Cyrus’ Point of View “Anong gagawin natin?” Umiiyak si Mommy habang si Dad naman ay pinapakalma siya. “Ililigtas natin si Miru. Hindi ko hahayaang mangyari na naman sa atin ang trahedyang nangyari sa atin noon.” Agad kinuha ni Dad ang telepono niya at nagdial ng number. Sa tingin ko ay tatawagan na niya ang mga kakilala niyang maaaring tumulong sa paghahanap kay Miru. As for me, I have my own plan. “Alis lang ako.” Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila Mommy at agad na umalis ng bahay. Sumkay akong muli sa kotse ko at pinaharurot iyon. Habang nagda-drive ay agad ko na ring tinawagan ang mga kaibigan ko. “Anong meron?” Tanong ni Seven sa kabilang linya. “My sister got abducted.” “Seryoso ba? Kasama lang natin iyan kanina ah?” – Seven “Pota sinong dumukot?” Pagtatanong naman ni T