Habang naghihiwa ng bawang at kamatis ay nadi-distract si Lalkha dahil sa isang pares ng mga matang nakasunod sa bawat galaw niya. Lumapit siya sa banga at kumuha ng malinis na tubig, lumipat din sa direksyon ng banga ang mga mata ni Lucian. “Lintik, Lucian, huwag ka ngang tingin nang tingin!” saway niya rito. “Malulusaw pati mga taba ko sa katawan sa tiim ng pagkakatitig mo sa akin. Gusto mo bigyan pa kita ng magnifying glass? Nakakahiya naman sa iyo baka hindi mo pa ako masuri nang maigi sa lagay na iyan.” Nagtaas lang ito ng kilay. Sarap nitong sikaran minsan. Paano ba naman niya magagawa nang maayos ang mga gawaing bahay kung may guwapong Adan ang tingin nang tingin sa kanya? Naku-conscious tuloy siya at hindi niya magawa nang tama ang mga bagay-bagay na dapat ay nagawa na niya nang