Ellis' Point of View
“Anong sinasabi mo diyan? Hindi ba ay nasabihan ka n ani Kuya Cyrus na huwag mong isali ang kapatid niya?” Nagulat ako nang bigla nalang nagpakita si Kai sakin at sabihing may laro siyang inihahanda.
Chasing the Trouble.
He’s the trouble at ang target niya ang tatayong player at kapag nagdesisyon siya sa mga laro niya sa buhay, no one can stop him. He’s merciless. Wala siyang pakealam kung anong mangyari sa target niya in the process. This time two players ang napili niya.
Ang sabi ni Kai ay si Miru daw iyong isa the other player, ayaw niya pang sabihin. Kahit kailan talaga ay walang kinatatakutan ang isang ito.
“Seryoso ka ba, Kai?” Maging si Chester ay hindi makapaniwal. we don’t want to mess with Kuya Cyrus’ group. That will be our end, maybe not for Kaisler pero paano naman kami?
Lumawak ang pagngisi ni Kai. “Bro, magagalit si Cyrus sating niyan.” Maging si Lay ay nakisali na rin sa usapan. Alam mong seryoso na ang sitwasyon kapag maging siya ay nakisali na.
Tumayo sa pagkakaupo niya si Kai at humarap samin. Malaki pa rin ang ngisi nito. Halata mong walang siyang kinatatakutan. “Alam niyo naman na paborito ko itong laruin, hindi ba? Don’t ruin my fun. Akala ko ba kaibigan ko kayo. Dalawa sila ngayon kaya paniguradong mas masaya. The more the merrier. Another thing, hindi ako nagkulang sa warning pero ano? Hindi ba’t matigas ang ulo ng babaeng iyon?” Napailing nalang ako. Mukhang wala na talagang makakapigil sa kanya. “Kadikit ng pangalan ko ang salitang Chase at kadikit ng pangalan ng grupo natin ang salitang trouble. They choose to mess up with me, I’ll play with them. That’s how life works kapag kinalaban mo ako.”
“Pero si Kuya Cyrus ang kinakalaban natin dito, Kai. Paano kapag nalaman niya?” Pagkontra ko sa plano niya. Totoo naman ang sinasabi ko. Who knows what he will do to us? Mahal na mahal ni Kuya ang kapatid niya kaya ng pinasok niya ang mundong hindi naman dapat pinapasok.
Bakit nga ba niya pinasok ang gangster world? Not for me to tell. Hindi ako nagsasabi ng sekreto ng iba. Isa pa, wala naman akong ganoong kalam sa dahilan. Isang reason kung bakit ay dahil na rin nga sa kapatid niya. Si Kai, dahil sa nakaraang meron siya. Dahil siguro sa nangyari ten years ago. I don’t know the details though. Everyone here chooses to enter this world because of their own reasonings and circumstances.
“Hindi niya malalaman kung walang makating dila ang magsasabi.” Hindi niya nakukuha ang punto ko—ang punto namin. Kahit hindi kami magsalita, eventually he will know. “Kaya naman—” Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ng tambayan namin. Nakita ko ang nanlilisik ang mga matang si Kuya Cyrus. f**k! Ito na nga ba ang sinasabi ko.
“What the f**k, Kaisler! I thould you not to lay a finger on her.” See? Wala pa man ay nalaman na niya.
“Who told you?” Hindi ko alam kung sadyang inosente si Kai o tanga siya paminsan minsan. ang obvious naman ng sagot sa tanong niya.
“No one. Hindi ko balak pakinggan kayo pero narinig ko lahat.” Aniya.
Bumuntong hininga si Kai. Wala na siyang choice kung hindi ang mag explain nalang at iurong ang plano niya.
“I told you, Kuya Cyrus. Kung hindi ako pakekealaman ng kapatid mo ay hindi ko siya gagalawin. Wala naman na talaga akong balak pang kalaruin iyang kapatid mo, eh pero hindi ko na mapapalagpas ang ginawa niya kanina. She just interrupted my business with that f*****g dumbass.” Ngayon alam ko na kung bakit. Alam ko si Brent ang dahilan kung bakit galit na galit siya ngayon at desperadong sa balak niya.
“You can’t blame her for that. Brent is a close friend of my sister. Wala siyang alam sa kung ano mang meron sa inyo kaya huwag mo siyang idamay.” Kumalma ng kaunti si Kuya Cyrus. Kung pareho nilang paiiralin ang init ng ulo nila, malamang magkakaroon ng away dito.
