Miru’s Point of View
“Thank you, Brent.” Nakangiting sabi ko sa kanya dahil hinatid niya ako sa gate ng school namin. Nginitian rin ako ni Brent na siyang nagpabilis sa t***k ng puso ko. Damn, here I go again.
“No problem, Miru. Basta ikaw.” Nagpaalam na kami sa isa’t isa pagkatapos ng kaunting pag uusap. Pinanood ko lang si Brent na maglakad papalayo bago magdesisyong pumasok sa loob ng Easton.
Hanggang ngayon ay dismayado pa rin akong malaman na hindi kami pareho ng schoo ni Brent na pinapasukan. Hmm, speaking of him. Bakit nga ba parang pinag iinitan siya ni Kaisler? Sana pala naitanong ko ng maayos. Hindi ko alam kung may istorya sa likod ng galit niya kay Brent o sadyang wala lang siyang magawa sa buhay kaya lahat nalang ay sinasaktan niya.
“Miru!” Agad ko siyang nilingon nang makita ko sila Ate Cass at si Zuri na kumakaway at lumalapit sakin. “Good morning,” bati nilang dalawa nang makalapit na sakin. Agad ko silang nginitian at binati rin.
Sa eskwelahang ito ay si Zuri at Ate Cass lamang ang sinasamahan ko. Ang hirap kasi makipagkaibigan at mag adjust para lang mapasama sa grupo ng iba. Atleast si Zuri at Ate Cass mabilis pakisamahan. Siguro ay sadyang hindi rin ako ganoong pala kaibigan.
Habang naglalakad kami sa hallway ay napatigil silang dalawa nang makita ang isang lalaki. “Uy, si Ellis!” Masayang sabi ni Ate Cass nang makasabay namin sa paglalakad si Ellis. Pinagmasdan ko siyang mabuti, hindi niya si Kaisler at tanging iyong dalawa niya lang na kaibigan. Sayang, gusto ko pa namang kausapin si Kaisler para pagsabihan na huwag nang lalapitan pa si Brent.
Nasaan naman kaya ang lalaking iyon? Nagtatago? Sana nga huwag na siyang magpapakita.
Nakita kong lumapit sila samin. Akala ko noong una ay sila Ate Cass ang kailangan nila kaya lang ay sakin sila lumapit. Kinabigla ko naman ang nangyari. Wait, bakit ako? Hindi ko matandaang naging close kami para lapitan nila ako.
“Miru, can we talk for a minute?” Nagulat man sa narinig ay agad akong tumango at sumunod sa kanila. Hindi naman siguro sila kagaya ni Kaisler na agresibo hindi ba? Wala naman siguro silang gagawing masama sakin. Kaibigan ni Kuya si Ellis kaya naniniwala akong mag uusap lang talaga kami.
Bago tuluyang makalayo ay muli kong tiningan sila Ate Cass at Zuri na parehong nagtataka rin sa nangyari. Nagkibit balikat lamang sila at matipid ako nginitian. Lumayo lang naman kami ng kaunti sa kanilang dalawa para makapag usap.
“Anong gusto niyong pag usapan?” Panimula kong tanong sa kanila. Nagtiningnan silang tatlo at halatang nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.
“You first, El.” Turo ng dalawa kay Ellis. Napailing nalang si Ellis at malalim ang pagbuntong hininga niya.
“Miru, can we ask you for a favor?” Nagdadalawang isip man ay tumango ako.
“Basta ba ay kaya kong gawin.” Panay ang pagbuntong hininga ni Ellis. Tigilan niya nga iyon. Lalo akong hindi nagiging komportable sa pag uusap naming ito, eh.
“Huwag mong iisipin na selfish kami. We’re doing this for your own sake.” Huminga muli si Ellis ng malalim. Bago muling magsalita. Nagtataka man ay itinikom ko nalang ang aking bibig. Tumingin si Ellis sa akin ng diretso. “Layuan mo si Brent. I know he’s your friend pero mapapahamak ka lang kapag hindi mo siya nagawang layuan. Alam kong naguguluhan ka sa mga sinasabi ko pero gawin mo nalang kung ano ang sinabi mo. Gugustuhin din ni Kuya Cyrus kapag nilayuan mo si Brent Kiefer.” Tinapik ni Ellis ang aking balikat bago matipid na ngumiti at umalis. Gusto ko sanang itanong kung anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya pero hindi ko nagawang magsalita. Anong meron? At bakit kailangan kong layuan si Brent?
Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng mga sinabi ni Ellis. Bakit ako lalayo sa kaibigan ko? Hindi man lang nilang sinabi ang dahilan. Sa tingin ba nila ay gagawin ko iyon dahil lang sinabi nila na layuan ko si Brent? Come on, hindi ako tanga.
“Miss, cr lang po.” Tumango ang professor namin sa aking itinanong. Agad akong lumabas ng classroom at dumiretso sa cr para makahinga ng maluwag. Gusto kong maghilamos ng malamig na tubig para mawala ang mga iniisip ko. Nawawala ako sa focus kakaisip ng mga kung ano anong bagay.
Kumuha ako ng tissue sa vendo at lumabas na ng cr. Habang naglalakad pabalik ng classroom ay nakasalubong ko si Kuya. Nako naman eh. Sobrang wrong timing ng pagkikita namin. Isa pa siya sa mga pinoproblema ko.
Tinangka kong magtago pero huli na ang lahat dahil nakita na niya ako. “Miru,” kinilabutan ako nang tawagin niya ang pangalan ko. s**t talaga.
Naestatwa agad ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang paghakbang niya papalapit sakin. Pinigilan kong humarap sa kanya at nanatili lamang na nakatalikod sa kanya. Panay ang paghinga ko ng malalim para mabawasan ang tensyon sa katawan ko.
“Can we talk?” Dahan dahan akong humarap kay Kuya pero pinigilan kong tumingin ng diretso sa kanya. Nakatungo lang ako at nakatingin sa sahig. Hindi ko alam kung kaya kong harapin siya at tumingin ng diretso sa kanya. Knowing something about my brother makes me uncomfortable with him.
Bumuntong hininga si Kuya at naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko. “Please, alam kong galit ka sakin at nagtatampo. I hide a lot of thing to you. I can’t blame you if won’t face me for a month or so…” tumigil saglit si Kuya sa pagsasalita bago muling magpatuloy. “But I want you to do one thing for me, Miru. Layuan mo si Brent.” Agad akong napatingin sa kanya nang diretso dahil sa kanyang sinabi. Ano bang problema nila kay Brent?
“Kanina pa kayo, ah? Ano bang ginawa sa inyo ni Brent? Una sila Ellis tapos ngayon ikaw? Sa tingin niyo ba ganoong kadali iyang gusto niyo? How can I avoid someone who is so close to me? Alam mo naman siya lang ang kaibigan ko, hindi ba? Kung pakana na naman ito ng Kaisler na iyan pakisabi lang sa kanya na tigilan niya na ako at ang kaibigan ko. Kung wala siyang magawang maganda mas mabuti pa kung bugbugin niya nalam ang sarili niya at huwag niyang pag initan ang mga taong wala namang ginagawang masama sa kanya—”
“At ikaw? Gaano kadami ang nalalaman mo tungkol sakin para magsalita ng ganyan kapag wala ako?” Napatigil ako nang marinig ko ang malamig niyang boses. Ano namang ginagawa niya dito? At akala niya babawiin ko lahat ng sinabi ko?
Lumapit siya sa kinatatayuan namin ni Kuya bago tumingin sakin. Nakita ko na naman ang pagngisi niya pero iba ang emosyong pinapakita ng mga mata niya. Blangko. Hindi man ako iyong mabilis matakot pero aaminin ko nakakakilabot ang mga blangko at tila walang buhay niyang mga matang nakatingin sakin.
“I don’t know what kind of a person you are pero base sa lahat ng naobserbahan ko simula noong una tayong nagkita, may pagkapakealamera ka. You easily judge someone by your own opinion o kung ano lang iyong tingin mo sa kanya. A shallow type, I guess.” Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Kung ako pakealamera at mababaw, ikaw naman—”
“Binabalaan ka lang nila para hindi ka mapahamak pero mukhang mas gusto mong masaktan bago ka tumahimik at alamin ang lugar kung saan ka ba talaga nababagay. Kung ipagpapatuloy mo ang katigasan ng ulo mo, I’ll be honored to show you where is the place you are belong. Kung hindi ka lang kapatid ni Cyrus at kung hindi lang nakikipag usap ng maayos sakin ang kapatid mo ay hindi talaga ako magdadalawang isip ipakita kung sino talaga ako. Para hindi ka na nahihirapang mag isip ano bang klaseng tao ako.” Nanatili lamang ako nakatingin sa kanya habang nakakunot ang noo. “Kung ayaw mong makinig sa kanila then give me the privilege to warn you. This will be my very last warning, Miss. Huwag ka na ulit lalapit kay Brent kung ayaw mong madamay sa gulong meron kaming dalawa. I don’t f*****g care kung kaibigan mo siya you just need to choose. Fine, baka sabihin mo wala akong puso. Makipagkaibigan ka sa kanya, okay. Lumapit ka sa kanya, I don’t care. But do you dare meddle with my business with him dahil kapag ginawa mo ulit ang mangealam samin, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo.”
Tinalikuran na niya kami matapos niyang sabihin iyon at nagsimulang maglakad papalayo. Natigilan ako sa kanyang mga sinabi. Tumagos ang sa akin ang mga salita niya na para bang matitilos na patalim. Hindi ko man lang nagawang sumagot sa kanya.
“Kaisler already gave his words, do your job, Miru. Huwag kang makekealam sa kanilang dalawa. Ilang beses ko bang sasabihin sayo, that stop chasing the trouble. Iba ang kapalit kapag ikaw naman ang hinabol. If you don’t care about yourself, isipin mo naman kaming nag aalala sayo. Stop being childish and selfish, Miru.” Napatingin ako kay Kuya. Halata mo ang pag aalala sa kanyang mga mata.
“Kung ako sayo, hahayaan ko nalang si Kai.” Napatungo ako at napaisip. Kung hahayaan ko siya sa mga gusto niyang gawin, paano naman si Brent?
“P-Pero bakit?” Gulong gulo ang isip ko. Kung pinapaintindi sana nila sakin ang lahat. Hindi iyong ganito, hindi ko alam ano bang tamang gawin ko.
“You can’t blame him. He suffered enough to be like this and the only thing you can do is to let him do whatever he wants.” Gusto kong malaman kung anong dahilan pero alam ko rin naman na hindi sasabihin ni Kuya ang nalalaman niya.
“Kuya, can you elaborate everything? Para naman maintindihan ko. Para hindi ako naliligaw. Maybe I can reconsider my opinion about him at baka nga hindi na ako mangealam.” Well, that depends. Mahirap hindi mangealan lalo na at kaibigan ko si Brent.
Huminga ng malalim si Kuya bago magsimulang magsalita. “Kai was left by his mother when he was just seven years old. Hindi niya alam kung bakit siya iniwan ng mama niya. Papa niya lang ang nakalakihan niyang pamilya. Inintindi niya nalang ang kung ano mang dahilan ng mama niya sa ginawa nito. He thought that maybe she had a reason. Naniniwala siyang dadating ang oras, babalik din ang mama niya.” Napatingin ako kay Kuya. Nag aabang ng mga susunod niyang sasabihin.
“Hanggang sa mabago ng isang pangyayari ang lahat lahat sa buhay ni Kaisler. He had changed. He shows no mercy, he became a heartless. A man full of anger, hatred and sorrow. The only thing that didn’t change about him is the loneliness and emptiness that he might be feeling until now. Wala namang makakasisi sa pagbabago niya dahil…” Napailing si Kuya. Halatang nagdadalawang isip kung sasabihin o hindi. “His mother died because of an accident. Nabundol ito ng isang kotse dahil sa pagliligtas sa isang batang lalaki. Ang galit na meron na sa puso ni Kai ay lalo lamang lumaki at si Brent…”
“Si Brent ang sinagip ng mama ni Kaisler sa aksidente?” Tumango si Kuya. Ganoon pa man ay naguguluhan pa rin ako. Pakiramdam ko ay may itinatago pa rin si Kuya. Pakiramdam ko ay putol putol ang kanyang kwento.
“Alam kong magulo pa rin but those event that skipped is not for you to know. Hindi mo na dapat pang malaman ang ibang detalye at mas gugustuhin ko na ring huwag mo nang malaman pa. Kung ano mang nalaman mo ngayon, keep it to yourself. If you thin that Kai’s shallow or something bahala ka, basta huwag mo nang pakealamanan ang buhay niya. Brent destroyed his life.” Bumigat ang pakiramdam ko. Bakit pakiramdam ko ay mali ako ng tingin sa lalaking iyon?
“Wala tayong karapatan makealam sa buhay nila, wala tayo sa posisyon na pigilan si Kai. Kaya Miru, makinig ka sakin dahil kung hindi ka titigil, mapipilitan akong kausapin sila Mommy at ipabalik ka sa Japan.” Nagulat ako sa sinabi ni Kuya pero hindi pa rin iyon sapat na dahilan para magpatalo sa kanya.
Ikinuyom ko ang aking kamay at diretsong tumingin sa kanya. “Sapat rin bang dahilan iyon para pag initan si Brent? That’s unfair. Kahit saang anggulo mo tingnan, mali talaga Kuya. Hindi kasalanan ni Brent na iniligtas siya ng mama ni Kaisler. Bakit siya ang sisisihin niyo?” Kumunot ang noo ni Kuya kaya bahagya akong napaatras.
“Nakikinig ka ba sa sinabi ko kanina? Hindi lang iyon ang dahilan bakit malalim ang galit ni Kaisler kay Brent. Kapag pinilit mong makialam, sa huli ikaw lang rin ang mapapahamak. Miru, I don’t want you to be in the same spot katulad dati—” Agad umiling si Kuya. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. “Huwag mo akong piloting ilayo ka kay Brent ng sapilitan.” Matapos niya iyong bitawan ay umalis na siya at iniwan akong mag isa.