In Lalkha’s periphery, she saw a tall figure of a man who was standing at one corner directly to her left. Nakatayo at nagmasid lang saglit ang lalaki sa likuran ng mga nagkukumpulang mga empleyado at mga usyuserong nasa bisinidad. Kanina ay wala ito roon. May kung anong puwersang humihikayat sa kanyang lingunin ang lalaking iyon. “Agapito, use my car,” utos ng lalaki sa gwardyang kipit-kipit siya sa mga bisig. Nag-unahan sa paghapdi ang puson at dibdib niya nang mamalas ang mukha ng lalaking nag-abot sa kanya ng tulong. She gazed at the Obsidian orbs of his dark and piercing eyes. Hindi ito nagbawi ng tingin pero walang bakas ng rekognisyon sa mga mata nito. Si Lucian iyon. Umikli lang ang buhok nito. He wore his hair clean and short, katulad noong natagpuan niya ito sa tabing dagat.