Tahimik lang si Lalkha habang disimuladong sinusuri sa ilalim ng maiitim na pilik ang lalaking nakaupo sa kabilang dulo ng mesa. Hawak nito ang resume niya at pinag-aaralan iyon. This man must have installed a chick-magnet device right under his gleaming skin, she thought. Napapalingon kasi rito ang mga kababaehang dumaraan. Lumatay ang pait sa mukha niya. Naalala niya si Lucian. He was a certified chick-magnet too, undoubtedly. Kung si Salve nga na nuknukan sa pagkapihikan ay nabatubalani rito sa unang tingin pa lang. Napabuntong-hininga siya. The way air moved out from her lungs to her throat, was an exceedingly painful process. “Should I start talking or you needed more time to self-reflect?” nakangiting untag sa kanya ni Ziggy. Derechong nakatutok sa kanya ang mga mata nito. “S-