Cyrus’ Point of View
Nang makumbinsi ko si Miru na umalis dito at bumalik nalang sa klase niya ay agad kong hinanap si Kaisler para kausapin. I will end it here.
Nakita ko siya sa likod ng school kung saan namin siya iniwan ni Miru kanina. Nakaupo pa rin ito sa damuhan at malalim ang iniisip. He’s so defenseless. Kung iba siguro ang sitwasyon ay kakausapin ko siya tungkol sa problema niya.
“Kaisler,” seryoso ang boses ko. Hindi ako galit kay Kai. Wala akong personal na galit sa kanya. I am being this harsh because I have something to protect.
Napatingin saglit sakin si Kai pero nag iwas din agad ng tingin. “Bakit? Pagagalitan mo na naman ba ako dahil sa pakikipag usap ko sa kapatid mo? Pagsasbaihan mo ako dahil sa kasalanang hindi ko maalala—”
“Layuan mo ang kapatid ko. Iyon lang ang hiling ko sayo, Kai. Nakikiusap ako sayo.” Tumayo si Kai sa pagkakaupo niya at humarap sakin.
“Sana nga may dahilan para layuan ko siya. Ang labo naman kasi, Cyrus. Pinapalayo mo ako sa kanya pero wala naman akong alam na dahilan para layuan siya. Bakit hindi mo sakin sahihin? Sino ba talaga si Miru? Why are you so eager to separate the both of us? Alam kong may rason, alam kong may nililihim ka samin. Spill it.” Mahinahanon ang pagkakasabi niya nito pero wala akong makitang emosyon sa mga mata niya.
“Dahil minsan mo nang ipinahamak ang buhay ng kapatid ko.” Napakunot ang kanyang noo sa sinabi ko.
“Ako? Ano namang kinalaman ko? Ni wala nga akong maalalang nagkakilala na kaming dalawa dati, eh. Sa pagkakaalam ko ay ngayon ko lamang siya nakilala—”
“Sa pagkakaalam mo, ngayon mo lang siya nakilala. Madaming nangyari na nakalimutan mo na, Kaisler. Buti nga ikaw eh, ibinaon mo nalang lahat sa limot. Paano naman kaming hindi makalimutan ang mga pangyayari sa nakaraan? Ako, alam ko ang buong pangyayari at isa lang an masasabi ko. Hindi ka makakabuti sa kaligtasan ng kapatid ko.” Napangisi si Kaisler sa sinabi ko.
“Bakit hindi mo ipaalala sakin? Kung nahihirapan ka, bakit ayaw mong sabihin sakin lahat? Para naman pati ako maramdaman ko kung anong paghihirap iyang tinutukoy mo. Tell me everything and let me decide whether to avoid her or not.” Nakita ang malaking pagngisi ni Kaisler. “Whay are you so afraid to tell me the past? Alam mo bang dahil sa ginagawa mo ay mas lalo mo akong binigyan ng raso para hindi layuan ang kapatid mo?” Sarkastiko niyang sabi. Ngayon, bumabalik na siya sa dati. Nawala na rin ang bahid ng pangamba at lungkot sa mukha niya.
Hindi ako nakasagot sa kanya. Hindi ko alam kung paano ako sasgaot sa mga sinasabi niya. “Sobrang tahimik mo naman ngayon, Cyrus. Ibig sabihin lang niyang, gumagawa ka lang ng kwento. Wala akong dahilan para layuan ang kapatid mo. I can approach anyone and it’s not for you to ductate me.” Tsk, bakit ba ang hirap niyang pakiusapan. Mas lalo niya lang pinapalala ang lahat.
“Nakikiusap ako sayo, Kai. Leave her alone. Avoid her. Mas makakabuti iyon sa inyong dalawa. Huwag mong patayin ang kapatid ko. Huwag mong ilagay sa kapahamakan ang buhay niya sa pangalawang pagkakataon. You already took something important from me…from us. Don’t do it, again.” Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ko. Nanatili lamang siyang nakatingin sakin ng diretso. “Nawalan na ako ng kapatid nang dahil sayo, Kai. Huwag naman pati si Miru.” Matapos kong sabihin iyo ay tinalikuran ko na siya.
“Bakit ganoon?” Tumigil ako sa paglalakad para mapakinggan ang kanyang sasabihin. “Bakit pakiramdam ko ay mahalaga si Miru sakin? Is she part of my past?” Napakuyom ang kamay ko sa narinig ko. Hindi ba pwedeng huwag na nilang pilitin ang alaalang hindi na nila maalala pa?
“Kung nararamdaman mong mahalaga siya sayo, mas may rason ka na para layuan siya.” Pagkatapos noon ay nagsimula na akong maglakad papalayo.