“At wala rin akong pakealam sa kung ano mang relasyon ang meron sila. My point here is, I already gave you a warning, Kuya Cyrus at alam kong pinagsabihan mo na rin ang kapatid mo pero panay ang sira niya sa diskarte ko. Kapag hindi mo pa siya nagawang pigilan, pasensyahan tayo pero wala akong pakealam kung kapatid mo siya. I will drag every single person who keeps on blocking may way to succeed in my plans. Alam niyo naman kung kaya kong gawin, hindi ba lalo na at involve si Brent, hindi ba?” Muling ngumisi si Kaisler. Nag iwas nalang ako ng tingin. Ano ba naman itong si Kai. Hangga’t maaari ay ayokong kalabanin sila Kuya Cyrus.
But I can’t blame him lalo na at si Brent ang pinag uusapan natin dito. Walang pakealam si Kai kung sinong mabubunggo niya para lang makamit niya ang pagtatanggumpay niya sa plano niyang pabagsakin si Brent. Kapag iyong taong iyon na ang kasali sa usapan, walang ibangtumatakbo sa utak niya kung hindi ang gumanti. I know that revenge is not a good idea, but no one can blame him for his vengeance. You don’t know his story and his past and all the sacrifices and sufferings he went through para lang makasurvive sa lahat lahat ng pinagdaanan niya.
“Kapag hinayaan kita, masasaktan ko ang kapatid ko.” Seryosong sabi ni Kuya Cyrus. Nilapitan siya ni Kai.
“Then you choose, Kuya. You will hurt her, or I will be the one to destroy her. Oh, should I make her choose between pain and pleasure—” Napatigil si Kai nang itulak siya ni Kuya Cyrus. Napatayo kami. I smell a brewing fight damn it.
“Just try, Kaisler. Ako mismo ang sisira at magpapabagsak sayo.” Ngayon ko lang nakitang ganito si Kuya Cyrus and I will lie kapag sinabi kong hindi ako natatakot sa kanya. Hindi ganitong makipag usap si Kuya noong wala pa si Miru, noong hindi pa siya umuuwi.
Natahimik ang lahat at walang nagbalak magsalita matapos magbanta ni Kuya Cyrus. Bigla nalang tumawa si Kai na siyang ikinabigla namin. He can laugh even in this situation. What a guy. “I’m just kidding. Alam mo naman na hindi ko iyong gagawin, hindi ba? Isa pa, alam mo naman na sa lahat, ikaw ang hindi ko pipiliing kalabanin. Kaya nga hangga’t maaari nagiging mabait pa ako sa kapatid mo at binibigyan ka ng option.” He’s not scared at all. Kaya niyang kalabanin si Kuya Cyrus it’s just that alam niyang hindi pa ngayon ang oras para kalanabin siya.
Naglakad na si Kai papalapit sa pintuan ng tambayan namin pero hindi pa man niya nabubuksan ito ay muli siyang nagsalita. “Kuya, you know me better than anyone else. You know a part of me na kahit ako ay hindi ko kilala. Alam mong kapag nagbitaw ako ng isang salita ay hindi ko na iyon binabawi pa ulit kaya hangga’t maaari ikaw na ang gumawa ng paraan para huwag masaktan ang kapatid mo. Ilayo mo siya kay Brent kung ayaw mong idamay ko siya at masira ang pagkakaibigang meron tayo.” Umalis na siya matapos niyang sabihin iyon.
Tinitigan lang namin si Kuya Cyrus na tila na-estatwa sa kanyang kinatatayuan. “Kuya…” Lumapit kami sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. I’m curious. What will be his next step?
“Kilala natin si Kai kaya hangga’t maaari ikaw na ang gumawa ng paraan para ilayo ang kapatid mo kay Brent.” Paalala ni Chester. Napaatras kami nang sinuntok ni Kuya Cyrus ang pader.
“I don’t know what to do. Should I really hurt my sister for his stupid revenge? Tangina talaga niyang si Kaisler, lahat nalang ng maisip. Nakakapota talaga.” Tiningnan ko nalang ang sahig at tinitigan ito. Ayoko sanang magsalita pero…
“Kapag wala ka namang ginawa, alam natin si Kaisler ang kikilos. Kapag wala tayong ginawa, baka mas mapahamak pa si Miru.” Sabi ko sa kanya. Tiningnan ako ni Kuya Cyrus. Hindi ito ang oras para matakot sa kanya.
“Will you guys help me?” Nagkatinginan kaming magkakaibigan. Maybe this is for the best.
“Gagawin namin ang lahat para makatulong sayo. Ilalayo natin ang kapatid mo kay Brent.” Ani Lay.