Kumakabog ang dibdib ni Lalkha. Nasa police station sila at naghihintay sa turnong makausap ang pulis sa likod ng sentrong mesa. Pinanood niya ito habang iniestima ang mga dumudulog na tao. Napapanot na ang tuktok ng ulo nito at himas-himas ang mabilog na tiyan. “Ito pa! Kabilang sa mga nakipagrambulan!” anunsyo ng isang unipormadong pulis na kakapasok lang. Kabikabila ang nagsisidatingang mga tao dahil nagkaroon ng rambulan sa gym. Nagkasakitan ang dalawang grupo ng mga kabataan. Huminga siya nang malalim at pinaling ang ulo pakanan kung saan tensyonadong nakaupo si Lucian. Derecho lang ang tingin nito sa unahan. Sporadic ang paraan ng paghinga nito at hindi mahulog sa payapang paghugot ng hangin. Malalim ang iniisip ni Lucian at hindi mabura ang gatla sa makinis nitong noo. Pinisil