Kung kailangan kong gumamit ng dahas para lang maprotektahan si Miru at sino man sa pamilyan ko ay hindi ako magdadalawang isip na gawin iyon.
“K-Kuya Liam!” Agad ko siyang nilapitan. Dumadanak at naliligo siya sa sarili niyang dugo.
“S-Si Miru, alagaan mo siya.” Pagkatapong niyang sabihin ang mga salitang iyon nawalan na ng malay si Kuya.
Sa katunayan niyan, hindi ko talaga kapatid si Miru. Shocking, right? Akala mo nagbibiro lang ako pero that’s the truth. She’s actually my niece.
Naging anak si ng kapati kong si Kuya Liam sa pagkabinata niya at ang kanyang ina ay naglaho nalang matapos siyang ipanganak. Nagdesisyon kami na kami nalang ang magpapalaki kay Miru.
Tinurin nila Mommy at Daddy si Miru bilang tunay nilang anak. Samantalang kaming dalawa naman ni Kuya Liam ay tinuring siyang kapatid. Masyado pa kasing bata si Kuya noon kaya’t hindi pa niya magampanan ang pagiging ama kay Miru kaya hinayaan nalang muna niyang kilalanin ni Miru sila Mommy at Daddy bilang mga magulang nito.
18 years old si Kuya Liam nang ipanganak si Miru. Samantalang ako noon ay 5 years old. 13 years ang gap namin dalawa. Maaga rin kasing nabuntis si Mommy noon.
Walang alam si Miru tungkol sa totoong pagkatao niya. Hanggang ngayon naman ay wala kaming balak sabihin sa kanya. Hindi na rin naman niya kailangan pang malaman. Bukod sa amin, may isa pang nakakaalam ng tungkol dito. Ang batang kalaro ni Miru at matalik niya ring kaibigan.
“Chase!”
Si Kaisler. Matagal na talaga silang magkakailala pero dahil sa isang insidente noon ay nawalan silang dalawa ng alaala. Nagpasiya kaming huwag nalang ungkatin iyon.
Si Miru nalang ang naiwang regalo at alaala ni Kuya Liam kaya hindi ko hahayaang pati siya ay mawala rin samin. I had enough.
Sa katunayan, ang buhay ni Kaisler ang nasa panganib ngayon dahil gusto siyang ipapatay ng mga kalaban ng pamilya ng nanay niya. Maraming sindikato ang gustong tumapos sa buhay niya o ang dukutin siya. Ang usap usapan ay dahil si Kaisler ang susunod sa yapak ng Lolo niya.
Hindi na ulit ako umatted ng klase ko dahil wala na rin naman ako sa wisyo. Pagdating ko sa tambayan ay doon ko nakita si James at si Seven. Katulad ko, they skipped their classes, too.
“Ayan na pala si Hubert, eh. Ano pre, hindi ka na namang pumasok sa klase mo!” Natatawang sambit ni James. Mukha bang nasa mood akong makipaglokohan sa kanila? Minsan lang kaming magkita nito pero kapag nagkikita kami ay walang oras na hindi niya ako aasarin.
“Tinamad na ako, eh. Isa pa, kaya ko namang habulin ang lesson ng mga iyon. Hindi ko kailangang umattend sa mga boring nilang klase oara pumasa. I can pass with just my own knowledge. Alam niyo namang hindi ko na kailangang mag aral, hindi ba? Isa lang ang rason ko bakit nananatili ako sa lugar na iyon…” naging seryoso ang paligid namin dahil sa sinabi ko.
“Oo, para protektahan ang kapatid mo.” Marahan akong tumango.
Mahalaga sakin si Miru. Mahalaga siya sa pamilya namin at hindi ako makakapayag na matulad siya sa tunay niyang ama.
“Hanggang kailan mo ibubuhos ang buhay at oras mo para lang sa kapatid mo – I mean, pamangkin ko pala.” Nakalimutan kong alam nga pala nila ang tungkol doon. Alam nila na hindi ko tunay na kapatid si Miru.
“Hangga’t kaya ko. Hangga’t nabubuhay ako. Ipinangako ko iyan sa kapatid ko bago siya mamatay. Hindi ko hahayaang mapahamak si Miru even if it kills me.” Nagkatinginan sina Seven at James nang dahil sa sinabi ko.
“We have our reasons and purpose why we’re here and that’s mine. Papatay ako kung kailangan para lang masiguradong ligtas ang miyembro ng pamilya. Masakit mawalan ng kapatid. Hindi ko hahayaang mangyari ulit iyon.” Matagal tagal na rin simula nang kilalanin ko si Miru bilang kapatid ko at hindi bilang pamangkin. Kaya lang, tuwing iniisip ko si Kuya Liam, hindi ko maiwasang isiping si Miru ay isang alaalang iniwan niya samin.
Ellis’ Point of View
“Nakita niyo ba si Kaisler?” Pagtatanong ko sa mga nakakasalubong namin. Kanina ko pa kasi siya hindi nakikita. Siraulong iyon. Saan na naman kaya siya nagsususuot.
“Tangina talaga niyang si Kai. Napakahirap talagang hagilapin kahit kailan. Saan na naman kaya nagpunta ang isanag iyon. Hindi man lang magpaalam para alam natin kung saan pupunta. Hindi rin naman macontact.” Halata mo ang pagkainis sa boses ni Chester. Hindi ko siya masisisi dahil kanina pa rin talaga namin hinahanap si Kai.
“Kumalma ka nga. Wala na bang ibang lalabas sa bibig mo kung hindi ang pagmumura mo? Wala ka na bang ibang pwedeng sabihin?” Unlike him, Chester can’t calm. Unang una, mabilis maubos ang pasensya ng isang ito.
“Hindi ako kagaya mo na 24/7 atang kalmado.” Iritado pa ring sagot ni Chester kay Lay. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa pagtatalo nila o dapat ko silang pigilan. Mag aaway na naman ang dalawang ito, eh.
“Si Kaisler? Nakita ko siya sa abackyard ng school. Baka naandon pa rin siya hanggang ngayon.” Nagpasalamat kami nang may may makuha kaming balita kung nasaan ang butihin naming leader. Dadagukan ko talaga ang isang iyon, eh. Ano na naman kayang drama ng isnag iyon at nagpunta sa likod ng school.
“Kai—”
Napatigil kami nang hindi lamang si Kaisler ang nakita namin doon. May ilang kalalakihan ang nakapalibot sa kanya. Tangina, sana naman ay mali ang iniisip ko.
“Ang tagal ka na naming hinahanap, Kaisler. Pinahirapan mo pa kami, dito ka lang pala namin makikita sa Easton.” Pinagmasdan lang muna namin si Kaisler. Alam naman namin kapag kinailangan niya ng tulong—pero mali ako. Napansin kong para bang wala sa sarili si Kai. Wala kang makikitang emosyon o reaksyon sa mukha niya. Ni hindi nga ata siya aware na may mga lalaking nagbabanta na sa buhay niya.
“Kai, sa likod mo!” Napasigaw ako nang makita kong may isang lalaking nababadyang saksakin si Kaisler mulsa sa likuran nito. Nang makaabot sa kanya ang boses ko ay agad siyang umilag at sinipa ang lalaking may hawak na kutsilyo. Puta, paano nakapasok ang mga iyang dito?
Nagsimula nang makipagbugbugan si Kaisler sa mga lalaking may hawak na patalim. “Hindi ba natin tutulungan si Kai?” Pagtatanong ni Chester. Hindi agad ako sumagot. Pinag aaralan kong mabuti ang sitwasyon. Hindi kami pwedeng basta basta sumgod doon dahil baka maging pabigat lang kami kay Kaisler.
Tutulungan naman namin si Kaisler but with proper strategy. One wrong move can kill us.
“Let’s go,” nang ma-analyze ko na ang sitwasyon ay agad ko silang binigyan ng signal. Hindi pa rin namin pwedeng pabayaan si Kai kahit na alam kong kayang kaya niya iyon.
Nakita kong napangisi si Chester sa sinabi ko. Kahit kailan talaga, masyado silang agresibo. Hindi na ako magtataka bakit magkasundo sila ni Kai, eh. Pareho silang leon na akala mo nakatakas sa kulungan.
Sinimulan na naming tatlo na tulungan si Kaisler. “Huwag kayong mangealam dito. Si Kaisler lang ang pakay namin. Huwag niyo kaming sisisihin kapag nadamay kayo.” Umilag ako nang binalak niya akong saksakin.
“You’re fast yet too slow.” Nanlaki ang mata ko sa narinig ko at sa kakaibigang sensasyong aking naramdaman. Napakapit ako sa tagiliran ko. Doon ko lamang tuluyang naramdaman ang mahapdi at walang tigil na pagdudugo na saksak sa akin.
“Agh,” napaluhod ako sa damuhan dahil na rin sa saksak na natamo ko. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas.
“Ellis!” Narinig ko ang boses ng mga kaibigan ko pero wala na akong lakas para tingnan pa sila. Hindi na ako nakatayo pang muli at tuluyan nang napahiga sa damuhan. Wala na akong maalala sa mga nangyari roon dahil dahan dahan naring binalot ng dilim anag paningin ko.