Cyrus’ Point of View
“Kaisler,” agad kong hinabol ang grupo nila Kai nang umalis ito matapos niyang pagtripan ang kapatid ko. Kinabahan ako bigla. Tama bang pinakilala ko si Miru na kapatid ko sa kanya?
Matagal ko nang kilala si Kaisler at alam kong binabalikan niya lahat ng taong naninira ng araw niya at base sa nasaksihan ko kanina ay sinira ni Miru ang mood ni Kai.
Tumigil siya sa paglalakad bago ako harapin. Nilingon niya ang mga kasama. “Maunan na kayo.” Nagkatinginan pa sila Ellis bago sila umalis at iwanan kaming dalawa ni Kai. Muli siyang tumingin sakin para magtanong.
“I know that Miru pissed you off…” napatigil ako sa pagsasalita nang itagilid niya ang ulo niya at magtaas ng kilay. Halata ang pagtataka sa kanyang mukha.
“Who’s Miru?” Great, buti naman at wala pa siyang alam. Nakalimutan ko ring paalalahanan na wala siyang pakealam sa pangalan ng mga taong hindi siya interesado. I bet he’s not interested with mysister to remember her name. That’s good news for me…for us.
“My sister.” Simpleng sagot ko. Naghugis O naman ang kanyang bibig sa narinig bago tumango tango.
“Iyong babae kanina?” Parang napaisip pa siya habang sinasabi iyon. May pagkagago talaga ito pagminsan. I told that I know ever since, and I know how rude and harsh he is. We’re friends pero kaya niyang banggain maging kaibigan niya kapag alam niyang sagabal sa kanya.
“Yeah,” Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Alam kong hindi niya gagalawin o sasaktan si Miru hangga’t naandito o nakikita ko ang galaw niya. Bantay ko rin si Ellis dahil sila ni Kai ang laging magkasama pero kapag hindi ko naabot si Miru ay natatakot ako na baka may gawin sa kanyang hindi maganda si Kai.
Iyon nga ba ang kinakatakot ko o may iba pang dahilan.
“What about her?” Huminga ako ng malalim bago sagutin ang katanungan niya.
“Don’t touch her. Huwag mong sasaktan ang kapatid ko.” I don’t what will happen in our friendship. If I destroy it in the process for protecting my sister, I don’t give a f*****g damn about it.
Nagtititigan lamang kami ni Kai. Hindi siya sumagot. Sinasabi ko na nga ba, eh. May binabalak siyang gawin kay Miru. Napatigil ako nang makita ko ang pagngisi niya. Dahan dahang tinaas ni Kai ang kanyang kamay na para bang sumusuko siya.
“Okay, I surrender. Basta at pagsabihan mo iyang kapatid mo. You know me Cyrus. I hate spoiling the fun. I have no heart for the weak.” Sarkastiko siyang ngumiti sa akin bago magpaalam. “See you around.”
Pinanood ko lang maglakad papalayo sa akin si Kaisler habang iwinawagayway niya ang kanyang kamay sa ere. Yes, he has no heart for the weak. He is a monster afterall.
Kahit na magkaibigan kaming dalawa at marami akong alam sa tungkol sa kanya maging ang nakaraan niya, pakiramdam ko ay malaki pa ring parte ni Kai ang hindi ko nalalaman. Kahit babae ay hindi siya naaawa. I hate to admit pero baka nga may sinabi si Miru para maoffend ng ganito si Kai. Maybe, he said something about his damn family.
It’s not my part to tell about Kaisler’s back story kaya hindi na ako magsasalita. Isang advice lang ang maibibigay ko kay
Even though we're friends and I know his secrets especially his past he's still a mystery. Kahit babae hindi sya naaawa. Paano nasira ni Miru yung mood ni Kai? Simple lang malamang binaggit nya ang about sa family nito.
Miru’s Point of View
“Miru, what did you say to him? Did you offend him?” Halata ang pag aalala ni Kuya sa kanyang mukha. Hindi ko maintindihan kung bakit ba siya masyadong nag aalala. Akala niya ba magpapabully ako sa mga estudyante dito?
“Sa pagkakaalala ko ay wala akong sinabing mali sa kanya. Siya nga itong mayabang. He’s the same guy na muntikan na akong masagasaan dati!” Para namang wala siyang pakealam sa sinasabi ko. Pakiramdam ko ay iba ang pinupunto niya dito.
Hinawakan ni Kuya ang aking braso bago ako tingnan ng diretso. “Don’t get yourself into trouble, Miru. I don’t want you to get invove to anyone here especially to him. I want you to have a normal, peaceful and happy college life. Huwag mo nalang lapitan si Kaisler. Of all people siya iyong gusto kong layuan mo. Kausapin mo na si Ellis at ang iba pa pero huwag si Kaisler at ang iba sa kagrupo niya.” At bakit? May kasalanan pa sakin ang lalaking iyon. Isa pa, hindi ako titigil hangga’t hindi ko naipapahalik sa bato ang nguso ng lalaking iyon. That will satisfy me.
“Kapag sinabi kong wala akong pakealam sa sinasabi mo at hindi ako natatakot sa kanya—”
“Miru, just for once pakinggan mo ako bilang kuya mo. Lumayo ka sa kanila at makakalayo sa gulo.” Mahinahong paalala niya sakin. Si Kuya ba talaga ito? Bakit nakakapaibago ang way of talking niya?
“Ano ba kasing meron sa kanila at parang takot na takot kayo sa kanila lalo na sa Kaisler na iyon?” Huminga ng malalim si Kuya bago tumingin sa paligid bago sakin. Napataas ang kilay ko sa pagtataka sa mga kinikilos niya.
“I am not afraid of him, Miru. Hindi ako natatakot para sarili ko, natatakot ako para sayo. Just stay away.” Hindi ko pa rin siya maintindihan. Pakiramdam ko ay may itinatago pa siya sakin at ayaw niya iyong sabihin sakin.
“Sino ba sila, Kuya? Why all of you are acting like they are royalties. Come on.” Humalukipkip ako bago umirap sa hangin. This is frustrating.
“The less you know, the better. So, don’t stick your nose to where it does not belong. This will be my first and last warning for you, Miru. Huwag kang lumapit sa gulo baka pati ako ay walang magawa para sayo.” Tinapik ni Kuya ang balikat ko. Sinenyasan niya ang mga kasama niya bago niya sundan mag isa iyong lalaking ignorante.
Nakakunot noo ko lang pinagmamasdan ang si Kuya habang naglalakad papalayo. Bakit ba ayaw niyang ipaintindi sakin ang sistema ng school na ito? Bakit kailangan pagpaisipin pa ako? Naglalaro tuloy ang utak ko sa mga sinabi niya. Tama bang dito ako pumasok? May mali ata sa school na ito, eh.
Sino ba talaga iyong lalaking iyon? Anong meron sa grupo nila at parang kinatatakutan sila ng lahat? Isa pa, he looks very familiar. Para bang nakita ko na siya dati. No, that’s impossible.
“Miru, are you okay?” Napalingon ako nang bigla akong kuhitin ni Zuri. Nakalimutan ko na naandito nga pala siya sa dami nang iniisip ko. Ngumiti ako sa kanya bago tumango.
“I’m fine.” Bumuntong hininga ako. Liar.
“Nagugutom ka na? Tara muna sa cafeteria. Mamaya pa naman ang klase natin.” Tumango nalang ako bilang sagot. Bigla akong nawalan ng gana. Ang dami kong katanungan pero alam ko naman na walang sasagot nito. May alam kaya si Zuri? Should I ask her?
Nang makarating kami sa cafeteria ay wala pa namang masyadong tao. Maybe, may klase iyong iba kaya wala pang katao tao dito.
“Zuri, ano nga palang tawag sa grupo nila Ellis?” Panimula kong katanungan sa kanya. Hindi talaga ako pinapatahinik ng isipan ko sa mga katanungang iniwan ni Kuya sa utak ko. Napatigil siya sa pagkain niya bago mapatingin sakin.
“Interesado ka sa kanila?” Nagkibit balikat lamang ako. Hindi ko rin naman alam ang isasagot sa kanya. Ngumiti lang si Zuri bago rin magsalita. “Well, their group name is Shinigami. You knowthe god/s of death. The group composed of four members which are Kaisler, their leader, Chester, Lay and Ellis.” Tinanong ko kung anong tawag sa grupo, wala akong pakealam sa pangalan ng mga miyembro.
“So, bakit Shinigami ang tawag sa kanila? Sabagay mga mukha nga silang kamatayan.” Natawa si Zuri sa aking sinabi bago mag isip sa isasagot sakin.
“Hindi ko rin alam bakit Shinigami ang tawag sa kanila, eh. Try to ask your brother maybe he knows besides close friends naman sila.” Oh? Close sila ni Kuya? Bakit parang isang malaking threat ang turing ni Kuya sa Kaisler na iyon.
