Cassidy’s Point of View
Naandito ako sa condo ng isa sa mga kakilala ko. Kahit kailan talaga itong lalaking ito kapag may problema ay ako ang tinatawag oara ipasa sakin iyong mood niyang hindi ko maintindihan.
“Ate Angel,” Napairap ako nang tawagin niya ako ng ganoon. Nakakasira talaga ng bait ang lalaking ito, lakas manira ng mood.
“How many times should I let you know that don’t call me Angel!” Nakirita talaga. Bakit ba Angel siya nang Angel? Kung tutuusin naman ay hindi ko iyon pangalan. Isa pa, hindi ako anghel!
“Fine, fine. Bakit ba lagi kang high blood. Tatanda ka agad niya, sige.” Hindi nalang ako nagsalita at naupo sa couch dito sa condo niya. Kung hindi lang siya malapit sakin ay hahayaan ko siyang magkulong dito.
“You want some drink?” Umiling ako. Wala naman iyang matinong inumin dito sa condo niya. Kung hindi ko pasasabihang mag imbak ng tubis sa ref niya ay hindi pa niya gagawin. Buti nga at sinusunod ako nito. Para ko na rin kasi siyang nakakabatang kapatid.
“Okay,” matipid niyang sabi bago pumunta sa kusina niya. Nakita kong kumuha siya ng isang mamahaling wine bago magsalin sa isang baso. Umagang umaga ay mag iinom na agad siya? Palibhasa at alam niyang may pampagamot siya kapag dinala siya sa ospital. Mayaman naman kasi talaga ang pamilya ng gagong ito, eh. Hindi lang halata sa asta niya. Though he’s been independent for quite some time now. Hindi ko nga alam kung saan niya nakukuha ang pera niya nang hindi dumedepende sa pamilya niya.
“Hoy Kai, ikaw ba nagnanakaw?” Nakakapagtaka talagang ang dami niyang pera gayong matagal na niyang halos putulin ang koneksyon niya sa pamilya niya at matagal na rin simula nang huli itong lumapit sa tatay niya.
“Me? Are you accusing me as being a theft? Nagpapatawa ka ba Ate?” Hindi ako nagpapatawa. Seryoso akong nagtatanong sa kanya. Nag aalala ako na baka mapahamak siya sa mga pinaggagawa niya.
Umupo siya sa tapat ko dala dala ang baso ng wine niya. “Nagtataka lang kasi ako paano ka nagkakaroon ng pera gayong hindi ka naman lumalapit sa tatay mo. Hindi ka rin naman nagta-trabaho.” Tumingin ako ng diretso sa kanya. Nakita ko ang pagngisi niya. Here we go again.
“Kasi mayaman ako? With or without help from my family. Natural na iyon.” Tumawa pa siya matapos niyang sabihin iyon. Iyon bang klase ng tawa na medyo husky. Sarap niyang sakalin sa totoo lang.
“Hay nako, ewan ko ba sayo, Kai. Everytime na tinatanong kita niyan ay lagi nalang ganito ang sinasagot mo sakin. I wonder kung alam ni Tito Bryle lahat ng pinaggagagawa mo sa buhay mo.” Nawala ang nakakalokong ngiti sa labi niya. Lagi naman siyang ganito kapag naririnig niya ang pangalan ng tatay niya.
“You really know how to ruin my day, Ate.” See? Hindi na ako magtatanong pa. Alam ko naman na enough na ang pagbanggit sa pangalan ng papa niya para magkaganito siya.
“I didn’t ruin your mood. Wala naman akong sinasabing nakakaoffend.” Inaasar ko lang siya. Alam ko naman na ginawa ko talagang sirain ang ara niya. Ayaw niyang pinag uusapan ang papa niya. Bakit? try to ask him. Mailap siya sa usaping iyon.
“Bakit mo nga pala ako pinapunta dito?” Iniba ko nalang ang topic para kahit papaano ay mawala ang kunot ng noo niya.
Huminga ng malalim si Kai. “Like usual.” No way, may ipinadala na naman siya sa ospital? Hindi ba siya nadadala?
“Damn it, Kaisler! may binugbog ka naman ba? Mygod! Kailan ka titigil sa kalokohan mo ha?” Sigaw ko sa kanya. Hindi ko talaga maatim na araw araw nalang ay may magpapadala ng reklamo sa kanya dahil may binugbog siya. Hindi ba siya natatakot na baka balang araw ay balikan siya ng mga ito?
Bilang mas nakakatanda sa kanya at dahil halos ituring ko na siyang kapatid ko kaylangan ko siyang pagsabihan. Ayokong mapahamak siya balang araw. Gusto kong protektahan siya. “Ano na, Ate? Pagsasabihan mo rin ba ako? Ikaw na nga lang itong natatakbuhan ko tuwing may problema ako tapos umaasta ka pang parang pamilya ko. Come on, I have no time for that.” Wala ba talaga siyang balak magbago?
