Ellis’ Point of View
Sinasabi ko na nga ba at sa ganito kami mauuw, eh. Kahit kailan talaga, oh.
“Gusto kong pagpawisan.” Sabi ni Kaisler. Naandito kami ngayon sa Lost Town kung saan nagkalat ang mga naghahanap ng away. Madalas itong tambayan ng mga katulad namin. Suki dito si Kaisler.
Kung hindi lang mainit ang ulo nito ay nasagot ko na siya sa sinabi niya. Gusto niya lang palang magpapawis, edi sana nagsauna nalang siya o kaya nagjogging.
“And the winner is…Blake!” May event pala ngayon? kapag sinuswerte nga naman talaga si Kai, oh. Mukhang may makakatanggap ng sapak ni Kaisler ngayon.
Nakarinig kami ng sigawan ng mga tao sa loob ng maliit na hall sa gitna ng Lost Town. Napabuntong hiningan nalang ako. Naandito na naman kami, manunuod habang walang awang binabawian ng buhay ang makakalaban ni Kaisler. Sa mga ganitong event kasi dito, walang rules. Made-declare lang na talo ang kalaban mo kapag sumuko siya, voluntarily o kapag wala na itong buhay. Sa kaso ni Kaisler, hindi siya tumatanggap ng pagsuko.
Sa aming apat, hindi na bago ang pumatay. Kahit alam naming masama, gawain na naman, eh. Halos ito na iyong kinalakihan ko. Naandito ako ngayon sa posisyon kong ito dahil may mga bagay at tao akong pinoprotektahan katulad ni Kuya Cyrus. Hindi ko naman papasukin ito kung wala, eh. Walang alam ang magulang ko sa pinaggagagawa ko sa buhay.
“May maghahamon ba sa champion natin ngayong araw?” Halata ang aroganteng ekspresyon sa mukha nung Blake. Nakita ko naman ang pagngisi ni Kaisler.
“Can I volunteer?” Napatingin ang lahat sa kanya. Kahit na mataas ang rango ng gang namin nila Kaisler ay bihira kaming magpakita sa tao. Hindi kami ganoong kilala sa mukha.
Natigilan iyong dalawang lalaki na nasa ring. Ang isa ay iyong Blake at iyong isa naman ay iyong referee.
“Ha! Mayabang ka ba, ah? Gusto moa tang maagang makita si kamatayan.” Sino kayang unang makikita si kamatayan? I bet, hindi si Kai. Come on, Shinigami ang pangalan ng gang namin for one reason. We send our victims body to death. We are the reapers. Shinigami means god of the death.
“How scary. Dapat na ba akong matakot at magsisi na hinamon kita?” Sarkastikong banat naman ni Kai. Naupo nalang kami nila Chester at hinayaan siya sa gusto niya.
Ang hirap talaga kapag mainit ang ulo ng isang ito. Walang sinasanto. Halos wala ngang katakutan iyan, eh. Wala siyang pakealam kung dumanak ang dugo ng kalaban niya maging ang dugo niya. He’s not even afraid of dying.
“Ayoko ng tabas ng dila mo bata. Sige nga, subukan natin ‘yang kaangasan mo.” Nagkibit balikat lang si Kai bago maglakad papalapit doon at pumasok sa ring. Lalong lumakas ang sigawan sa loob ng hall.
“Bago rin lang siguro iyan dito ‘no? Kahit naman kasi sabihin natin na hindi pamilyar ang iba satin sa mukha pero alam nila ang mga pangalan natin. Isa pa, suki si Kaisler dito. Kilala na iyan dito.” Hindi nalang ako sumagot sa itinanong ni Chester. Aba malay ko ba sa sagot sa tanong niya.
“Is that guy new here?” Kumuhit ng kung sino si Lay para magtanong.
“Oo, bago sulpot dito sa Lost Town. Hindi namin alam kung anong gang niya pero kahit ganoon, wala pang nakakatalo sa kanya simula kanina.” Aniya.
Muli kong ibinalik ang tining ko sa ring kung saan magkaharap na si Kai at iyong Blake. Nawa’y magkaroon ng himala at hayaan ni Kaisler na mabuhay pa iyong kalaban niya.
Pumito ang referee, hudyat na magsisimula na ang laban. It’s a hand to hand combat. Walang ibang gamit kundi katawan mo lang mismo.
Unang sumugod si Blake pero agad na nakaiwas si Kaisler. Napangisi ako nang effortless niya itong nailagan. Paulit ulit lamang umiwas si Kaisler. bakit ba pinapatagal niya pa?
