Miru’s Point of View
Naiinis pa rin ako sa kanilang lahat. Bakit ba ayaw nilang sabihin sakin ng detalyado? Lagi silang pabitin. Paano ko maiintindihan kung ayaw nilang ipaintindi sakin? Alam kong wala ako sa lugar pero hindi ko kayang hayaan na ganituhin nila si Brent nang wala man lang siyang laban. Hindi naman niya kasalanan, hindi ba? Ano pa bang mas ikakagalit ni Kaisler? The heck.
Nakatulala pa rin ako at nakatitig lamang sa lugar kung saan huli kong nakita si Kuya. Bumuntong hininga nalang ako at naglakad na muli pabalik ng classroom—s**t, nakalimutan kong may klase pa nga pala ako at nagpaalam na lang na magsi-cr!
Agad akong tumakbo pabalik ng classroom namin. Mariin akong napapikit nang maabutan kong wala na doon ang professor namin. This is embarrassing.
“Ditching our class, huh?” Lumapit sakin si Zuri. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang nakakaasar niyang ngiti.
“I almost forgot, okay? I didn’t do that on purpose. Kinausap ako ni Kuya so…” napatigil ako. Dapat bang sabihin ko sa kanya ang dahilan? Dapat bang malaman niya pa na pinagbantaan ako ni Kaisler?
“So?” Tinaasan ako ng isang kilay ni Zuri at tila ba hinahamon ako na ituloy ang sasabihin ko.
“So…nakalimutan ko. May importante kasi siyang sinabi sakin.” Pinilit kong ngumiti para mawala ang padududa niya sakin.
“Hinahanap ka ng professor natin. Nagtataka bakit daw napakatagal mong bumalik. Akala nga namin nilamon ka na ng lavatory.” Malakas siyang tumawa na siya namang kinakunot ng noo ko. Oh, nakakatawa ba yon?
“Sorry, it’s just too funny. Ang ganda kasi ng pagkakasabi ng prof natin aya natawa ako. The bell saved you though.” Umiling nalang ako nang marinig ko ulit ang pagtawa niya. Tsk, I still don’t what’s so funy about that.
“Whatever! Can we just go to our next class?” Nagkibit balikay nalang si Zuri at nagsimula na kaming maglakad papunta sa susunod naming klase. Great, kapag may mapang asar kang kaibigan hindi na ako magtatakang minu-minuto kang may masasapak na tao.
“Zuri, bakit hindi ka nagmana kay Tita Luri? Mukhang kay Tito Lex mo pa nakuha ang ugali mo.” Out of nowhere ay nasabi ko iyon. Siguro ay gusto kong gantihan siya sa pang aasar sakin kanina kaya inaasar ko siya ngayon.
“Hindi ko rin alam. Siguro ay masyadong matapang ang dugo ni Dad para sa kanya ko mamana ang ugali ko.” Nagkibit balikat siyang muli bago tumawa.
“No wonder halos pareho kayong isip bata.” Ngumisi ako. Hindi ko personally kilala si Tito pero base na rin sa mga kwento kwento nila Daddy ay ganoon ang pagde-describe nila dito.
Lalo akong tinawanan ni Zuri. Hinampas niya rin ang braso ko. “Mas matured naman ako kay Daddy.” Napairap nalang ako. In the end, ako pa rin ang talo sa asaran namin.
Malapit na kaming makarating sa classroom namin nang makasalubong namin sila Ellis. Ayokong banggitin ang pangalan ng gagong leader nila, ‘no. Nakakapang init ng dugo at ulo. Isa siyang salot sa lipunan.
“Zuri, great timing.” Lumapit si Ellis samin at may iniabot kay Zuri. “Pinabibigay ni Mama.” Napatingin kaming muli ni Zuri sa maliit na box.
“Ano ito?” Nagtatakang tanong naman nitong katabi ko.
“Pakibigay daw kay Tita Luri.” Hindi na naman nagsalita pa si Zuri at tumango nalang kay Ellis.
Bago umalis si Ellis ay nagtama ang paningin naming dalawa. Nagulat ako nang ngumiti siya. Unlike him and Zuri, we’re not that close. Hindi ko naman nagawang makangiti. Naaalala ko lang ang sinabi nila sakin kanina na layuan ko si Brent.
“See you!” Kumaway siya samin bago sumunod sa mga kaibigan niyang naglalakad na. Bago sila tuluyang makalayo ay muling lumingon samin si Kaisler at nagtama ang paningin naming dalawa. Nakita ko naman ang matipid niyang pagngisi.
“Uy, ano iyong nakita ko ha? Close kayo?” Biglang nakuha ni Zuri ang atensyon ko. Tumingin ako sa kanya dahil sa pagsiko siko niya sa tagiliran ko. The hell is she talking about. “I mean, si Kaisler. Pansin ko lagi kayong magkatitigang dalawa. Kayo ha. Mayroon ba akong dapat malaman.” Tinusok tusok niya naman ngayon ang tagiliran ko.
