Chapter 18:

1863 Words
Miru’s Point of View Ilang araw ko nang hindi nakikita si Kaisler. Hindi naman sa gusto ko siyang makita. It’s just that, I want to know if he’s okay. Noong huli ko siyang makita, alam kong hindi siya okay. Katulad namin, alam kong marami rin siyang iniisip. Nag aalala lang ako sa kalagayan niya. “Ellis,” nakasalubong ko sila Ellis. Kinamusta ko siya at mukha namang okay na siya. Gumagaling na rin daw ang sugat niya. “Ahm, Ellis si Kaisler ba pumasok ngayon?” Bumagsak ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi pa man siya sumasagot ay alam ko na agad ang kasagutan sa tanong ko. “Hindi, eh. Katulad mo, hinahanap din namin siya. Ilang araw na kasi siyang hindi nagpaparamdam sa amin, eh. Huling kita namin sa kanya ay noon pang nasa ospital ako. Nag aalala na rin kami.” Tumango nalang ako. Hindi ko na rin naman alam kung ano ang dapat sabihin sa kanila. Nagpaalam na ako at dumiretso sa susunod na klase ko. Nakita ko si Zuri na nagbabasa ng libro. Agad akong lumapit sa kanya at naupo sa tabi niya. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko alam bakit naaapektuhan ako ngayon ni Kaisler. Dati-rati naman ay mas ginugusto kong hindi siya makita pero kasi simula nang may makita akong kakaibang side niya, hindi ko maiwasang isipin na katulad namin, sadyang may pinagdaraanan lamang siyang mabigat kaya ito nagkakaganon. “What’s with the sigh?” Napatingin ako kay Zuri. Nanatili man sa libro niya ang tingin niya ay alam kong kinakausap niya ako. “Wala,” ayoko namang sabihin sa kanya na si Kaisler ang iniisip ko ‘no. Baka isipin pa nitong si Zuri ay may gusto ako sa lalaking iyon. “There’s a rumor, Miru.” Napalingon ako kay Zuri. Nanatili pa rin ang titig niya sa librong binabasa niya. “Kaisler is going to drop out.” Nagulat man sa narinig ay hindi ko pa rin iyon pinahalata. Umiwas na ako ng tingin at nanahimik. Hindi ko alam kung anong dapat ipakitang reaksyon sa sinabi ni Zuri. At bakit niya alam iyon? Wala man lang sinabi sila Ellis sakin kanina. “It’s just a rumor. I thought you wanted to know.” Buong araw akong lutang at wala sa sarili. Ni hindi ko na nga matandaan ang mga pinagsasasabi ng mga professors namin, eh. Wala nga akong alam kung may dapat ba kaming gawin. “Zuri, uuna na ako.” Paalam ko sa kanya. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Kanina pa ako binabagabag ng sinabi niya. Magda-drop out si Kaisler? Bakit? Alam kong wala akong pakealam pero gusto kong malaman ang kasagutan. I mean, if this is about Ellis’ incident, huwag mong sabihing sinisisi niya ang sarili niya sa lahat ng nangyari. Habang nananakbo palabas ng school ay nakasalubong ko ang ilang pamilyar na mukha. f**k, mga kaibigan ni Kuya! “Miru?” Napatigil ako at napilitang ngumiti sa kanya. Si Seven itong isa. Matalik na kaibigan siya ni Kuya. Simula pagkabata pa nga lang ata nila ay magkasama na sila. Ito namang isa ay hindi ko matandaan ang pangalan. “Ah, hi?” s**t, bakit ba ako kinakabahan? As if naman na may gagawin akong mali, ‘no. “Saan ka papunta? Ikaw lang? Nasan ang mga kaibigan mo? O baka naman hanap mo si Cyrus—” “No, ang totoo niyan ay pauwi na rin ako. Wala akong kasabay dahil may gagawin pa iyong mga kaibigan ko.” Pagpapalusot ko. “Ganoon ba. Kung gusto mo ihahatid ka na namin sa inyo. Pauwi na rin naman kami. Iyong Kuya mo kasi ay mag ginagawa pa o baka naman mas gusto mong sumabay nalang sa kapatid mo?” Ano ba naman iyan. Bakit ba kung itrato nila ako ay parang maliligaw ako kapag umuwi akong mag isa? “Kaya ko naman ang sarili. Hindi niyo na ako kailangang ihatid. Tsaka hayaan niyo na muna si Kuya. Ayokong istorbohin siya sa kung ano mang ginagawa niya.” Pilit akong ngumiti at bago pa man sila makapagsalita pa ulit ay agad na akong nagpaalam at nanakbo papalayo. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Gusto ko lang malaman kung totoo ba ang narirnig ko kaninang umaga. Magda-drop out si Kaisler sa school. Ibig bang sabihin ‘non ay hindi ko na ulit siya makikita? Bakit ganito, parang ang bigat sa pakiramdam. Napabuntong hininga nalang ako. Ano ba naman itong iniisip at nararamdaman ko. Bakit ganito? Parang dati lang ay ayoko sa kanya. Napakitaan niya lang ako ng magandang ugali niya ay nagpapaapekto na agad ako sa kanya. “Hey, delikado diyan sa daraanan mo. At kung hindi ka mag iingat ay ta-targetin ka ng mga siraulo dito.” Napatigil ako sa paglalakad. Nilingon ko siya at nakita ko si Kaisler. He’s wearing his usual arrogant smile. “K-Kaisler…” “Anong ginagawa mong mag isa dito? It’s rare to see you alone. Nasaan ang mga kasama mo o ang kapatid mo? Pinayagan kang gumala mag isa?” Nakakaalis naman ako ng bahay mag isa ah? Bakit kung makapagsalita siya ay hindi ko kaya ang sarili ko. “Wala. Pakealam mo ba?” I don’t know what’s this feeling but seeing him here makes me…happy. Tiningnan ko siya. Muli