Kulay kremang kisame. Kulang kremang kisame ang unang tumambad sa mga mata ni Lalkha paggising niya. Nanulas ang isang mahabang ungol mula sa kanyang lalamunan. Nakatulog siya. Unexpectedly. Longer than usual. Ni hindi niya maipaliwanag kung bakit nakatulog siya. Ang huling tanda niya ay may kung anong itinurok sa kanya si Dr. Kenshin Sarola. Intravenous iyon. Isang porma ng likidong ipinasok sa kanyang ugat. Ang mga sumunod na pangyayari doon ay malabo na sa kanyang memorya. Inikot niya ang mga mata sa palibot. Nakasarado pa rin ang kurtinang maputlang bughaw ang kulay. Sa paanan ay may silyang pabilog ang upuan at may apat na maliliit na gulong sa ilalim ng makitid at pahabang katawan niyon. Sa kaliwang bahagi ay hugis parisukat na monitor. Marami pang mga kagamitang medical na hindi ni