“Are they kings? Bakit parang iba ang trato ng mga estudyante sa kanila? Sa kasamaan ng ugali ng leader nilang iyon? They don’t deserve the respect.” Sa tuwing naaalala ko ang pagmumukha ng lalaking iyon ay sumasakit ang ulo ko at nag iinit ang dugo. Nakakabadtrip talaga.
“Well, oo. High school pala ay ganyan na sila kung itrato dito. Siguro kasi takot ang karamihan sa kanila? They are fearsome. Bukod kasi sa makakapangyarihan ang pamilya nila lalo n ani Kaisler ay gwapo rin sila. Alam mo naman, kapag gwapo sikat.” Seryoso ba? Ganyan kababaw ang depinisyon nila ng gwapo? Gwapo na iyan sa kanila? Not because you are good looking is enough to be consider as handsome. You need to consider the traits and personalities, as well. Sa ugali na ipinakita ng Kaisler na iyon, sobrang bulok, eh.
“Highschool palang ay iba na iyong kasikatan ng grupo nila Ellis kaya noong nagcollege alam na ng lahat na sa kanila ipapasa nila Kuya Cyrus ang titolo. Sila Kuya Cyrus kasi ang pinakakinatatakutan ang nirerespetong grupo dito noon. Kahit hanggang ngayon naman ay ganoon pa rin ang turing sa kanila kaya lang dahil ipinasa na kila Kaisler ang titolo ay mas lumamang lang ng kaunti ang impluwensya ng grupo nila sa school kaysa kila Kuya Cyrus pero they are good friends.” Pagpapaliwanag ni Zuri.
“What are they? I mean paano nabubuo ang mga grupo grupo dito?” Nakakagulo kasi, eh. Bakit may mga titolo titolo pa at involve talaga si Kuya dito? Lalo lamang akong naguguluhan sa mga naririnig ko.
“I don’t know. Hindi naman ako nangengealam sa kanila, eh. Sabi rin kasi ni Ellis ay huwag na daw akong makisali at baka mapag initan lang ako. Kahit parte siya ng pinakasikat na grupo ngayon dito sa campus ay hindi siya nakakasigurado kung mapo-protektahan niya ako. Kaya up until now, hindi ako nakikigulo. Hindi rin naman nila ginugulo ang buhay ko.” Nagkibit balikat si Zuri bago magbigay ng matipid na ngiti.
Hindi ako kuntento sa mga nalaman ko. Hindi pa rin nasagot ang katanungan ko. “Alam mo, Miru kung may gusto kang malaman, mas magandang sa kapatid mo nalang ikaw magtanong kasi panigurado akong mas may alam iyon kaysa sakin. Paniguradong may isasagot siya sa mga katanungan mo pero kung ako sayo, mas mabuti pang wala nalang ako alam. Mas maganda kung huwag mo nalang pasukin ang mundo nila. Baka hindi ka na makalabas.” Nginitian niya ako bago kainin iyong binili niya.
Iba talaga kapag first day of class, sobrang nakakatamad. Puro introduction lang nag professors wala man lang napala.
“How’s your day?” Iyon ang salubong sakin ng aking ina nang makita niya ako. Nagkibit balikat lamang ako dahil hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.
“Fine, I guess.” Okay na sigurong iyon ang isagot. At least safe.
“Good. May mga kaibigan ka na siguro?” Tumango nalang ako. Hindi pa ba obvious ang sagot.
“Yes, si Zuri.” Talaga namang si Zuri lamang ang kakilala ko sa school. Wala na rin naman akong pakealam sa iba. Hindi sila importante sa buhay ko.
Nang paakyat na sana ako ng hagdaanan ay may naalala akong itanong. “Dad, si Kuya po?” Hindi ko siya titigilan hangga’t hindi niya nililinaw ang lahat. Kung ako sa kanya ay ipapaintindi ko ang sitwasyon para maiwasan kung ano man ang dapat iwasan.
“He’s in his room.” Matipid akong ngumiti sa kanila bago dumiretso sa kwarto ni Kuya. Alam kong magagalit siya sakin pero bahala na. That Kaisler guy seems familiar. Pakiramdam ko ay hindi lang noong muntikan na niya akong masagasaan ng motor ang una naming pagkikita. Pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kilala.
Binuksan ko agad ang pintuan ng kwarto ni Kuya. Hindi na ako kumatok since hindi rin naman siya ako binibigyan ng privacy. Quits lang kami.
