholic to begin with.
Nakakauwi at nakakabisita naman ako paminsan minsan dito sa lugar namin kaya hindi ako mukhang tanga na hindi alam ang pupuntahan. Naninibaho lang ako sa ibang establishments dahil ngayon ko lang sila nakita dito. Marami rin talagang nagbabago sa loob ng ilang taon.
“Miss, are you alone?” Napairap ako nang may mga mukhang m******s na humarang sa dinaraanan ko. Lagi nalang bang ganito? Wala na bang bagong scenes diyan? Puro nalang ba haharangin ng manyak? Kaumay naman.
Tinitigan ko lang si bago taasan ng isang kilay. Dalawang lalaki iyong nasa harapan ko ngayon. Bakit ba kasi ngayon ko lang napagtanto na medyo malayo ang mall sa bahay kahit na walking distance lamang ito?
“Mukha ba akong may kasama? May nakikita kayong hindi ko nakikita? Huwag sanang bobo, ‘no?” Hindi ko sinasabing masama ang ugali ko pero parang ganoon na nga. Come on, I hate wasting my time.
“Pilosopo si Ganda.” Damn it. I hate catcalling. Mga wala silang modo. Ang sarap lang bangasan ng mukha.
“Then next time, huwag kayong magtatanong kung halata na naman ang sagot.” Maglalakad na sana ako at lalagpasan nalang sila dahil nauubos na talaga ang oras ko kaya lamang ay may humawak sa braso ko.
“Damn it, don’t touch me your dirty hands!” Talagang inuubos ng dalawang ito ang pasensya ko. Akala ba nila ay mahinang babae ako at hindi ko sila papatulan?
Pilit kong tinanggal ang kamay nilang nakahawak sakin. “We just want to have some fun. Come and join us.”
Huminga ako ng malalim. Kumalma ka nga Miru, baka makasakit pa. “Have fun your face.” Marahas kong binawi ang aking kamay mula sa pagkakahawak ng lalaki at sinampal siya ng malakas. Sana magising siya sa realidad na hindi lahat ng gusto niya ay makukuha niya lalo na sa marahas na daan.
Halatang nabigla ang kasama niya kaya’t napangisi ito sa ginawa ko. Umayos ako ng tayo at sumeryoso lalo ang mukha ko. “Sa susunod, pwede bang huwag kayong basta basta nanghahawak ng kamay ng ibang tao. Don’t you have any manners? Palibhasa at puro hangin ang laman ng utak. Kung ayaw niyong sumakit ang katawan niyo at kung ayaw niyong makatikim pa bukod sa sampal hindi ko kayo uurungan. I can f*****g break your bones so f**k off, losers.” Matapos kong sabihin iyon ay umalis na ako papalayo. Ang laki ng nasayang na oras ko dahil lang sa pakikipagdaldalan sa kanila.
Hindi na sila sumunod pa sakin. Kung akala nila ay matatakot ako sa kanila pasensya sila. I can defend myself. Hindi ko sila uurungan kung gusto nila ng sakit ng katawan. I can fight. Hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng mga utak manyak sa kahit saang bansa, ‘no? Bakit ba tumatagal pa sila sa mundo. Can they just die?
Hindi ako natatakot makulong. Malaki ang impluwensya ng pamilya ko. They can get me out of every mess I’m in. Pwede nilang sabihing inosente ako and everyone will buy it.
My mother’s name is Alexa Kang-Villafuerte and my father’s name is Zander Lee-Villafuerte, if you are just interested to know.
Pumunta na ako sa mall. Ayokong abutin ng dilim sa daan dahil baka maligaw ako pauwi. Isa pa, baka mas may mga siraulo pa akong maengkwentro kapag nagpagabi ako kaya kaylangan ko nang magmadali sa kung ano mang gagawin ko dito sa mall.
Nang makarating na ako sa mall ay agad kong binili kung ano man ang dapat kong bilhin. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa o pumunta sa mga stores na wala naman akong balak noong una palang. Kakainin nan naman nito ang oras ko.
Pakiramdam ko ay nade-drain talaga ako kapag nagshoshopping kaya never ko itong ginawang hobby ko. Nagshashopping lang ako kapag talagang kaylangan.
Matapos kong bumili ng mga kakaylanganin ko ay dumiretso ako sa isang coffee shop para bumili ng kape. Nagdesisyon akong maglakad nalang ulit kaysa magtaxi or grab pa. Hindi naman ganoong kalayo ang bahay namin. Hindi ko lang talaga ineexpect na may makakasalubong akong sakit sa ulo kanina.
Palabas na sana ako nang bumuhos ang malakas na ulan. Talking about luck, huh? Wala ako ‘non.
Agad akong pumasok muli sa mall para bumili ng payong. Wala na akong oras pa para magtawag ng taxi o magbook ng grab. Hindi naman ako mababasa ng todo ng ulan hangga’t may payong ako. Nagpagdesisyunan ko nang umuwi matapos akong makabili ng payong.
Paunti nang paunti ang mga tao sa paligid dahil na rin siguro sa ulan. Pero wala akong pakealam sa kanila. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa makita ko na ang gate ng subdivision namin. Hindi ko halos naramdaman na sumakit ang paa ko. I told you, malapit lang ito sa mall.
Nangpatawid na ako patungo sa subdivision namin ay halos matumba ako nang may biglang dumaan na humaharurot na motor. Agad kong tiningnan ang motor sa di kalayuan. Tangina, hindi ba siya marunong magdrive? How can someone get his license with this kind of horrible driving skill?!
“Do I look like a f*****g road to you, Mister?” Ayoko na sanang makipag away sa kanya pero somehow gusto ko siyang pagsabihan. Kung nagkataong hindi ako nakaiwas agad ay malamang nasugatan pa ako.
Tiningnan ko siya ng masama. Naghihintay ako na sumagot siya. Tinanggal niya ang helmet niya at nakita ko ang isang malaking ngisi sa labi niya? Bangasan ko kaya ang isang ito? Ang lakas ng loob niyang ngumisi matapos iyong nangyari.
“What now?!” Hinahamon ba ng lalaking ito ang pasensya ko?
“I tried to avoid you. Ikaw itong hindi marunong tumingin sa dinaraanan niya kaya huwag mo akong sisihin. Kasalanan mo naman talaga” At ako pa ngayon ang may kasalanan? Ako na nga itong biktima. Is he bullshiting me?
Bago pa man ako makapagsalitang muli ay isinuot na ulit ng lalaki ang helmet ng motor niya bago muling ipaharurot iyon.
What was that? Iyon pa ang napala ko matapos iyong nangyari? Halos masagasaan niya ako dahil sa pagpapatakbo niya ng motor tapos wala man lang sorry akong natanggap? He blamed me for something I didn’t do!
Ganito ba kawalang modo ang karamihan sa bansang ito? Damn it. Give me a break.