“Iyan lang ba ang kaya mong gawin bata? Ang ilagan ang mga atake ko?” Bakit ba ang daldal ng isang ito? Dapat magfocus siya sa laban niya. Mamaya niyang mahagip siya ng kamao ni Kaisler, makatulog siya ng wala sa oras. Tulog na kung saan hindi ka na magigising.
“At ikaw, iyan lang ba ang kaya mong gawin? Ang sumuntok sa hangin?” Sarkastikong sagot naman ni Kai at agad na sinikmuraan iyong Blake na siyang nagpahiga dito. Tss, weak.
“Ano? Hihiga ka nalang ba diyan? Bangon! That’s just me saying hello.” Napailing ako. Kitang kita ko kung gaano nanlilisik ang mga mata niya. Hindi ito mauuwi sa sukuan lang. Hangga’t humihinga ang kalaban niya, hindi siya titigil. No one can stop him now.
Bumango iyong Blake at agad na inatake si Kail. Nadaplisan si Kai sa may pisngi niya kaya napatigil ang lahat. Napangisi na naman si Kai at pinahid ang dugo sa pisngi na para bang wala nangyari at hindi siya nasaktan.
“Para kang nangalmot sa ginawa mo. Pusa ka ba?” Pang aasar ni Kaisler. Gusto kong matawa sa sinasabi ng siraulong ito kaya lang it’s a win or die situation. “You know, you should learn how to properly punch someone. Here, let me teach you.” Sinuntok ni Kaisler iyong kalaban niya sa mukha. Bull’s eye.
Matapos iyon ay sunod sunod na niyang inatake iyong Blake. Halos hindi na makabawi ang kalaban niya. Oh well, this is a one-sided fight to begin with.
“And for my last attack before sending you to the reaper…” ngumiti si Kaisler. Iyong ngiti niya kapag papatayin na niya ang biktima niya. Hinawakan niya ang uluhan ni Blake at isinalampak sa sahig ng ring. Napapikit ako dahil pakiramdam ko naramdaman ko iyong sakit. Ilang beses pa iyong pinaulit ulit ni Kaisler. How heartless.
“Tama na. Game over. You win.” Pigil sa kanila ng referee pero walang balak tumigil si Kai. “Mapapatay mo na siya sa ginagawa mo.” Dagdag pa nito.
“So? That’s how this thing works, right? Kung hindi ka mananalo, mamamatay ka. Don’t spoil my fun o gusto mong ikaw ang pumalit sa kanya.” Kaisler is a f*****g monster and he’s thirsty for blood. It can’t be help. Someone should stop the hell out off him.
Naglakad ako at pumasok sa loob ng ring. It’s not my obligation to stop him. Hindi rin ako naandito dahil naaawa ako sa Blake na ito pero ayoko nang madumihan pa ang kamay ni Kaisler dahil sa walang kwentang bagay.
“Kai, that’s enough. You had enough.” Mahinahon kong sabi sa kanya. Walang gustong pumigil sa kanya. Maging si Chester ay natatakot mangealam at ako lang, ako lang talaga ang malakas ang loob na lumapit sa kanya ngayon at pinigilan siya.
Napatigil sandali si Kai bago tumingin sakin. Nakakunot ang noo niya at tinititigan ako ng diretso sa mga mata ko. Malakas niyang hinamapas muli ang ulo ng lalaki bago tumayo at harapin ako. “f**k, all of you are shits!” Padabog siyang umalis ng hall. Hindi pa rin siya kontento sa ginawa niya?
Lumapit sakin sila Lay at Chester at pare-pareho naming pinapanood na umalis papalayo si Kai. Tiningnan ko iyong Blake at sinuri kung buhay pa ito.
“Okay, despite my interference he still died.” Anunsyo ko nang wala na akong marinig na pagtibok ng puso niya.
That’s Kaisler for you. Once you ruined his mood and reached his limit, he can do anything and that includes killing someone.
Pinakalma lang namins aglit si Kai bago iuwi sa bahay nila. Alam naming ayaw niyang umuuwi siya dito dahil makikita niya ang Papa niya pero wala kaming choice kung hindi ang dalhin siya dito. Ayaw naming iwan siyang mag isa sa condo niya gayong ganito ang kondisyon niya. Isa pa duguan siya dahil sa dugo ng kalaban niya kanina. Hindi siya papapasukin sa condo.
“What the hell are we doing here?” Seryosong sambit ni Kai. s**t, kami pa ata ang mapag aabutan ng init ng ulo niya dahil sa pagdadala namin sa kanya dito.
“Clean yourself first here before going back to your condo. Hindi ka papapasukin sa lagay mo iyan doon.” Ako na ulit ang naglakas loob na magsalita.
Tiningnan niyana naman ako ng masama. Namumuro na ako ngayong araw. Nginitian ko lang naman siya. Padabog siyang lumabas ng kotse ni Chester.
“Damn it, Kai! Be careful. Stop hurting my baby.” His baby means his car. Agad namang lumabas si Chester para tingnan ang lagay ng kotse niya. Napailing nalang ako dahil kahit basagulero kami ay hindi mo maitatanggi may pagkaisip bata ang mga kaibigan ko.
Sinundan namin si Kai sa loob ng bahay nila.
“Ellis, Chester and Lay. It’s good to see you here.” Napatingin kami sa tumawag sa mga pangalan namin at nakita ang Papa ni Kai.
“Tito Bryle…” Bati namin sa kanya. Nakangiti naman siyang lumapit samin.
“Are you with Kaisler?” Tumango kami. Ngumiti ulit si Tito samin.
Kung tutuusin ay mabait si Tito Bryle at matapang. Kaya lang may ilang bagay sa mundo na hindi niya kayang ipaglaban kahit gaano pa siyang katapang. He had no choice but to give up and accept it kahit na sobra sobra siyang nahihirapan. That’s the reason why Kaisler hates his father so much na kung tutuusin ay hindi rin naman kasalanan ni Tito Bryle.
“He rarely steps into this house and he does, he never faces me. He still hates me, I guess.” Malungkot na ngumiti samin si Tito. Tinapik niya ang balikat ko bago muling magsalita. “Please take care of my son. Kayo lang ang mapagkakatiwalaan ko sa kanya. Don’t worry, I have my eyes on him kahit na pilit siyang lumalayo pero mas maganda pa ring may mga kaibigan siyang malalapitan, hindi ba?” Ngumiti kami sa kanya bago tumango. That is the least we can do for them.
“Let’s go. I don’t want to stay here. It feels like hell and just knowing the we’re breathing the same air is suffocating.” Hindi tiningnan ni Kai si Tito at agarang lumabas ng bahay. Ako iyong naawa at nasaktan para kay Tito. He doesn’t deserve this, yet Kai pretends that his father doesn’t exists. I can’t blame him, though. They are both suffering. They have their own pain and struggles to carry.
Ngumiti nalang si Tito Bryle samin nang magpaalam kami. Sinundan din naman namin si Kaisler na nag aabang na sa labas.
Pagpasok namin sa kotse, wala ring humpay and pagkabugnot ni Kaisler. Kailan ba itong matatapos? Hindi pa rin ba siya nakalma?
“I will steal eveyrting from him. Those things he treasured, he cherished and protecting. I will steal it especially those people who are important to him.” Then again, I saw his smirked. “He will suffer. I will make him suffer. I will make hims experience the hell I had experienced. he will pay for everything. Wala akong ititira sa kanya. I will destroy him.” Isa lang ang nasa isip ko. Si Brent ang tinutukoy niya.
Gusto kong maawa kay Brent. Pareho lang sila ni Kaisler. They are both victims at pareho silang walang kasalanan pero, you don’t know Kaisler’s story. Nabubuhay nalang ata siya para maghiganti. Iyon nalang ang purpose niya sa mundo.
Kung ano man ang plano ni Kai, alam kong madadamay na naman si Miru. It’s inevitable. I mean, magkaibigan sila at kahit anong pilit namin kay Miru, pipigilan niya si Kaisler para hindi masaktan si Brent. Importante si Brent kay Miru.
Kaisler, when will you stop? Baka sa huli imbis na si Brent ang masira ay ikaw pa ang mawarak. You will srepeat the same cycle of hell again. Pero wala naman kaming pwedeng isumbat sa kanya, eh.
He suffered a lot. He experienced those things na hindi naman dapat napagdaanan ng isang bata. No one can tell him to stop dahil walang nakakaintindi sa nararamdaman niya.
“I will steal everything, and I will start by snatching that Miru girl from him.” Napabuntong hininga nalang ako. See? I told you. Damay na naman si Miru. Kapag nagsalita na si Kaisler, wala nang bawian iyon at wala na ring makakapigil pa. Well, I’m just hoping na hindi siya sasaktan si Miru.
"I will steal that Miru girl from him" I sighed. Kapag nagsalita si Kaisler wala nang bawian yun at wala naring makakapigil sa kanya. Hopefully hindi nya sasaktan si Miru.