Totoo kayang nagagandahan sa’kin ang mokong na ’to? Nakataas ang kilay ni Lalkha habang pinagpipyesta ang mga mata sa lalaking abala sa pagdu-drawing. He sat facing her across the flimsy table made of cheap plywood. Kinukutingting naman niya ang mga shells at tinutuhog sa manipis na nylon. Ano nga kaya kung tanungin niya uli ito? Hindi naman kasi nito kinumpirma iyon. Kaya lang baka hindi na naman umimik. Hay nakakainis! Umisod siya pasulong at nanghaba ang leeg sa pagtanaw sa dinudrawing nito. He brought his face up to meet hers. He arched his wonderfully shaped eyebrows. “Wow, ang galing mo naman!” puno ng paghanga niyang bulalas. “Saan ka natutong gumuhit? Stick drawing lang ang kaya kong i-drawing. Siguro Fine Arts ang kursong kinuha mo, ano?” She craned forward to see his drawin