“Kuya,” matipid kong pagtawag sa kanya. Nakita kong nakahiga lang siya sa kama niya at may kausap sa telepono niya. Oh, so he’s busy pala.
“I’ll call you later.” Ibinaba niya na ang telepono niya bago nakakunot noo siyang tumingin sakin. “Bakit?”
“I just want to ask you something. Alam kong pinagsabihan mo na ako na lumayo ako sa kanila lalo na sa lalaking iyon pero there’s something that keeps on pushing me to ask you questions.
Lalong naging seryoso ang kanyang mukha sa narinig.
“If this is about them again, don’t try to ask me because I won’t answer any of your questions. Give you self a favor and stay out of it, Miru.” Kalmado pero may diin nitong sabi sakin. Lumapit pa ako sa kanya. Hindi ako basta basta titigil sa pagtatanong.
“Bakit Shinigami ang tawag sa grupo nila Ellis?” Binalewala ko iyong sinabi niya sakin at pinilit pa ring magtanong. Mag init na ang ulo niya kung gusto niya pero hangga’t wala siyang sinasagot sa mga tanong ko hindi ako titigil.
Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Kuya. Halata ang pagkagulat sa kanyang ekspresyon. “The hell are you asking, Miru? Naririnig mo ba ang sarili mo? Where did you hear that?!” Nagulat ako sa way nang pagsagot ni Kuya. Alam kong ayaw niyang mangealam ako pero he’s way over reacting!
Nagkibit balikat ako. “School.” Totoo naman na narinig ko iyon sa school. Hello, everyone’s talking about them. What do he expect?
“If you want to have a peaceful life, stay out of it. Hindi ka matutuwa kapag inalam mo pa kung sino sila lalo na si Kaisler.” Hindi ko siya maintindihan. Panay ang warning niya sakin pero ayaw niyang ipaintindi sakin bakit ako kailangan umiwas?
“Pero Kuya—” agad akong napatigil nang tingnan ako ng matalim ni Kuya. Tumayo siya mula sa pagkakahiga niya at lumapit sakin.
“Miru, how many times do I need to tell you to stop asking? Hindi ako sasagot, wala akong sasagutin sa mga tanong mo. Anong sabi ko sayo kanina? The less you know, the better. Wag mong habulin ang gulo, okay?” Magsasalita pa sana ako nang muli niya akong patigilin at muling magsalita. “Miru please, just this one, okay? Huwag ka nang maghanap ng gulo. Nakausap ko na si Kaisler. Don’t chase the danger because when the danger come and chase you, who knows what will happen. It’s dangerous than what you think. Please, I’m begging you, stay away from them especially from Kaisler.” Natigilan ako nang nagmakaawa si Kuya. Hindi ganoon kadalas magmakaawa ang kapatid ko. Alam mong seryoso na ang sitwasyon kapag ganito siya.
Lumabas na ako ng kwarto dahil sabi ni Kuya ay magsha-shower daw muna siya. Malabo pa rin sakin ang lahat. Hindi ko masundan ang mga sinasabi ni Kuya sakin but since I saw him begging siguro ay dapat lang na tumigil na ako kakatanong sa kanya. Who is this Kaisler guy at pati kapatid ko natatakot sa kanya—No, more like natatakot siya para sakin?
Paalis na sana ako sa tapat ng kwarto ni Kuya nang maalala ko na may hiniram siya sakin the other day. I need to get it back.
Muli akong pumasok sa kwarto niya para sana kunin ang gamit na hiniram niya. “Kuya, kukunin ko lang yung hiniram mo sakin. Nasaan iyon?”
“At the top of table.” Sagot nito. Agad akong lumapit doon nang mapansin kong nagba-vibrate ang cellphone niya. Tinitigan ko ito bago kunin. Hindi ko naman sana talaga sasagutin kaya lang ay mukhang importante. I’ll deliver the message later.
Magsasalita palang sana ako nang magsalita na iyong caller. Tiningnan ko ito at nakita kong Top ang pangalan ng caller.
“Hubert, Seven got bruises all over his body. He said that Viel did this to him. That f*****g a-hole! He needs to pay for what he did. What should we do now? Should I call the whole gang to kill them?” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig iyon. Hindi rin ako nakagalaw sa aking kinatatayuan.
G-Gang? Did he mean, gangster?
I don’t what he said. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin pero…I know that my brother is hiding something.