“Hindi naman kasi tama ang ginagawa mo, Kaisler. Nambubugbog kayo ng tao. Paano kapag nakapatay kayo? Okay lang sayo?” Gusto ko siyang tumigil hangga’t may oras pa dahil alam ko kapag nagpatuloy ito, hindi lang reklamo ang kahaharapin niya baka maging buhay niya ay manganib na.
“Kung makakapatay man ako, deserve naman nila iyon. Hindi ko kaylangan makonsensya.” Halos malaglag ang panga ko sa narinig. Ganito ba siya katigas? Wala ba siyang pakealam sa kahahantungan ng mga pinaggagagawa niya? Ako itong nag aalala para sa kanya.
“Naririnig mo bai yang sinasabi mo Mister Kaisler Chase Martin? Akala mo ba magandang gawain ang pumatay? Sobrang bigat na kasalanan iyon. Wake up!” Tumayo si Kai matapos kong sabihin iyon. Tumapat siya sakin bago ako harapin.
“Ate Cass, I do what I want to do. You can’t stop me, no one can. I’m a gangster at natural na samin ang manakit ang ang pumatay. It’s not even a big deal. Matagal na akong iniwan ng konsensya ko. This world is cruel to begin with, so why not be as cruel as this world is? Pagod na ako. Alam mo iyon. Nasanay na akong yakapain ang kadiliman sa puso ko and you can’t change me dahil halos ito na ang bumuo sakin.” Napatayo ako sa kanyang sinabi. I can’t endure it. Hindi ako makapaniwala na naririnig ko ito mula sa kanya.
“So, you are saying that nakapatay ka na talaga?” Nanginginig ang tuhod ko. Gusto kong sumagot siya sa tanong ko pero ayoko ring marinig ang isasagot niya. Natatakot ako na baka tama nga ang iniisip ko.
Nagkibit balikat lamang si Kaisler at naglakad papalapit sa pintuan ng condo niya. “I’m leaving now. I have some business to attend. See you around, Ate Angel.” Nakita ko pa ang pagngisi niya bago tuluyang umalis. I can’t believe he can such disgusting and terrifying words. Hindi ako makapaniwala na siya ang Kaisler na kilala ko.
Miru’s Point of View
Nasa Easton University na ako ngayon dahil simula na ng klase. Dito ako ipinasok ng magulang ko para makasama ko daw sila Zuri. Hindi nalang ako umangal dahil wala naman akong ibang choice.
Maganda naman iyong school. Maganda ang mga facilities at maraming estudyante.
Hindi ko kasabay pumasok si Kuya dahil pagkagising ko palang ay wala na siya sa bahay. Ang aga niyang umalis. Hindi ko alam kung siya ba itong nagbubukas ng school. Sabagay, my brother can handle himself. Malaki na siya para mag alala pa ako sa kanya.
“Miru!” Napatigil ako sa paglalakad at agad siyang nilingon. Nakita ko si Zuri na tumatakbo papalapit sa pwesto ko. Napangiti ako nang makita ko siya at ganoon rin naman siya sakin.
“Balita ko ay magkaklase tayo.” Nakangiting tanong niya sakin. Tumango ako sa bilang sagot. We’re taking the same course afterall. Masaya ako atleast may kakilala na ako sa school na ito. Hindi ako masasabihang loner nila Mommy.
“Omg!”
“Guys, naandyan na sila!”
Nagulat ako nang may magsigawang mga babae s apaligid namin. Anong meron at parang takas sa zoo ang mga tao dito? Bakit sila nagkakagulo? Akala mo naman may mga importanteng taong dadating.
“Oh, here they come.” Narinig kong bulong ni Zuri sa gilid ko. Napatingin ako sa kanya dahil naguguluhan ako sa nangyayari.
“Who?” Ngumiti siya sakin bago ituro ang grupo ng kalalakihang naglalakad sa gitna ng hallway. Halos lahat ng estudyante ay nagbibigay daan sa kanila.
“The Shinigami.” Shinigami? You mean the Japanese word for god of the death? The hell was that. Napakunot ang noo ko nang makita ang apat na lalaking naglalakad na tila ba sinasamba ng mga estudyante dito. They are walking like kings and they are wearing their school uniform in different styles. Seriously, who are they?
Napatigil ako nang makakita ako ng isang pamilyar na mukha. Ngumiti siya samin at binati kami.
“Good morning. Hi Miru, welcome to EU.” Naaalala kong anak siya nila Tita Danica at Tito Andrei but I can’t seem to remember his name.
“Good morning, Ellis.” Napatango ako nang banggitin ni Zuri ang kanyang pangalan. yeah, he’s Ellis. Napansin kong napatigil din sa paglalakad ang mga kasama niya at pinapanood kaming magbatian. Napatingin sa kanila si Ellis bago magsalita.
“They are my friends, by the way.” Nakangiti ang dalawa sa mga kaibigan niya habang ang isa aye seryoso lamang na nakatingin samin…sakin.
Napakunot ang noo ko nang para bang pamilyar ang mukha niya sakin. Agad ko siyang nilapitan na siyang pinagtaka naman ng mga kasama ko. “You look familiar.” Sinuri kong maigi ang lalaki na seryoso pa ring nakatingin sakin.
Nang makita kami ng isang pamilyar na lalaki ngumiti sya samin at binati kami "Good morning Zuri! Hi Miru welcome to EU" sabi nya samin. Naaalala ko sya, anak sya ni Tita Danica at Tito Andrei but I can't remember his name.
"Good morning Ellis!" Yun! Oo Ellis nga pala ang pangalan nya, naaalala ko na ngayon. Napatigil ang iba sa mga kasama nya "By the way my friends" tiningnan ko yung tatlong lalaki, nakangiti yung dalawa pero yung isa nakatingin lang samin.
“The hell are you staring at?” Iritado niyang sabi habang pinagmamasdan akong obserbahan siya.
“I said, you look familiar.” Kumunot ang noo ko bago ako hawakan sa braso ko.
“Kai!” Narinig ko ang boses ni Ellis. Napatingin saglit sa kanya ang lalaki bago ako bitawan.
“I don’t f*****g remember you so back off kung ayaw mong masaktan.” Aha! Natatandaan ko na kung sino siya. Siya iyong nakamotor na muntikan na akong mabangga. Siya iyong lalaki na tatanga tangang magdrive.
“It’s you, iyong nagdrive ng motor na hindi ko alam kung paano nabigyan ng lisensya.” Lahat ng naandito at napatingin sa pagtatalo namin. Damn, I getting amlot of attention, huh?
“And so?” Bakit ba nag uubos ako ng oras sa kanya? Halata namang wala siyang kwentang kausap. Those dull eyes and blank expression, nakakairita. Ako lang dapat ang may ganoong ekspresyon.
“Bastos ka talaga ‘non? Hindi ka na nga marunong magdrive ay hindi ka rin naturuan ng mga magulang mo ng tamang ugali.” Kung bastos siya ay mas bastos akong kausap. Kung kanina ay ang lakas ng loob niyang taas taasan lamang ako ng kilay ay ngayon nakakunot na ang noo niya.
“At sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan?” Kwinelyohan niya ako. Halata ang inis at pagkairita sa mukha niya.
“Me? I’m just your worst nightmare.” Nakangising sagot ko. Nakita ko ang agarang pagngisi niya rin kaya’t nawala ang sa akin.
“Oh, really? Should I say that I am yours?” Binitiwan niya ako at dahan dahang lumapit sakin. Agad naman akong napaatras nang maramdaman ko na ang pader sa likod ko. Nagulat ako nang bigla niyang iharang sa gilid ko ang braso niya. “Do you want to give it a try? I should start giving you nightmare right now.” Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sakin at ako naman ay pilit ipinapalamon sa pader ang sarili kakaatras ko. Damn this bastard.
“What’s going on here?” Napatigil siya sa ginagawa niya nang marinig namin ang pamilyar na boses na iyon. He came! Thank goodness.
“K-Kuya!” Lakas loob kong itinulak ang lalaki at agad na tumakbo papalapit sa kapatid ko. Buti nalang ang dumating siya. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin kung hindi sumulpot ang kapatid ko.
“What’s happening here?” Muli siyang nagtanong pero walang sumagot. Napatingin siya sa lalaking kanina paako binubully bago magtaas ng isang kilay. “Kai?”
Tumingin ang lalaki sa amin bago ngumisi. Nagkibit balikat ito bago sumagot. “What? We’re just having fun.” Nag iba ang aura ni Kuya. Ibang iba siya kapag nasa bahay at kapag naandito sa school. Para ngang hindi siya ang kapatid ko.
“And you choose my sister to have fun with?” Seryoso niyang tanong. Kumunot ang noo ng bastos na lalaki bago dahan dahang lumapit samin. Tiningnan niya ak bago ituro.
“This brat is your sister, Cyrus?” Tila ba nagsisi si Kuya na sinabi niyang kapatid niya pero wala na rin naman siyang choice kung hindi tumango bilang sagot. Totoo namang kapatid niya ako.
“I told you, don’t you dare lay a hand on her.” Kalmado si Kuya pero ramdam mo ang diin sa tono ng pananalita niya.
“Come on, Cyrus. Hindi ako aware na siya ang kapatid mo. Isa pa, sino bang nagsimula at masyadong nagyabang dito? Ako ba? Why don’t you ask her? Binigay ko lang naman iyong hinihingi niya.” He grinned. Tumaas ang isang kilay ni Kuya kaya agad nawala ang smug na eskpresyon sa mukha niya.
“Okay fine, I’ll not lay a single finger on her. I’ll try to be nice to her.” gumiti ito at ngintian ako. “Sorry, that would not happen again.” Tinapik niya ang balikat ko bago lumapit sa bandang tenga ko. Bumulong ito. “But I will make you life a living hell for ruining the fun.” Ngumisi siyang muli na siyang nagpataas ang balahibo ko sa katawan. That guy is a monster!
Ano bang sinasabi niya? I didn’t ruin anything? Siya nga itong mayabang at hindi man lang marunong magsorry. Fine, he’s challenging me? I won’t back out. I can fight, and I give him a better show.