“Lucian, gusto mo bang maligo sa talon? Lumabas na ang bagyo at payapa na ang tubig.” Nakangiti si Lalkha at magaang nakaupo sa paanan ng kama habang nakatutok ang mga mata sa bakanteng sofa sa sala kung saan dating natutulog ang binata. Ibinagsak ni Lucas ang balde ng tubig na ililipat dapat nito sa banga. Madilim ang mukhang nilapitan siya ni Lucas at hinila patayo. Napaigik siya sa sakit ng pagkakahawak nito sa braso niya pero hindi niya magawang iwasiwas ang kamay nito. His grip on her arm was too tight for her to shake off. “Kuya, nasasaktan ako!” “Halika!” Tila walang narinig ang kapatid. Kinaladkad siya nito patungo sa sala at walang ingat na binitiwan sa tapat ng sofa. “Kuya?” “Tignan mo nga! May tao ba riyan? May kausap ka ba? Walang Lucian, Lalkha!” galit na sikmat sa kanya