akong napabuntong hininga. “Hindi ka pumasok kanina, hindi ba?” “Bakit? Hinahanap mo ako?” Nanlaki ang mata ko nang marinig iyon at nang makita ang malaki niyang pagngisi. “Of course not! Nakita ko lang sila Ellis. Napansin kong hindi ka nila kasama. May nangyari ba? Magkaaway kayo?” Napansandal siya sa railings bago tumingin sa akin. Nginisian na naman niya ako. “Hindi. Wala kaming away. Kusa na akong lumalayo.” Napatigil ako dahil doon. Kusa siyang lumalayo? “Why?” Hindi ko mapigilang magtanong. Hindi man maganda ang pinagsamahan namin noon pero gusto kong malaman. Sinilip niya lang ang mukha ko bago mag iwas. Tumungo ito. “Don’t ask me why. I may tell you the reason.” “That’s the point. I am asking because I want to know—” “I don’t want you to know.” Natulala ako sa mukha niyang nakaharap sa akin. Kitang kita ko halo halong emosyon niya pero umaapaw dito ang kalungkutan. Why is he so sad? Anong dahilan ng kalungkutan niya? I want to know! “Bakit? Because you may put my life into danger? Ganoon ba? Ano bang bago? Simula ata ng makilala kita puro trouble ang naencounter ko—” “This is different. Lagi man kitang ginagalit o pinagtitripan noon, iba iyon dito. This time, baka buhay mo mismo ang mawala sayo, Miru. After what happened to Ellis, ayoko nang may madamay na iba. That’s why I decided to leave and distance myself. With that, lahat kayo, malalayo sa kapahamakang dulot ko.” Umayo siya ng tayo bago maglakad papalpit sa akin. Nang iilang pulgada nalang ang layo namin sa isa’t isa ay tumigil ito. “I have this feeling that I met you before. That you’re not just an ordinary girl. You’re giving me the same feeling of a girl I knew. Of someone who is important to me. I still can’t figure out who you really are, but I know one thing. I must not commit the same mistake I did before. Hindi kita ilalagay sa kapahamakan. Kahit sino man sa inyo. Kaibigan ko man o hindi.” “Kaisler…” I can’t say anything anymore. I have the same feeling. Alam kong hindi lang kami ngayon nagkakilala. Pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kakilala. It’s just too vague. I hope na maalala ko kung paano ko nakilala si Kaisler noon o kung ano siya sakin dati. “Don’t say anything, Miru. Mahihirapan lang ako sa mga naging desisyon ko. The more na napapalapit ako sayo at nakikilala kita, the more na ayokong lumayo. Why? I want to know why? Bakit ganito ang epekto mo sakin? Ewan ko ba, kaya siguro unang kita ko pa man sayo sa school, gusto ko na laging inisin ka. That’s the only way I can go near you. Hindi naman ako basta basta pwedeng lumapit sayo nang walang rason hindi ba?” Gusto ko ring malaman bakit? Hindi ko man pinansin iyon pero iyong galit ko kay Kaisler dati ay iba ang ibig sabihin. It’s not really hatred or what. It’s something that I can never comprehend. “But maybe, the answer to all my whys and hows aren’t really that important now.” Nginitian ako ni Kaisler. “Because from now on, I’ll disappear. This will be the last time I’ll be seeing you. Miru, take care. You have your brother to protect you, though but still, just be careful. I may not be by your side, but I’ll be watching you.” Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya. Maraming bumabagabag sa aking isip. Bagsak ang balikat kong pumasok sa bahay namin. Dapat ba akong magpasalamat na wala ang mga magulang ko dito o si Kuya. Alam ko kasi na mapapansin nila agad na may problema ako. I used to hide my emotion. I used to be heartless, rude and cold. Akala ko kasi doon ako magiging matatag pero nagkamali ako. When I met Kaisler, gusto kong mawala siya sa buhay ko. I thought he’s bothersome and ill-mannered pero mali pala ako. The reason why I always pissed him off and yelled at him was because I want his attention. Hindi naman niya ako mapapansin kung hindi ako magpapapansin sa kanya hindi ba? I don’t get it. Why? And the again, I don’t have the answer—or maybe I have but I can’t remember. Alam kong kilala ko na si Kaisler matagal na but it feels like a part of my memory was erased. Hindi ko maalala kahit anong pilit ko—Yes, I was told na nagkaroon ng insidente dati which caused me to lose some of my memories. Maybe, he’s part of that memory! That makes sense. Lalo na at hindi lang ako ang nakakaramdam noon. Alam kong, nararamdaman din ni Kaisler na magkakilala na kami dati palang. But…it’s too late. Maalala ko man kung sino siya, hindi na kami magkikita ulit. He said his goodbye. Nagpaalam na siya sakin. “It’s never too late. You still have a chance to ask someone who knew you 10 years ago.” I looked at the mirror to see myself. I saw someone. She’s different. It was me from 10 years ago. Ask someone? But who—Kuya! I know Kuya knows about this. It’s not going to be easy, but I will try my best to ask him. It’s now or never.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD