Chapter 19:

1563 Words
Miru’s Point of View Hinintay kong makauwi si Kuya. Alam kong hindi magiging madali ang pagtatanong sa kanya pero kailangan kong gawin ito. Ayokong magkahiwalay kami ni Kaisler nang hindi ko man lang nalalaman kung sino ba talaga siya. “Miru, ang aga mo ata ngayon? Wala kayong lakad nila Cassidy?” Napatayo ako nang makita ko sila Mommy. Lumapit ako sa kanila at hinalikan sila sa pisngi. Hindi ko inaasahan na mauuna silang umuwi kaysa kay Kuya. “Yeah, nakakapagod sa school kaya dumiretso na agad ako sa pag uwi.” Pilit kong itago sa kanila ang halo halong nararamdaman ko. Ayoko namang magdrama sa kanila. “Okay, if you need anything, we’re just in our room and office.” Ginulo ni Dad ang buhok ko bago nakangiting umalis. Si Mommy naman ay nagdadalawang isip iwan ako dito sa sala pero umalis na rin naman. I know they are tired from work. Ayoko nang dagdagan pa. Hindi naman ako matagal naghintay kay Kuya at dumating na rin siya sa bahay. Nagdalawang isip pa ako kung magtatanong ako sa kanya dahil mukhang pagod din siya pero itinuloy ko pa rin. “Kuya,” tumigil siya sa tapat ko at antok na tumingin sa akin. “Can we talk?” “Can it wait? Pagod ako.” Aniya. “No,” kapag hindi ko pa ito itinanong sa kanya, baka tuluyan nang mahuli ang lahat. “I just want you to answer my questions. Matatapos din agad itong pag uusap natin basta ba sasagutin mo ng maayos lahat ng itatanong ko sayo. And I won’t accept any irrelevant answers.” Sumeryoso si Kuya. Umayos siya ng tayo bago ako titigan. Kinakabahan man ay buong lakas akong nagsalita. “Who’s Kaisler to me. I want to know.” Kumunot ang noo ni Kuya. Hudyat na ayaw niyang sagutin iyon. I’m expecting this to happen. “What do you mean, to you? Obviously, wala. Paano naman magkakaroon ng relasyon ang lalaking iyon sayo. You just met him—” “Did we just meet?” Nagulat siya sa itinanong ko. “If we are, why do I keep on having this feeling na hindi ko siya ngayon lang nakilala. Bakit pakiramdam ko ang tagal ko nang kakilala si Kaisler? Why do you keep on avoiding these questions? Dati ko pa napapansin, eh kapag tungkol na kay Kaisler, para bang ang dami mong itinatago sakin at ayaw mong ipaalam. Who is he? I want to know, Kuya. Tell me—” “I won’t, okay? Dahil kapag nalaan kung sino siya, mawawala ka na naman sa amin.” He caught me there for a minute. Hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin doon. “What?” “Miru, he gave us enough trouble in the past and that’s enough. Don’t let him enter our life again. Don’t let him destroy you. Kepp your distance to him. Mas magiging mapanatag ang loob ko.” Naglakad na papalayo si Kuya. Bakit imbis na maliwanagan ako ay lalo lamang akong nalilito. Hinabol k psi Kuya para magtanong pa pero kinulong na niya ang sarili niya sa kwarto. Damn it. He’s too stubborn. Kailan ko ba magagawang pagsalitain si Kuya? Mahirap bang sagutin nalang ng diretso ang tanong ko? “Nag aaway na naman ba kayong dalawa?” I turned my head to see my Mom. Alam kong nararamdaman niya na kanina pa na may bumabagabag sa akin. Should I ask her? Baka may alam siya. “Mom,” nahihiya akong lumapit sa kanila. I know that they are my parents but it’s unusual for me to ask them. Hindi ako ganoong ka-open sa magulang ko. “Yes, honey?” Isinara niya ang pintuan ng kwarto nil ani Dad bago maglakad papalapit sa akin. Nakaukit ang pag aalala niya sa maganda niyang mukha. “You’re aware that I lost my memory because of an incident, right? I want to know what happen before losing those memories. There’s someone I want to remember.” Nagulat si Mommy sa narinig mula sa akin. Expected ko na rin naman ang ganitong reaksyon. I mean, ang tagal kong hindi nagtanong tungkol doon tapos bigla ko nalang uungkatin. “Miru…” I’m desperate. No matter what other people say. I want to know what happened before losing my memory. “Mom, I know you know something. Gusto ko lang talagang malaman.” Halos bumagsak ang itsura ni Mommy. She looks sad and afraid. Hindi ko alam kung bakit. Ano bang dapat ikalungkot at ikatakot sa tanong at sinabi ko? Nabapuntong hininga ako dahil sa nakita kong ekspresyon ni Mommy. Nawalan na ako ng ganang magtanong pa sa kanya. Bakit ba pakiramdam ko ay ayaw nila itong pag usapan? May dapat ba akong malaman? Why do I feel like they are hiding something from me? “Okay fine, huwag niyo nalang sagutin. I’m sorry for asking.” Siguro mas maganda kung hindi ako sa pamilya ko magtatanong. Pakiramdam ko kasi ay wala akong makukuhang sagot sa kanila. Hindi ko na rin susubukang magtanong kay Dad dahil alam ko na ang magiging reaksyon ‘non. Bihirang magpakita ng emosyon si Mommy kaya nakakabiglang ganito siya dahil lang sa simpleng tanong ko. Hindi ko maimagine na makikita ko siyang ganito kalungkot. As for my dad, nako aartehan lamang ako ‘non. Ang daming excuses ang sasabihin sakin ‘non at ang ending hindi pa rin niya sasagutin ang tanong ko. I don’t really get it. Ano ba iyong kinakatakot nilang malaman ko? Bakit sa kada magtatanong ako tungkol doon ay iyon ang ipinaparadam nila sakin. Pumunta nalang ako sa sala at naupo sa sofa namin. Nag isip isip ako sa kung anong gagawin ko. Sino pa bang matatanong ko na makakapagbigay sa akin ng detalyeng kailangan ko. Sino pa kaya ang naandon noong oras ng aksidente? Ate Cass? Sa pagkakatanda ko kasi ay bata palang close na ako sa kanya. Isa pa, ang sabi nila kasama si Ate Cass noong panahong isinugod ako sa ospital kaya lang imposibleng maibigay niya ang detalyeng gusto kong makuha. Zuri? No, sa tingin ko ay wala siyang alam kaya mas lalong wala siyang masasabi sa akin? Ellis? Kung may alam man siya sasabihin niya kaya? We’re not that close pa naman. How about Kuya Seven? He is close with my brother. Ang pagkakatanda ko ay simula pagkabata ay magkaibigan na sila ng kapatid ko. Baka present siya noong panahon ng aksidente ko. Kung hindi man ay baka may nababanggit si Kuya sa kanya. Agad kong kinuha ang cellphone ko para macontact si Kuya Seven. Malakas ang pakiramdam ko na siya lang talaga ang makakapagbigay ng detalyeng bubuo sa pagkatao ko. I feel so incomplete with those memories lalo na’t ipinararamdam sa akin ni Kaisler na may dapat akong maalala. Good thing Kuya Seven is online. I immediately chat him at agad naman siyang nagreply. Me: Hi Kuya Sev. Seven: Hi Miru. What can I do for you? Me: Busy ka ba? Gusto sana kitang interviewhin para sa isang project ko. Seven: What kind of interview? Me: May ilang bagay lang akong itatanong sayo. Pwede ka ba? Seven: Okay lang. Alam ba ng Kuya mo? Anong sabi niya? Me: Anong kinalaman ni Kuya dito? Seven: Magagalit iyon. Haha. Baka isipin pa iniimpluwensyahan kita ng kagaguhan. Isa pa, alam mo naman iyong kapatid, masyadong overprotective sayo. Me: I’ll talk to him. Pero okay lang sayo? Seven: Of course. Anything for you. Balitaan mo agad ako. Para maschedule natin iyang interview Me: Okay. Damn it. Kailangan ko pang kausapin si Kuya dito? Kung alam ko lang na mahihirapan pa rin akong makausap si Kuya Seven. Tsk, kapag nagkataon ay bubuntot iyon sa amin. “Miru,” napatalon ako nang marinig ko ang boses ni Kuya. Minsan talaga ay magugulat ka nalang sa biglaang presensya ng taong iniisip mo. Akala ko naman ay busy siya sa kwarto niya. “What?” Sagot ko sa kanya nang marecover ko na ang sarili ko. “Seven texted me saying you want to interview him?” Tumaas ang kilay ni Kuya. “Para saan?” Napakunot ang noo ko sa tono ni Kuya. Bakit para pinagsususpetiyahan niya ako ng kung ano? “Project. Kung natatakot kang sumama ako mag isa kay Kuya Sev, you can tag along.” Alam ko naman kasi na sasama siya. Para lang matapos na itong usapan na ito, ako na ang nagsabi. Hahanap nalang ako ng tamang oras para isingit iyon sa usapan namin. “No,” huminga ng malalim si Kuya. “Kilala ko naman si Seven. You’re safe with him. Isa pa, busy ako ngayong week. Hindi kita masasamahan sa mga lakad mo.” Nanlaki ang mata ko sa narinig. sa totoo niyan ay gusto kong pumalakpak sa tuwa dahil sa narinig pero itinago ko nalang ang kasiyahang nararamdaman. “Kausapin mo na agad si Sev. Busy ding tao ‘yon. Para ma-clear niya sched niya kung kailangan. “Okay.” Halos sumabog ako sa pagpipigil ng tuwa ko dahil sa sinabi ni Kuya. This it is. No matter what happens. Pipilitin ko si Kuya Seven na sabihin sa akin lahat ng nalalaman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD