“I couldn’t believe you’d left me there,” sumbat ni Lucian sa kanya. Nakatayo ito sa pintuan at namumula ang mukha na tila kinunsuma ang isang galon ng alak. Binitiwan nito ang seradura ng pinto at lumapit sa kanya. Hindi niya ito pinansin. Tinungo niya ang silid at inayos ang kumo’t unan saka binuhol ang dulo ng kulambo sa apat na pako sa pader. “Talk to me.” Tinanganan siya nito sa magkabilang balikat at pilit na pinaharap dito. Nalanghap niya ang mabangong hangin mula sa bibig nito hustong tumapat ang mukha niya rito. The air from his mouth tasted sweet, sexy and she was thristing for more. “B-bukas na tayo mag-usap.” “No. We need to talk. Now,” he insisted. “Lasing ka.” “Oo, lasing ako, because you weren’t there to stop me from drinking. I know it is my choice if I ditch the bott