Sasabihin na nila kay Lucas ang tungkol sa kanilang relasyon. Alam niyang hindi nito magugustuhan ang dahilan nang pagpunta nila sa bahay nito pero naroon na sila sa tapat ng pinto at nakahanda nang kumatok. Tinaas ni Lalkha ang kamay pero bago pa man lumapat iyon sa kawayang pinto ay umingit ang gate sa likod nila. Nakatayo roon si Lucas bitbit ang isang balagwit ng tinapay at maliit na papel na mukhang resibo. Baka naglilibot ito at nagpapautang pandagdag income, naisip niya. “Mukhang importante ang sinadya n’yo rito,” komento ni Lucas nang magkahulihan sila ng mata. Inangat nito ang tarangkahan at tumuloy sa loob ng kabahayan. “Tuloy kayo.” Naupo sila sa kahoy na sofa. Dumerecho naman si Lucas sa lamesa at inilapag ang mga pinamiling tinapay at gumawa ito ng kape para sa tatlo. Pi