“Stop it. Hindi kami close at wala kang dapat malaman. I despise that man. He is the worst. Tara na nga. Male-late na tayo dahil sa ginagawa mo eh.” Nauna na akong maglakad at hinayaan nalang na magtatawa siya roon dahil talo na naman ako sa asaran.
Tinatamad akong nakikinig sa professor namin. Come on, hindi pa ba matatapos ito? Gusto ko nang umuwi. Bakit ba ang bagal ng oras tuwing last subject? Buti sana kung hindi ganito ka boring iyong subject, eh. “Am I clear? Ganoon ang dapat niyong gawin.”
Nakahalumbaba lamang akong nakatingin sa ginagawa ng professor namin. Nagpapanggap na nakikinig sa kanyang mga sinasbai kahit na lumilipad naman talaga ang isip ko.
Napapapikit na minsan ang mata ko pero pilit ko rin namang nilalabanan ang antok. Hindi ako pwedeng makatulog dito. Baka mapagalitan ako ng professor namin na binabalewala ko ang subject niya.
Napatingin ako sa bag ko nang may maramdam akong pagvibrate. Palihim kong kinuha ang cellphone ko na nasa side pocket lang naman ng bat ko bago ito tingnan at makakita ng isang text message.
Tiningnan ko kung sino iyong nagtext pero galing ito sa isang unknown number. Napakunot ang noo ko. Hindi ko naman basta basta pinamimigay ang number ko. Anyway, maraming modus ngayon na kesyo sila ang tito ko from abroad at manghihingi ng load. Luma na iyon. Sa tingin ba nila may kakagat pa sa kanila?
Text Message:
Hey, let’s meet after class? I will wait at the west gate of your school.
Napakunot ang noo ko sa nabaka ko. At ano naman kayang modus ito? Sino ba ito? Una sa lahat walang makikipagkita sakin at magtetext ng ganito dahil wala naman akong boyfriend at pangalawa, hindi ako basta basta nakikipagkita sa hindi ko kilala.
Tiningnan ko ang kapaligiran ko. Tinitingnan ko kung may makakakita ba sakin kapag nagtext ako.
Reply:
And who are you?
Nagulat ako nang mabilis itong magreply sa akin. Wala ba siyang pinagkakaabalahan at parang naghihintay lang siya ng mga sasabihi ko? It’s creepy.
Text Message:
Aww, it’s me, Brent.
Napatulala ako nang mabasa ko iyon. Is this for real? Si Brent ba talaga ito? Pero imposible. Kanina lang kaming nagkitang dalawa, sa papaanong paraan niya malalaman ang number ko? I don’t remember giving it to him.
Reply:
What kind of joke is this? You are using my friend’s name now? Sa tingin mo makikipagkita ako sa hindi ko kakilala dahil lang nagpakilala sila gamit ang pangalan ng kakilala ko? I am not dumb.
Pasalamat siya at wala ako sa wisyong magtaray dahil kung hindi ay baka kung ano pang nasabi ko sa kanya.
Text Message:
Then, I’ll let you believe me. See you later.
Hina ko na nagawa pang magreply sa kanya. Totoo ba ito o sadyang may nang aasar lang sakin at ginagamit ang pangalan ni Brent? Should I meet him later o huwag nalang dahil baka mapahamak lang ako? Damn, this is making my head ache.
Matapos ang klase namin ay agad akong umalis. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin kong makipagkita sa stranger na nagtext sakin o mali. Bahala na.
“Miru, saan ka pupunta?!” Narinig ko ang boses ni Zuri. Nilingon ko siya at agad na nagpaalam.
“Diyan lang, may kailangan lang akong tingnan. Mauna ka na. Ingat ka nalang pag uwi. Bye.” Matapos iyon ay muli akong tumakbo papalayo at pumunta sa west gate ng school.
Unlike the front and east gate, hindi masyadong crowded sa west gate kaya siguro mabilis kong makikita kung sino man iyong nagtext sakin.
Paano kung may nantitrip lang pala sakin? Grr, kapag nagkataon makakatikim sakin ng sapak kung sino man iyon.
Nang makarating ako sa west gate, wala akong nakita ni anino ng kung sino. Sabi na eh, I was tricked.
“Boo!” Halos mapatalon ako nang may gumulat mula sa likod ko. Agad ko siyang nilingon at sinalubong ako ng malakas niyang pagtawa. “You’re so cute.” Matapos iyon ay kinurot niya ang pisngi ko. Mahina ko naman siyang hinampas sa braso dahil sa ginawa niya.
“Brent naman, eh. Aatakihin ako sayo. Huwag ka ngang manggulat diyan.” Inirapan ko siya bago humalukipkip.
“Sorry na. Namiss lang talaga kita.” Tiningnan ko siya nang marinig ko iyong sinabi niya. Tss, alam ba niyang crush ko siya? Sobrang illegal na pakiligin niya ako ng ganito.
“Miss? Parang kanina lang magkasama tayo, ah?” Gusto kong matawa sa kanya para hindi niya mapansin na namumula ang pisngi ko. Damn it. Ang unfair niya. Kaya niya akong pakiligin ng ganito gayong alam ko naman na hanggang magkaibigan lang kaming dalawa.
“Anyway, what’s with you all of a sudden? Treat mo ba?” Tumango siya bilang sagot sa itinanong ko.
“Sige, treat ko na. It’s been a while since we last saw each other. Mukhang marami-rami kang ikekwento sakin.” Nang aasar na naman ito. Inilahad niya ang kamay niya na siya namang tinitigan ko. “Shall we, Princess?” Pinigilan kong ngumiti. Pinigilan ko talaga dahil baka mahalata niyang gustong gusto ko iyong ganito niyang side.
“Nakakarumi ka talaga. Masyado kang clingy bilang kaibigan. Isa nalang ikakahiya na kita.” Pang aasar ko sa kanya. Tumawa naman kaming dalawa. “Tara na nga. Baka pagkaguluhan ka pa dito kapag may nakakita pa sayo.” Hinila ko na siya papalayo. Nakapark rin naman ang sasakyan niya sa labas.
Gwapo si Brent at gentleman pa. Hindi na ako magtataka kung madaming nagkakandarapa sa kanya. He’s an opposite guy of Kaisler. That gangster.
Pumunta kami sa isang café malapit lang sa school ko. Maganda iyong ambiance. Sobrang nakakarelax. “Let’s go in?” Tumango ako. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Napakunot ang noo ko nang hilahin niya ako bigla. Bakit parang nagmamadali siya?
“Dahan dahan lang, pwede? Hindi naman tatakbo itong café.” Natatawa kong sabi sa kanya. Umupo kami sa vacant seats bago tumingin sa mga menu na naandon. Hmm, ano kayang maorder?
“Anong iyo?” Tanong ni Brent sakin. Nanatili akong nakatingin sa mga menu. What should I eat? Gusto ko ng cheesecake pero ang daming flavor. I can’t choose.
“Come on, don’t hesitate. Treat ko naman. Alam ko kung gaano ka kakuripot.” Sinimangutan ko siya sa sinabi niya. Kuripot? Ako? Medyo lang naman.
“Oo na, wait lang.” Muli akong tumingin sa menu.
“Oh, are you guys having a date? Wouldn’t you mind if I join you?” Natigilan ako sa pagtingin sa menu nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. s**t. Hindi ako pwedeng magkamali. Bakit siya naandito?!
“Sorry to keep you waiting. Medyo natagalan iyong latte mo—” Nagulat kaming lahat nang matalapid ang isang lalaking may dala dalang tray at matapon iyon kay Kaisler. Kung kanina nakakaloko ang mga ngiti niya, ngayon ay napalitan iyon ng nakakakilabot na ekspresyon.
Tiningnan ng masama ni Kaisler iyong lalaki. Wala namang tigil ang lalaki sa paghingi ng tawad.
Agad na kwinelyuhan ni Kaisler iyong lalaki at itinulak at napasandal ito sa pader.
Napatingin ang iilang tao na nasa loob ng café. Agad naman na nagsisigaw ang kasama ng lalaki. “S-Sorry po. Hindi ko sinasadya.” Tila ba walang narinig si Kaisler dahil hindi pa rin niya ito tinitigilan.
“Kaisler!” Agad pinigilan ni Brent si Kaisler. Kasama ni Kaisler ang buong tropa niya pero mukhang walang may lakas ng loob na pigilan siya. “Huwag ka ditong gumawa ng eskandalo.” Dagdag pa nito.
Tumingin kay Brent si Kaisler bago ngumisi. Binitiwan niya ang lalaki at agad napunta kay Brent ang kanyang atensyon. Agad akong kinabahan. s**t. Hindi dapat ito nangyayari, eh.
“Oh? Hindi ba at dapat sayo ko iyang sinasabi? Sayo at sa amo mo at sa napakadakila mong ama? Sino kaya itong unang gumawa ng eskandalo at sumira ng buhay ng iba?” Tumaas ang isang kilay ni Kaisler. Natahimik lang naman si Brent and as usual, hindi na naman niya nilabanan si Kaisler.
Naglakad papalapit sa mga kaibigan si Kaisler. “Umalis na tayo dito. Nawalan na ako ng gana. Lumipat nalang tayo ng ibang lugar. Ang daming bobo at punyeta sa buhay ang naandito.” Bago sila tuluyang umalis ay muli itong tumingin sakin at ngumisi. What’s with him? Inaano ko siya?
Umalis silang apat at naiwan naman kami dito. Nakita kong si Brent ang humihingi ng tawad doon sa lalaki. Lumapit naman sakin si Brent nang makahingi siya ng tawad sa lalaki. “Sorry doon ha? Kailangan mo pang masaksihan—Miru?” Hindi ko na napansin iyong sinasabi ni Brent.
Nanginginig ang katawan ko. Pakiramdam ko hindi tao ang nakita ko kanina.
K-Kaisler, he is a monster.