Kinikilig pa rin si Lalkha sa natanggap niyang bulaklak mula kay Lucian nang nakaraang araw. Hindi niya akalaing ang unang bungkos ng mga bulaklak na mahahawakan ay galing pa sa lalaking lihim na niya ngayong minamahal. Pagulung-gulong siya sa kama. Ipaling dito, ipaling doon ang ulo. Mahigpit niyang yapos ang unan at ngising-ngisi habang panakaw na sumisilip sa siwang ng pinto kung saan kita ang pahabang sofa sa sala na kinahihigaan ni Lucian. Tanaw ni Lalkha ang mahahabang braso at paa ng binata, ang flat nitong tiyan na hindi natatakpan ng damit, ang buhok nitong humaba na at tumatakip sa halos kalahati ng mukha nito. Gumulong siya palapit sa paanan ng kama at dumapa. Nakaangat ang ulo niya, nakatukod ang siko sa kutson at nakatungtong ang panga sa palad. Sinamba ng nagniningning niya