Napangiwi si Lucian nang makitang hindi maalis-alis ang lukot sa noo niya dala ng iniindang sakit. Nang mapaigtad siya dahil sa hapdi ay awtomatikong humagis din sa ere and hawak nitong cotton balls na may gamot at kamuntikan pa itong mahulog sa inuupuang kahoy na silya. “Bloody hell, Lalkha, will you please stop flinching! Mamamatay ako sa nerbyos sa iyo!” saway nito sa kanya. “Masakit, eh!” balik niya rito. “Pilitin mo pa ring hindi mangisay!” “Hindi ako nangingisay!” pagtatama niya. “Shut up.” Tinakpan nito ang bibig niya. Isang malaking pagkakamali dahil kapwa sila natigilan nang sumayad ang mainit nitong palad sa malambot niyang labi. Nang magtagpo ang mga mata nila ay sabay pa silang nag-iwas ng tingin. Tumikhim si Lucian at binawi ang kamay. “Okay na ’yan,” anitong hindi tumi