Chapter 11:

2186 Words
Miru’s Point of View “Like what I’ve said, I’m fine.” Ang sarap lang manapa sa mga oras na ito. Ano ba kasing ginagawa itong lalaking ito dito? “No, you’re not. You are obviously not, Ash.” Nagulat ako sa itinawag niya sakin. What did he just call me? “Kaisler, anong tinawag mo sakin?” Napatingin siya sakin na tila ba tinatanong ako kung anong problema ko. Wala akong problema pero… “Ash,” simpleng sagot niya. Muli ako napatulala sa kanya. Gulat na gulat akong marinig iyon mula sa kanya. I felt it. Something’s wrong with that nickname. Parang hindi tama? “No one ever calls me that, you’re the first or maybe not. It feels like, I already heard someone calling with that nickname, but I can’t remember who. Baka naman sa panaginip ko lang.” Nakita ko ang pagngiti niya. Napataas ang kilay ko. What a rare sight, huh? “Why are you smiling? You’re creeping me out.” Tumigil siya sa pagngiti at agad itong naglaho. This guy is weird. “Nothing. I just feeling it.” Nakita ko nanaman ang pagngiti niya. He’s strange. “I remember calling someone that nickname, too. At dahil mukha namang akma sa pangalan mo dahil may Ashleign ka sa pangalaman mo, why not call you the same nickname?” Tiningnan niya ako na para bang sinusuri akong mabuti. Bakit pakiramdam ko ay hindi si Kaisler ang kausap ko? “And I remember her in you.” Nagkibit balikat siya bago umiwas ng tingin. “Nasaan siya?” Nakakapagtaka, may kaibigan pala siya bukod sa mga basagulero niyang tropa. That news to me. Hindi agad nakasagot si Kaisler. Para bang biglang lumalim ang iniisip nila. Is she his first love? Para kasing iba ang inakto ni Kaisler nang mapag usapan siya. She’s not just someone to him, she’s special. “I don’t know. Maybe she’s not longer here. She’s gone.” Natahimik ako sa nakita kong reaksyon ni Kaisler. Parang bigla kong gustong bawiin ang itinanong ko. Dapat ata ay hindi ko na inungkat iyon. Ilang minuto kaming napalibutan ng katahimikan. Simula nang isagot iyon ni Kaisler ay hindi ko na nagawa pang magtanong. Kung nagtataka kayo kung bakit kami lang dalawa ang nag uusap, huwag na kayong magtaka. Hindi ba nga ay pinaalis silang lahat ni Kaisler? Pinagkaisahan nila Ellis si Brent at pinalabas ng kwarto. Sumunod naman sila Ate Cass sa kanila. Kami lang ni Kaisler ang naandito sa loob ng kwarto ko. Base sa nakikita ko ngayon, Kaisler might be a wild beast but he’s not that bad. Hindi siya ganoong kasama kagaya ng iniisip ko. He has this nice side, too. Lahat naman, eh. Everyone has this bad and good sides and there’s not exception. Ganoon din si Kaisler. It’s so unfair for him na nagjudge agad ako. “Can I ask you something?” Napatingin ako sa kanya at nakita ko naman na nakatingin din siya. Matipid akong ngumiti bago magsalita. “Bakit ganoon nalang ang galit mo kay Brent? Tapos gusto mo pa akong idamay.” Napailing siya sa sinabi ko. “I’m sorry, okay? Ilang beses ba ako dapat humingi ng tawad.” Oo, kahit nakakapagtaka ay nagsorry na siya sakin pero sakin lang. “Bakit nga?” Gusto kong malaman. How can I understand him kung ang dami niyang tinatago? Gusto kong maintindihan bakit siya nagkakaganito baka sa ganoong paraan ay hindi ko na siyang i-judge pa. Napahawak ako sa noo ko nang mahina akong pintik doon ni Kaisler. “You’re really not okay. You need to rest now o gusto mo ako pa ang magpatulog sayo?” Pilit na naman niya akong inihiga sa kama kahit na ayoko pa. “You’re avoiding the question. Bakit ayaw mo akong sagutin—” “Sleep.” I gulped. Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa pagtingin niyang iyong sa akin. “Seriously Kaisler—” “If you don’t want to sleep then shut your mouth and stop asking stupid questions or else, I will make you stop by kissing you. You choose but I prefer the latter.” Agad kong tinakpan ang bibig ko sa narinig. Kaisler is p*****t! “As expect from the not so innocent and good girl like you. why don’t you take off your mask? Hindi ka naman ganyang kainosente, hindi ba?” He’s teasing me. He’s being mean agaid like what he used to be. “I will go home now. Take some sleep. I will come back later.” Pinanood ko lang siyang lumabas ng kwarto ko. Is that man really the Kaisler I knew? I really can’t believe him. He’s so different na iisipin mong ibang tao talaga siya. He’s showing me he’s different side and I prefer it. Kaisler’s Point of View After leaving Miru’s room, I accidentally bumped into her brother. “Cyrus.” I tried to pull a smile as I greeted him, but he looks like he’s not in a good mood. I shrugged my shoulder and decided to leave him alone. I’m have no time to talk to him anyway. I’m too tired. I put a quite a show there. And, it’s not really my thing to stick my nose to someone else business. Gusto ko nang umuwi sa bahay namin para makita siya. Gusto ko siyang makita para masira ang araw ko. It’s been a long day and all I did is to pretend. Nakakapagod rin palang magpanggap. Pumunta ako sa parking lot at sumakay na sa kotseng dala ko nang may mahagip ang mata ko. Oh, what a sight, huh? Tss. Napangisi ako at sumakay sa loob ng kotse. Pinaandar ko iyon at nagbalak pang paharurutin iyon para sana sagasaan sila. Muntikan lang naman, wala pa akong balak tapusin ang lahat dito. I was just scaring them. Magsisimula palang ako sa lahat ng pagpapahirap ko sa kanila. Tumingin sila sakin kaya napangiti ako. Binuksan ko ang binatana ng kotse ko bago sumilip. “Sorry, I didn’t notice you two. Hindi ko inaasahang magkikita ulit tayo, Tito Cristoff. Alam talaga mundo kung paano sirain ang araw ko. Akala ko ang pagbabalak kong umuwi sa bahay ang sisira dito pero biruin mo, mas matindi pa ang pagkasira nito nang makita ko kayo?” Lalong lumaki ang ngisi ko nang makita ko ang reaksyon nilang mag ama. This is so satisfying. “Sayang. Napaginipan ko na to, eh. Is this what you called déjà vu? Base sa panaginip ko, sinagasaan ko daw talaga kayo. Pero naisip ko rin, where’s the fun? Hindi ba? Hindi kayo pwedeng mamatay na hindi iyo pa nararamdaman kung gaano kasakit ang ginawa niyo sakin.” Nginitian ko siya bago muli isara ang binatana at umalis doon. Tss, sobra sobra naman ang pagka init ng ulo ko ngayon. Tangina lang. Pag uwi ko sa bahay namin ay agad akong pumasok sa loob at doon ko nakita ang magaling kong amang saksakan ng katangahan. “Hey Dad,” bati ko sa kanya. Tumingin siya sakin. Halata ang pagkagulat. “Happy to see your son? Well, I am not.” Hindi mawala wala ang ngisi sa labi ko. Gusto ko talagang ipamukha sa kanya na hindi niya nagawang protektahan ang pamilya namin at isa rin siya sa sumira nito. Pare-pareho silang tanga. Wala akong galang? Well, this serves him right. Isa siya sa rason bakit ako ganito. Mahirap din masyadong maging mabait at iyon ang problema ng tatay ko, masyado siyang naging mabait. Lumapit ako sa sofa kung saan siya nakaupo at umupo sa tapat niya. “I brought some news. I saw you bestfriend by accident.” Lalo akong natuwa nang makita ko ang pagkagulat sa mukha niya. “You know, Cristoff.” Natawa ako nang tawagin ko mismo siya sa pangalan niya. Damn, that name can burn my tongue. Nanatili lang na nakatingin si Dad sakin. Ano ba naman ito. Hindi man lang ba siya magsasalita? “What’s with that look, Dad? You’re not happy? Akala ko pa naman magtatatalon ka sa tuwa dahil iyong lalaking sumira sa buhay natin pare-parehi ay muling nagbabalik—” “Kai, stop it.” Napatingin ako sa kanya. Nakita kong naiinis si Dad sa mga naririnig niya. Good. Nagsisimula palang akong sirain ang araw niya. “Bakit Dad? Did I say something that pisses you off? Kasalanan niyo rin naman hindi ba? Masyado kayong nagpapakatanga. Why don’t you just admit it? Kahit anong gawin niyong dalawa, hindi niyo na maaayos ang gulong kayo mismo ang nagsimula. For once, why don’t you stop pretending that everything is okay because we both know that it’s not. Hangga’t nabubuhay silang dalawa, hindi ako matatahimik. Hindi niyo na maibabalik pa ang lahat sa dati.” Tumayo na ako at naglakad patungo sa kwarto ko. Hindi pa man ako nakakalayo sa kanya ay muli akong nagsalita. “Dad, tigilan niyo na ang pagpapanggap. You’re not a saint nor a martyr. Stop making stupidity as a hobby. Why don’t you show it? That you are mad. Totoo naman, hindi ba? Katulad ko, galit ka rin sa kanila. Kinasusuklaman mo silang mag ama, hindi ba? Them who took away our happiness.” Muli ko siyang tiningnan. Hindi ko man makita ang ekspresyon ng mukha niya ngayon ay alam kong napapaisip siya sa lahat ng sinasabi ko. “Just like me, you want revenge. Your heart is full of vengeance and hatred. We have the same goal, Dad. Kasi nga, mag ama tayo. Your blood is flowing in my veins. We share the same ideals. It’s just that you don’t want to tarnish your name. Well for me, I am not afraid to anyone even death. Why don’t you lend me a hand and do what we need to do?” Hinarap ko siyang muli bago tapusin ang aking sinasabi. “That is…to finish him and destroy his family.” Umalis na ako matapos kong sabihin iyon. I don’t hold personal grudge against my father. Hindi ako galit sa kanya dahil masama siyang ama. Sa katunayan, masyado siyang mabait kaya ako galit sa kanya. Naiinis ako na nagpapakatanga siya at tinatanggap nalang lahat ng nangyayari na para lang hindi na lumaki pa ang gulo. Bakit siya? Bakit kami ang dapat makaramdam ng gaito gayong wala naman kaming ginawang masama? My dad just wanted to protect us, to protect our family, to protect me but it turns out that along the process of wanting to portect me, he created a monster. I became who I am now. Not in a lifetime that I will forgive Brent and Tito Cristoff. Sila ang dahilan kung bakit sa murang edad ay nawalan ako ng ina at ng pamilya. Sila ang punu’t dulo ng lahat ng ito. If I can’t destroy theby cutting the branches, then I will destroy the root itself. They are the roots. And I will do everyting I can to cut them down. Destroying their lives is what I lived for. I will torture them and make their life a living inferno. Tss, bumabalik na naman tuloy sakin ang lahat ng alaalang pilit kong kinakalimutan. Bakit sa dinami-rami ng tao siya pa? Bakit sa dinami-rami ng taong pwede kong kasuklaman ng ganito ay sa isa pa sa naging kaibigan ko? The world is cruel, and life is unfair. Yes, we were friends. We used to be. Natural lang na maging magkaibigan kami dahil matalik na magkaibigan din ang tatay namin dalawa. But that’s all history now. Hindi na maibabalik. sila ang sumira sa dating ako. Sila ang nagpabago sa paniniwala ko sa buhay. They are the reason why this monster existed. Though someone help me to change for a while. Her. “Ash,” Kung tutuusin wala na akong masyadong maalala tungkol sa kanya dahil sa isang aksidenteng nangyari noon. That’s fine with me. She will be a hindrance kapag naalala ko lang siya. Who nows, maybe she died during that accident or if she survived, I don’t have any idea about her whereabouts. “Mommy…” Nasuntok ko ang pader sa tabi ko. Galit ako sa mundo. Galit ako sa lahat. Hanggang hindi ako nakakaganti ay hindi ako matatahimik. Kung kailangan kong pumatay para lang matahimik ako ay wala akong pakealam. I’ll do everything even to that extent. Ready youself, Brent. I already set the stage for you and only for you and for you father. I will make it enjoyable because I am Kaisler Chase Martin, your worst f*****g nightmare.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD