Miru’s Point of View Mabilis tumakbo ang oras. Naisipan ko na rin na umuwi sa bahay. Makulimlim na rin ang kaulapan at sa tingin ko ay hindi magtatagal ay babagsak na rin ang ulan. Nagmadali akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa bahay namin. Hindi naman traffic kaya mabilis ang naging byahe at nakarating din agad ako sa bahay. Pumasok na ako sa loob at nadatnan kong madilim ang buong bahay. Iginala ko ang mga mata ko. Napakunot ang noo ko nang wala man lang akong makitang tao. This is werid. Ayoko mang makita ngayon si Kuya ay ipinapanalagin ko na sana naandito siya. Hindi ko alam pero kinakabahan akong naglakad paikot ng bahay namin. May kakaiba akong nararamdaman. Tama bang umuwi ako ngayon? Bakit walang tao? “Mom? Dad?” Dahan dahan akong naglakad. Hindi ko alam kung saan nanggaga