Chapter 17:

2421 Words
Miru’s Point of View Napasugod kami sa opsital nang malaman namin ang nangyari kay Ellis. Hindi pa namin alam ang buong detalye sa nangyari pero ayon sa mga kaibigan niya ay nasaksak daw si Ellis. Nang makarating kami sa kwarto ni Ellis ay nadatnan agad namin doon ang tatlong kaibigan niya. “Anong nangyari?” Nag aalalang tanong ni Ate Cass sa kanila. Napatingin sila samin at nagsalita si Chester. “Nasaksak siya kanina.” Halatang hindi niya alam kung paano ie-explain sa amin ang buong pangyayari. Siguro ay gulat pa rin siya mga nangyari. Katulad naman niya ay hindi pa rin kami makapaniwala sa naging kalagayan ni Ellis and to think na sa loob ng university pa ito nasaksak. Malaking gulo ang mangyayari. “You explain this to us. Bakit nasaksak si Ellis?” Katulad ni Ate Cass ay hindi maitago ni Zuri ang pag aalala. Natahimik ang lahat at napatingin naman si Chester kay Kaisler. Ano, humihingi ba siya ng tulong kay Kaisler para ipaliwanag ang lahat? Ano ba naman kasing nangyari para mapaaway sila ng ganito? Napatingin kami kay Ellis nang mapansin naming gumalaw ito mula sa pagkakahiga niya. Lumapit kami at nakita naming dahan dahan niyang iminumulat ang kanyang mata. Nakahinga naman kami ng maluwag nang makita iyon. Thank goodness. “Papunta na sila Tita.” Iyon agad ang bungad ni Zuri sa kakagising laman na si Ellis. Halatang kahit papaano ay nawala na ang pag aalala nila. “Now, you need to think of an excuse to this.” Seryosong sabi naman ni Ate Cass. Isa pang dapat alalahanin ay si Kuya. Hindi pa namin siya kasama ngayon dahil hindi namin ang alam kung nasaan ba siya. Kapag nakaabot sa kanya ang balita, who knows what he’ll do. I mean, he and Ellis are close. “Anong nangyari?” Mahina pa rin si Ellis. Halata naman sa pagsasalita niya. “Nasaksak ka kanina. Hindi mo maalala?” Saglit na natahimik si Ellis at mukhang may malalim na iniisip. Nang siguro’y maalala na niya ang mga nangyari ay nagpumilit siyang bumangon kaya agad niya ring naramdaman ang hapdi ng sugat niya sa tagiliran. Agad naman siyang inalalayan ng kaibigan niyang si Lay. “Don’t force yourself, Ellis. Makakasama iyan sa sugat mo at sayo.” Inihiga niyang muli si Ellis. “Huwag ka na ring mag alala tungkol sa mga taong gumawa nito. Nilinis na ni Kai kanina ang lahat.” Napakunot ang noo ni Ellis sa narinig bago tumingin kay Kaisler na kanina pa hindi nagsaslaita at tila ba wala sa sarili. “What did you do, Kai?” Tanong ni Elli sa kanya. Matagal na sandali rin bago sumagot si Kaisler sa tanong ni Ells. “I finished them.” Nanlaki ang mga mata ni Ellis at gulat na gulat sa narinig. “No way, Kai. Don’t tell me you…” napakunot ang noo ni Ellis at nakatingin lang ng diretso kay Kaisler. Hindi man niya tinapos ang kanyang sasabihin ay mukhang nagkakaintindihan silang apat. Hindi ko sila maintindihan. Ano bang pinag uusapan nila. Hindi ko masundan ang pag uusap nilang ito. Hindi sumagot si Kaisler. Tahimik lamang ito habang nakatingin sa kaibigan. “f**k, Kaisler. Answer me. Did you kill them?!” Nagulat ako nang sumigaw si Ellis. Agad din naman siyang napaaray nang sumakit ang sugat niya dahil doon. nakita namin ang dahan dahang pagtango ni Kaisler na siyang nagpadagdag sa gulat ko. Lumapit si Ate Cassidy sa kanya at hinawakan siya sa braso. “Nakapatay ka na naman?” Galit ang boses nito pero bakas din ang pag aalala. “They don’t deserve to live so I did what I need to do. Besides they are after my life and they stabbed Ellis. Anong gusto mong gawin ko? Hayaan silang magpagala gala knowing they will come back and try to kill me? Tapos ano, may madadamay na naman? Do you think I have a choice? Nagdilim ang paningin ko. Hindi ko na nakontrol pa ang galit ko.” Pagpapaliwanag ni Kaisler. Ako, tila naestatwa ako sa lahat ng narinig ko. They are having conversation like this is not the first time. Hindi ko magawang maregister sa utak ko lahat ng naririnig ko ngayon. “Kahit pa gaano ka-walang kwenta ang mga taong iyon, wala kang karapatang pumatay, Kaisler! Makukulong ka sa mga pinaggagagawa mo sa buhay mo.” Napatingin ako kay Zuri na halatang gulat na gulat din sa mga naririnig. We’re in the same boat, I guess. “Ano naman ngayon kung makulong ako?” Ngumisi si Kaisler. “Mas mabuti na nga iyon, eh. Mas gusto ko nalang makulong sa isang madilim na selda. At least sa loob noon, ako lang mag isa o kung may kasama man, walang pakealam sakin. Sanay naman na ako na walang pakealam ang mga tao sa paligid ko.” Nagulat ako sa narinig mula sa kanya. He may act tough but Kaisler is suffering. I don’t know his story pero alam ko na may pinagdadaanan siyang mabigat. Napatingin si Kaisler sakin bago huminga ng malalin. Napailing pa ito bago maglakad papalayo. “I’m going. Gising na si Ellis. I am not needed here anymore.” Sinundan ko lang siya ng tingin. Napatingin din ako kila Ate Cass na mukhang malungkot din. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinakalma ang sarili. Naisipan kong sundan si Kaisler. “Kaisler,” agad kong pagtawag sa kanya nang maabutan ko siya. Napatigil naman siya nang tawagin ko siya. Lalakasan ko na ang loob ko na magtanong. If he has a problem, he can tell naman. I want to help him. “Kaisler, kung may problema ka—” “Miru, kung ayaw mong mapahamak at matulad kay Ellis, mas mabuti pang lumayo ka na sakin. I am not a good guy, I am the bad guy. The only this I bring to those people around me is misfortune.” Nilingon niya ako bago ngumisi. “Isa pa, hindi ko kailangan ng awa mo.” Nawala ang pagngisi niya. Umiwas ito ng tingin. No, he’s not okay. Alam kong may itinatago siya sakin. Alam kong he didn’t mean what he said. Pinanood ko lang na umalis si Kaisler. Hindi ko na siya nagawang sundan. Why do he keep his distance? Marami namang taong handang tulungan at pakinggan siya. Why do he need to act like some selfish a-hole but the truth it he’s selfless? Hindi ko pa man siya ganoong kakilala pero alam ko na hindi siya ang taong iniisipan ko ng masama dati. Kaisler, I know he’s not that bad. Ilang araw ang nagdaan at hindi ko na ulit nakita pa si Kaisler. Nag aalala na ako sa kanya. Ano na kayang nangyari roon? Alam kong may mali. Ibang iba ang mga kinikilos niya noong huli ko siyang makausap. Nakalabas na rin si Ellis ng ospital. Hindi naman daw Malala ang natamo niyang saksak kaya lang ay hindi pa rin siya makapasok ng school dahil masyadong malaki ang sugat niya at hanggang ngayon ay hindi pa ito gumagaling. “Miru!” Napalingon ako sa kanya at agad napangiti nang makita ko si Brent. Naandito kasi ako ngayon sa park malapit sa school namin. Wala lang. Gusto ko lang magpahangin. “Brent,” matipid ko siyang nginitian. Atleast kahit papaano ay may makakausap ako ngayon. Baka matulungan na rin ako ni Brent. He seems to know him well. Si Ate Cassidy kasi ay iniiwasan ang topic kapag si Kaisler na ang pinag uusapan. Samantalang si Zuri ay kagaya ko lang ring na walang masyadong alam tungkol kay Kaisler. Dahan dahang nawala ang ngiti ko nang mapansin kong may ibang kasama si Brent. Dalawang lalaki ito at mukhang kasing edaran lamang namin. “Sino sila?” Ngumiti sila sakin kaya’t napangiti rin ako. “Oh, this is Joshua and Tyler. They are my friends.” Tumango nalang ako. Hindi ko na rin naman alam ang sasabihin ko. Naupo silang dalawa sa tapat ko at si Brent naman ay naupo sa tabi ko. “Kumusta? Matagal tagal din tayong hindi nagkita, ah?” Matipid akong ngumiti bago tumango. Oo nga, ang tagal ko ring hindi nakausap at nakita si Brent. Napansin kong nitong mga nakaraan ay puro si Kaisler ang iniisip ko. “Okay naman. I won’t ask about you since you look great naman.” Tumawa si Brent sa sinabi ko. Humanap muna ako ng magandang timing bago ko siya tanungin tungkol kay Kaisler. “Brent, I know this is so random, but I want to ask you something. Can I?” Alam kong parang ang bastos ko naman na magtanong tungkol kay Kaisler sa kanya gayong hindi sila magkasundong dalawa pero pakiramdam ko kasi ay kilala ni Brent si Kai. “Hmm?” Muli akong huminga ng malalim bago tanungin ang nakangiting si Brent. “I just want to ask, anong alam mo tungkol kay Kaisler. I know I am not in the right place to as this pero gusto ko lang malaman kung anong nalalaman mo kay Kaisler. By any chance, do you know something about him and his past?” Agad nawala ang kanina lang na ngiti ni Brent. “Excuse me, alis muna kami ni Josh. Brent, una na muna kami.” Napatingin kami ni Brent sa mga kaibigan niya. Nginitian kami ng mga ito bago umalis. Bumalik ang tingin ko kay Brent. “Bakit mo naitanong? Why do you want to know?” Seryoso nitong tanong sa akin. I don’t know. I actually don’t have a particular reason why I am asking this. I just want…I want to know! Nagkibit balikat lang ako. “Wala naman. Gusto ko lang talagang malaman. I mean, pakiramdam ko kasi hindi siya masamang tao.” Hindi ko makuha ang tamang rason bakit gusto kong malaman kung sino ba talaga si Kaisler. Ayaw niya lang talagang lubayan ang isip ko. Umiwas ng tingin si Brent sa akin at tumingin sa malayo. “You don’t have to know, Miru. Don’t drag yourself into trouble.” Bakit ba lahat nalang ng mapagtatanungan ko tungkol kay Kaisler ay iyon ang sinasabi. Ganoon ba siya kalapitin ng gulo at pati kaming gusto lang makatulong sa kanya ay mapapahamak din. “Hindi ko naman inilalagay sa piligro ang buhay ko. Gusto ko lang tulungan at makilala pa si Kaisler. Wala namang masama roon, hindi ba?” Nanatili lamang na nakatingin sa malayo si Brent. “You can’t help him. No one can help him now.” Hindi ko maintindihan ang pinupunto ni Brent. Bakit ganito siya magsalita? Parang hopeless case si Kaisler, ah? “But…if you really wanted to know, I’ll tell you. Not all but some important things about him.” Tumingin siya sakin at ngumiti. “Mabait naman si Kai, eh pero nagbago ang takbo ng buhay niya simula noong 8th birthday niya. Nalaman kasi ni Kaisler na may ibang kinakasama ang Mama niya at may anak ito sa ibang lalaki. Hindi niya matanggap ang lahat. Halos gumuho ang mundo ni Kaisler noon. Ang araw na dapat ipinagdiriwang niya ay naging isang masamang ala-ala.” Dahan dahang nawala ang mga ngiti ni Brent. “Hindi na nga niya sine-celebrat ang birthday niya ngayon, eh. Dahil tuwing sasapit ang kaarawan ni Kaisler, naaalala niya ang pangit na pangyayari sa mismong birthday niya. Sobrang laki ng pinagbago niya. Ni minsan nga hindi mo na siya makausap ng maayos. Galit din siya sa tatay niya dahil na rin siguro sa alam nito ang pangangaliwa ng asawa niya pero hindi siya nagsalita tungkol dito. I don’t know if he’s a martyr o gusto niya lang buo pa rin ang pamilya niya para sa anak niya. Tuluyan nang lumayo ang loob ni Kaisler sa pamilya niya. Naging rebelde siya.” Huminga ng malalim si Brent. I can’t say anything. I don’t have any words. “That’s it. Hanggang doon na lang ang pwede kong sabihin sayo.” Dinaan nalang ni Brent sa pagtawa ang tensyong nararamdaman naming dalawa. Ang dami kong katanungan pero alam ko naman na hindi na niya ito sasagutin pa. But, this last one, I hope he’ll answer. “Paano mo nalaman ang lahat ng ito?” Nagkibit balikat lamang si Brent bago ako sagutin. “Because I was there when all that s**t happened. I saw ho devastated he was. I watched him suffer.” Pilit na ngumiti si Brent bago may ituro sa likuran ko. “Hinahanap ka na ata ng mga kaibigan mo?” Tumingin ako sa likuran ko at nakita ko sila Zuri. “Mauna na ako, Miru. See you.” Lilingunin ko palang sana si Brent pero nakaalis na siya. “Miru, anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa namin hinahanap, ah?” Hinahapong tanong ni Ate Cass sa akin. “Bakit, anong meron?” Bakit parang pagod na pagod sila at halos habulin ang paghinga? Umupo sila sa tabi ko. “Wala naman. Nanakbo kasi kami papunta dito. Nag alala kami sayo. Bigla ka nalang nawala, eh. Teka nga, sino pala iyong kasama mo kanina?” Pagtatanong ni Zuri. Ngumiti naman ako. “Kaibigan ko. Si Brent.” Nawala ang mga ngiti ko at dahan dahang kumuniot ang noo ko nang mapansin kong nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Ate Cass. “Brent? You mean, Brent Kiefer Park?” Gulat na tanong nito sakin. Dahan dahan naman akong tumango biglang sagot sa kanya. What’s with her expression? Napatingin ako kay Zzuri, pero hindi kagaya ng kay Ate Cass ay wala itong ideya. “Oo, bakit? May problema ba?” Napansin kong halos maestatwa si Ate Cass sa kanyang kinauupuan dahil sa pagbanggit ko ng pangalan ni Brent. Anong nangyayari sa kanya? Huminga ito ng malalim bago tumingin sakin. Pilit siyang ngumiti at dahan dahang umiling. “Wala naman. May naalala lang ako sa pangalan niya. Akala ko kasi namamalikmata lang ako kanina.” Hindi ko maintindihan ang kanyang sinabi. Bakit parang may itinatago siya? Hindi ko maialis ang mga mata ko kay Ate Cass. Para kasing may mali, eh. Paano nakilala ni Ate Cass si Brent? Okay, given na iyong magkaibigan ang mga magulang namin pero why is hse giving such reaction? Anong koneksyon niya kay Brent?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD