Chapter 5:

2400 Words
Miru’s Point of View “M-Miru!” Dali dali siyang lumapit sakin at kinuha ang cellphone niya. Hindi pa rin ako nakakagalaw sa aking kinatatayuan. Hindi magsink in sa utak ko ang pangyayari. Hindi ko alam paano ko haharapin si Kuya matapos ng lahat ng narinig ko. “The hell are you doing? Bakit mo pinapakealaman ang gamit ko?” Tiningnan niya agad ang cellphone niya. Malalaman niyang sinagot ko iyong tawag na dapat para sa kanya. “Sinagot mo?” Halata ang kaba at inis sa boses ni Kuya. Hindi pa rin ako gumalaw at tulala pa rin sa mga nakuhang inpormasyon. Naririnig ko ang pagmumura ni Kuya sa tabi ko. Lakas loob ko siyang tiningnan. “K-Kuya…” Hindi ako makapaniwala na nanginginig ako ngayon. The idea of my brother being a gangster is just terrifying and a shock for me. Tiningna ako ni Kuya. Halata ang takot sa kanyang mukha. “You…are you a gangster? Tell me.” Ayokong marinig ang sagot. Ayokong malaman ang totoo pero gusto kong maliwanagan. Is he a gangster? Pero bakit?” Alam ni Kuya na takot ako sa mga gangster. I am traumatized kaya hindi ko lubos maisip na isa na siyang gangster ngayon. “Kalimutan mo nalang lahat ng narinig mo, Miru.” Hinagis niya ang phone niya sa kama at naupo dito samantalang ako ay nakatitig lang sa kanya na tila isang paralisado. “B-Bakit?” Hindi ko makontrol ang panginginig ko. Hindi ko maintindihan bakit siya gangster? Kailan pa? “Anong bakit?” Nakakunot noong tanong naman niya. “Bakit ka naging gangster? You know what happened to me kaya bakit? Paano?” Ang dami kong tanong pero hindi ko magawang makapagsalita ng maayos. “Miru, wala ka na doon. Isa pa may dahilan ako bakit ko ito pinasok. Lahat ng bahay na ginagawa mo ay may dahilan. Mahirap mang paniwalaan pero masaya ako sa ginagawa ko sa buhay ko kaya hayaan mo ako.” Tiningnan niya ako bago muling umiwas. “And stop looking at me like I’m a killer because I am not. I don’t do the dirty works.” “Alam ba ito nila Mommy?” Hinayaan siya nila Mommy? I can’t believe it. “Hindi. Bakit ko sasabihin sa kanila? It’s my life. I have my own decision. Hindi ako mapipigilan ng kahit na sino sa gusto kong gawin sa buhay ko. I control my life. Not you and not our parents.” Nanlilisik ang mga mata ni Kuya. Parang gusto ko na ring matakot sa kanya. Siya pa ba ang kapatid ko? Binawi ko ang sarili ko sa pagkakagulat sa lahat ng narinig. Tiningnan ko ng masama si Kuya bago lakas loob na sigawan siya. “You’re a gangster, Kuya! Nagawa mong ilihim samin ang lahat? Wala kang balak sabihin samin? Kung hindi pa kita nahuli ay hanggang nagyon wala kaming kaide-ideya sa mga pinaggagagawa mo sa buhay. You know what I’m feeling right now, Kuya? I’m scared. Natatakot ako sayo. Pakiramdam ko ay ibang tao ko, pakiramdam ko ay hindi ikaw ang kapatid ko.” Tinalikuran ko na siya at lumabas na ng kwarto niya. Hindi ko alam kung magagawa ko pa ulit siyang kausapin sa lahat ng nalaman ko. Agad akong pumasok sa kwarto ko at nagkulong nalang doon. Ayoko munang kausapin ang kahit na sino. Ano pa bang inililihim nila sakin? Bakit pakiramdam ko ay ang dami kong kailangang malaman pero walang nagsasabi sakin ng totoo. Simula kahapon ay pilit kong iniiwasan si Kuya. Ayoko muna siyang makita o makausap. Naandito pa rin iyong takot ko na baka hindi siya ang kapatid ko. What if, ganoon na nga? People change, hindi ba? Both in good and bad ways. Hangga’t hindi niya ipinaliliwanag sakin ang dahilan bakit siya nagkaganito, wala akong balak kausapin siya. Maaga akong umalis ng bahay namin para lang maiwasan si Kuya at ganoon na rin ang mga sasalubong na katanungan ng mga magulang namin. Alam ko naman na nakakahalata na sila at kapag nagtanong sila sakin ay alam kong wala akong maisasagot sa kanila. Wala pang masyadong tao sa school dahil sobrang aga pa talaga. Mag isa pa lang ako dahil wala pa si Zuri dito para samahan ako. I bet, mamaya pa siya dadating. Lumabas muna ako ng campus at pumunta sa isang convenience store na malapit lang sa school namin. Bumili ako ng chocolate para marelax ako. Nang makapagbayad ako ay muli akong bumalik ng school. The heck, pinagot ko lamang ang sarili ko. Pwede naman akong bumili nito sa cafeteria. Habang naglalakad ako ay may kung anong ingay akong narinig na siyang nakakuha ng atensyon ko. Napalingon ako sa maliit na eskenita malapit sa kinatatayuan ko. Nagkibit balikat nalang ako bago sana maglakad muli kaya lang… “Doing the same thing everyday, huh? Aren’t you tired of this?” Napatigil ako sa aking paglalakad. That voice is so familiar. Ayokong isiping sa kanya iyon pero imposible naman na hindi kaya ang boses na iyon. Damn, nalilito ako sa sarili ko. Dahan dahan akong naglakad papalapit doon at sumilip. Nagtago pa rin ako dahil baka kung ano na palang nangyayari doon at madamay pa ako. Hangga’t maaari ay gusto kong makalayo sa gulo. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang lalaki. Sinasabi ko na nga ba, eh. Imposibleng magkamali ako. “Die now.” Susuntukin na sana niya ang pamilyar na lalaki pero agad akong tumakbo para pigilan siya. “Stop! Don’t hurt him!” Humarang ako sa pagitan ng dalawa. Tumigil sa ere ang kamao ng lalaki. Tiningnan ko siya at laking gulat ko nang makita ko ang isa sa dapat ay iniiwasan ko dito sa mundo. Kapag minamalas ka nga naman. “Please, huwag mong sasaktan si Brent.” Bakit ba ako nagmamakaawa sa lalaking ito. Parang kahapon lang ay inaaway ko siya. Nilingon ko si Brent para malaman kung okay lang ba siya. “Are you okay?” Halata ang pagkagulat ni Brent nang makita ako. Tumango siya bilang sagot. Oh, friends?” Napabuntong hininga ako. s**t! Bakit ba kailangan ko siyang makita ngayon? Pwede bang iba nalang? “We meet again, eh? You really love to ruin the fun, huh?” Nakangisi nitong sabi habang titig na titig sakin. Bakit ba ako kinikilabutan sa mga ngisi niyang iyon. “K-Kaisler,” hindi ko magawang kumilos sa kinatatayuan ko. Sa mga titig na ibinibigay niya ay para bang sinusunog niya ang kaluluwa ko. “Oh, so you know me?” Lalong lumawak ang pagngisi niya. Bakit ba ganito itong lalaking ito? Akala mo ay demonyo. Hindi ako nagsalita at nilalabanan lang ang kanyang pagtingin sakin. “I didn’t do anything bad to you because your brother told me not to but meddling my business with him is another story. You will pay.” Itinagilid niya sa kanang bahagi ang kanyang ulo at tinitigan ako. Kung kanina ay nanlilisik ang mata niya, ngayon naman ay malamig at blangko lang siyang nakatingin sakin. “Kai, huwag mo siyang idamay dito.” Sumabat na si Brent nang namumuo ang tensyon saming dalawa nitong lalaking akala mo papatay gamit ang mga mata niya. “Sana sinabihan mo iyang kaibigan mo na hindi dapat siya nangengealam buhay ng ibang tao. It’s too late now. You two will pay big time. Brent for destroying my life and you for destroying my mood.” Grabe, ang lala ng ugali ng isang ito. Sobrang komplikado niya. “Kaisler, hindi kita nilalabanan dahil alam kong malaki ang galit mo sakin. Maybe I deserve your punches for that pero ang idamay mo dito si Miru, hindi ako makakapayag.” Tumaas ang sang kilay ni Kaisler sa narinig bago tumawa ng malakas. Iyong tipong mapang asar at sarkastiko. “Oh, how scary. Dapat na ba akong matakot? Pagbabanta na ba iyon sayo? Come on, give me your best shot. This would be fun.” Napaatras ako nang magtangka lumapit si Kaisler kay Brent. Napasandal naman ako kay Brent. Nagring ang telepono niya kaya’t napatigil siya. Napakunot ang noo niya habang tinitingnan iyon. “You’re still lucky, Brent Kiefer but the next time I saw you, you’ll be a dead meat.” Umalis na siya matapos niyang makita kung ano man ang dahilan ng pagba-vibrate ng phone niya. “Hoy!” Napatigil si Kaisler sa paglalakad nang tawagin ko siya. Lintik na bibig ito. Ayaw tumigil. “How dare you?! Sino ka ba para tratuhin kami ng ganito? How dare you to give us threats? At akala mo natatakot kami sayo? Ang kapal lang talaga ng mukha mo, ‘no? Wala ka na ngang manners akala mo pa kung sino kang hari. Ano nalang sasabihin ng parents mo kapag nakita ka nilang ganito? Hindi ka ba natatakot na kasuklaman ka nila?” Whatever. I said what I need to say. “Miru!” Hinawakan ni Brent ang braso ko para patigilan ako pero pasensya siya, nasabi ko na lahat and I don’t care if I offended him. He deserves it. Napatingin ako kay Brent at halatang nagulat siya sa aking sinabi kay Kaisler. What now? Narinig ko ang nakakabinging tawa ni Kaisler. “You know, you keep on ruining my mood and I admire you for that. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob mo. Dahil baa lam mong kapatid ka ni Cyrus o sadyang ganyan ka katapang dahil hindi mo alam kung sino itong kinakalaban mo? You really have a smart mouth, aren’t you? It’s rare for me to give compliments ad when I do, I’ll give them rewards. Mark this day, you’ll receive the reward soon and even your brother can’t do anything to stop me.” Maglalakad na sana siya papalayo nang muli siyang magsalita. “And about my parents? You don’t have to worry. Kung kasuklaman man nila ako, mas kinasusuklaman ko sila. Walang tatalo sa pagkamuhi ko sa kanila.” Lumingon siya bago ngumisi at tiningnan si Brent. “Right, Brent?” Nilingot ko si Brent pero agad siyang nag iwas ng tingin kay Kaisler. Hindi na ako nakapagsalita pa at nakita ko nalang na nakaalis na pala si Kaisler. What the heck is wrong with that man? Ang gaspang ng ugali niya. Sobra sobra ba ang galit niya sa mundo at parang sinusumpa niya nalang lahat ng tao sa paligid niya? “Miru…” Napalingon ako sa kanya. Damn it. Halos makalimutan kong naandito nga pala siya. “Brent, okay ka lang?” Ngumiti siya sakin bago tumango. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya. Mukha namang wala itong natamong sugat. “I’m fine. Hindi naman ako nasaktan ni Kai dahil bigla kang dumating.” Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng pagkahiya. Bakit nga ba ako nahihiya? Wala namang kahiya hiya sa ginawa ko. Nawala ang mga ngiti ko sa labi nang makita kong sumeryoso ang mukha ni Brent. “Huwag mo na ulit gagawin iyon, ha?” Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya pero sa tingin ko ay ang tinutukoy niya ay iyong pangengealam ko sa kanila. “But he’s wrong. Mananakit siya ng taon dahil gusto niya lang? Wala ka namang ginagawa sa lalaking iyon ah? Ano iyon, kapag gusto niya pwede siyang basta nalang manuntok ng kung sino? Come on, give me a break.” Nginitian lang ako ni Brent sa sinabi ko. I have a point naman, hindi ba? Mali naman talaga iyong Kaisler na iyon. Bakit ba kasi sila takot na takot sa lalaking ‘yon? “Nakakahiya, sa ganitong pagkakataon pa tayo nagkita.” Napakamot sa ulo niya si Brent. Halatang iniiwasan niya ang tungkol sa nangyari kanina kaya hinayaan ko nalang din at sinakyan ang topic na ibinigay niya. Wala namang dapat ikahiya. “It doesn’t matter. Ang mahalaga ay nagkita tayo.” Gumaan gaan ang tensyong meron sa paligid kanina dahil sa nangyari sa kanila ni Kaisler. Kakabit ba talaga ng pangalan ng lalaking iyon ang gulo? Inobserbahan kong mabuti si Brent. Napataas ang isang kilay ko nang mapansin kong iba ang kanyang uniporme. Wait, hindi ba siya sa Easton nag aaral? “Brent, hindi ka ba sa Easton napasok?” Umiling siya. f**k, sobrang nakakadismaya. “No, sa Elliot University ako nag aaral.” Sagot niya naman. Damn this is upsetting. “Sayang naman, akala ko ay sa Easton ka nag aaral.” At iniisip ko na kaya hindi kami nag aaral ay dahil sa laki ng school. sa ibang school pala siya napasok. No wonder hindi ko siya makita kita sa Easton. “Okay lang iyon basta ba magkikita tayo kapag may free time tayong dalawa.” Ngumiti siya sakin. kahit kailan ay ang lambing ni Brent. Akala mo ay hindi makabasag pinggan, eh. “Anyway, you take care, okay? Alam kong babalikan ka ni Kaisler dahil sa nangyari kanina lalo na’t nasa iisang school lamang kayo. Nararamdaman kong may hindi siya magandang binabalak laban sayo.” Nawala ang mga ngiti niya sa labi. Hindi ako takot kay Kaisler, okay? Tumango nalang ako. Alam ko naman na nag aalala lang siya. “I’ll be fine. Ako pa ba? Kilala mo naman ako, hindi ba? Hindi ako magpapatalo o magpapaapi sa mga bully sa school. Kaya ko si Kaisler, you don’t have to worry.” Matipid na ngumiti si Brent. Hindi mo pa rin maiaalis sa mukha niya ang pag aalala. “Alam kong matapang ka Miru pero iba si Kaisler. Hindi mo alam kung anong kaya niyang gawin. Mag iingat ka basta. Ibang makipaglaro si Kaisler. He’s a gangster afterall.” Nanlaki ang mata ko sa narinig. Is he for real? Tama ba ang narinig mo? “What did you say about Kaisler?” Halatang nagbigla rin si Brent kaya agad itong umiling. Nginitian niya ako bago ayusin ang sarili at kunin ang bag na nakakalat sa sahig. “Ihahatid na kita sa school mo.” Hindi na ako umangal at sinundan na lamang si Brent. Siguro nga ay mali ang pagkakarinig ko sa sinabi niya. Hindi naman imposible pero hindi rin posible, hindi ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD