CHAPTER 3 - The Accident

1983 Words
Patuloy ang pagtakbo ni Athelstan sa treadmill. Treinta minutos na siyang nakababad doon. Hindi siya makaramdam ng pagod kahit na tagaktak na ang pawis sa kanyang noo at basang-basa na ang likod, balikat at dibdib niya. A deep-seated aversion sat onto the throne of his limbic kingdom. Galit siya. Galit siya sa inang pilit na sinusubukang manipulahin ang buhay niya. Noong isang buwan lang ay prinoklama ng ina na buntis si Carinna. The evil plan didn’t work. Salamat na lang at may kaibigan siyang doktor. Ngayon naman ay gusto siyang i-trap ni Cecilia sa isang arranged marriage. God, that type of marital union was only common until the 18th century. Lalo niyang binilisan ang pagtakbo sa treadmill. Sweat dripped off of his face. Tumunog ang cellphone na nakapatong sa dashboard ng treadmill. Zarra calling… He deliberately ignored it. Alam na niya kung ano ang pakay nito sa kanya. May meeting siya in about… Tinignan niya ang oras. 4:50PM. Nagkibit balikat lang siya. May meeting siya in about 10 minutes. Sa normal na estado ng utak niya ay pihadong nasa board room na siya at naghihintay habang tinututukan at pinag-aaralan ang mga dokumento. Muling tumunog ang phone niya. He turned it off. Kailangan niyang mapag-isa. He needed space. He needed time for himself and not to think about the f*****g sake of the company. Sa loob ng napakahabang panahon magmula nang hawakan niya ang AG Zenith at umupong Chairman of the Board and CEO ay hindi na bumalik sa normal ang dating buhay niya. His life seemed to have lost balance. Kakaiba ang buhay niya noon. He was the life of the party. He was sure about advancing accurately in the direction of his dreams. Nagpipinta na siya at nakikita na ng mga tao ang galing niya sa departamentong iyon. Then it happened… A fatal heart attack killed Antonio Giamatti. Magmula noon ay mas naging manipulative ang ina sa buhay niya. Ultimong ritmo ng paghinga niya ay tila gusto pa nitong kalkulahin. Huminto siya sa pagtakbo, habul-habol ang bilis ng pagtibok ng kanyang puso. Inisang lagok niya lang ang laman ng 500ml bottled water saka dumerecho sa shower room. Habang nakatapat sa dutsa ang katakam-takam na hugis ng kanyang katawan ay biglang nag-flash sa utak niya ang imahe ng pag-aaring yate. He opened his eyes and water ran down his thick eyelashes in rivulets. Alam na niya kung saan siya puwedeng pumunta—isang lugar na malayo sa ina. _____ FOR THE NTH TIME, ni-refill uli ni Athelstan ang hawak na baso ng alak. Komportable siyang nakaupo sa malaking V-shaped sofa s***h dinette, na puwedeng i-convert sa isang double bed, na nasa living area ng yate at pinakikinggan ang tunog ng alon na humahampas sa katawan ng yate at ninanamnam ang paghile sa kanya ng tubig. His yacht had a well-equipped galley. Mayroong double hob cooker and an 80 litre refrigerator. Mayroon ding master cabin with a large bed, lockers, cabinets and wardrobes. Ipinikit niya ang mga mata nang makaramdam ng pamimigat ng ulo hanggang sa hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya. Nang magising siya ay madilim na at wala ni isang bituin sa kalangitan. Mariin siyang napakapit sa sofa nang biglang umuga nang malakas dahil sa marahas na pagtama ng alon sa yate kasabay niyon ay ang malakas na pagkulog na may kakambal na pagguhit ng kidlat. Umakyat siya sa upper deck at lumapit sa barandilya. Tumambad sa kanya ang mababangis na alon at naglalakihang mga bato. Nanlaki ang kanyang mga mata. Tila naglaho ang alak sa kanyang mga ugat nang makitang maliit na distansya na lamang ang layo niya sa katawan ng malalaking bato. And before he could move and send out a distress call, tuluyan nang itinulak ng mabangis na alon ang yate. Humagilap siya ng makakapitan pero nawalan pa rin siya ng balanse. He fell off the yacht and fell into the water. Nilamon siya ng dagat at kada subok niyang iahon ang ulo ay tinatabunan kaagad siya ng mga alon. Kinawag-kawag niya ang mga kamay. Water felt like cushions and bolsters stuffed above him. Hindi siya makahinga. He felt like dying. Walang nagawa ang galing niya sa paglangoy. This is not how I want my life to end, he cried. Kung mabibigyan siya ng tsansang mabuhay pa, gagawin niya ang lahat upang mabuhay ng ayon sa gusto niya at mabuhay nang masaya. He wouldn’t act like a robot anymore. He wanted to live and not simply breathe. Gusto niyang muling kulayan ang buhay. Huli niyang natandaan ang pagpasok ng tubig sa bibig niya bago tuluyang nagdilim ang paningin. _____ “HOY, KUYA? KUYA?” Malamyos na tinig ng babae ang unang rumehistro sa utak ni Athelstan nang bumalik ang kamalayan niya. Kumikirot ang ulo at nananakit ang buo niyang katawan. He could think of nothing else but the excruciating pain. “Patay na ’ata ang lalaking ito.” Muli niyang narinig na sabi ng babae. He winced when someone grabbed his wrist and delivered a painful squeeze to his bone. “May pulso pa,” sabat ng isang tinig lalaki. “Mahina naman.” “Namomroblema ka ngayon? Kung bakit kasi dinamput-dampot mo pa ang lalaking iyan.” “Alangan namang titigan ko na lang hanggang sa mamatay?” “Ewan ko sa ’yo. Magpakulo ka nga ng tubig, Lalkha. Nangangaligkig sa ginaw ang bisita mo. Napakataas ng lagnat. Kailangang mapunasan ng panyulon na inilublob sa maligamgam na tubig.” “Ito na nga po, magpapakulo na.” “Ako na nga lang. Bantayan mo iyan.” Tumahaw na ang kirot sa pupulsuhan niya pero hindi ang sa ulo niya. He groaned when his head throbbed unbearably. Gusto niyang sapuhin ang ulo kaso ay hindi niya maiangat ang mga kamay. Wala siyang sapat na lakas. “Lucas, umungol siya.” “Ha? Kinukumbulsyon ba?” “Hindi naman, umungol lang.” “Bantayan mo lang.” Paroo’t paritong mga yabag at nagpipingkiang mga kagamitan ang sumunod niyang narinig. “O, ito na, Lalkha. Punasan mo ang buong katawan para bumaba ang lagnat at baka tumirik na ang mga mata niyan.” “Salamat, Lucas. Ako na ang bahala rito. Puwede ka nang umuwi,” anang babae. Umingit ang pinto at lumundo ang kama. Mayamaya’y naramdaman niya ang paglapat ng malambot at basang tela sa kanyang balat. He flinched. Parang aspile ang lumapat sa nagbabaga niyang balat. “Sorry. Dadahan-dahanin ko na lang,” bulong ng babae sa kanya. Everytime she spoke, her voice sounded like an angel. Nagbibigay iyon ng kapayapaan sa sistema niya sa kabila ng sakit na kanyang iniinda. Unti-unti siyang iginupo ng antok at nagpatangay lang siya. _____ NAGISING SI ATHELSTAN sa kalagitnaan ng gabi na masamang-masama ang pakiramdam. Nanginginig siya at hindi makapag-isip nang tama. He thought of tiny bugs slinking through the barrier of his brain and eating the convex folds beneath his skull. “Kuya!” bulalas ng babae. Hindi niya maaninag ang hitsura nito. Saglit lang niyang nasilip mula sa maliit na bukas ng mga mata ang malabong pigura ng babaeng palapit sa kanya. Sinalat nito ang noo at leeg niya. “Maryosep, ano ang gagawin ko sa iyo? Sobrang init mo.” Tinabihan siya nito sa kama at niyapos nang mahigpit. Nakatagilid siya kaya dumikit sa likod niya ang mainit nitong dibdib. Pumulupot sa katawan niya ang malambot nitong braso. Hinila nito ang kumot hanggang leeg. Kahit papaano’y gumaan ang pakiramdam niya. Sa kabila ng pangangatal ng kanyang katawan ay nakatulog siya nang maayos. Pagising niya kinabukasan ay tumambad sa kanya ang sinag ng araw na sumisilip sa maliliit na siwang mula sa bubong na gawa sa nipa. His eyes narrowed as he surveyed the place. Hindi pamilyar sa kanya ang lugar at hindi pamilyar sa kanya ang babaeng katabi. Babaeng katabi? Pinagmasdan niyang maigi ang babaeng nakaunan sa kanyang braso at nakahawak ang palad sa hubad niyang dibdib. Maamo ang mukha nito, maliit at hugis puso. Katamtaman ang tangos ng ilong nito. Ordinaryo ang hugis ng mga mata. Manipis ang pang-itaas na labi kumpara sa pang-ilalim na labi. “Sino ka?” paos ang tinig niyang tanong. Dahan-dahang nagmulat ng mga mata ang babae at naghugpong ang mga mata nila. Namula ang pisngi nito at kaagarang nag-iwas ng mukha. Dali-dali itong bumaba ng kama at inayos ang sarili. “Sino ka?” ulit niya sabay hila sa sarili paupo. He stifled a curse when his head pounded as he sat up. Nag-alis muna ito ng bara sa lalamunan bago nagsalita. “Ah, Lalkha. Lalkha ang pangalan ko. Nakita kitang walang malay sa tabing-dagat kaya dinala kita rito sa bahay ko.” Hindi agad maiproseso ng utak niya ang mga salitang namutawi sa bibig ng babae. Pinakiramdaman niya ang sarili. He felt awful. Kinapa niya ang ulo. May bendang nakapaikot doon. Some portion of it was still covered with his blood. “Ginamot ko na ang mga sugat mo sa ulo.” Panic began to brew. Naguguluhan siya. “Nasaan tayo?” “Isla Markoja.” Hindi siya nakaimik. Nagtitigan lang sila ng babae. “A-ano’ng pangalan mo?” tanong nito sa kanya nang hindi siya umimik. Lalo siyang hindi nakapagsalita. Hinanap niya sa utak ang sagot sa tanong ng estranghera pero kumirot lang ang sentido niya. Nasapo niya ang ulo. “s**t!” “A-ayos ka lang ba?” nababahalang tanong nito sa kanya, hindi umaalis sa kinatatayuan. “I’m not okay,” madiin niyang tugon. Bumaba siya ng kama at sinubukang tumayo subalit muli siyang bumagsak sa higaang gawa sa kahoy. Hindi kaya ng paang suportahan ang bigat ng katawan niya. Napamura siya. “Bakit wala akong matandaan? Ano ang pangalan ko? Sino ako? Nasaan ako?” sunud-sunod niyang tanong. He felt so distressed not having a single memory of his identity. He woke up inside a small nipa house, didn’t even know how the hell he got there, and unable to supply answers to the toadying questions in his head. Namilog ang mga mata ni Lalkha at natutop nito ang bibig. “Wala kang maalala?” “God dammit, kasasabi ko lang, hindi ba? Wala akong maalala!” iritado niyang hiyaw. Napaigtad ang dalaga. “Nang… nang matagpuan kita sa tabing-dagat tinignan ko agad kung may identification card ka sa bulsa pero wala. Wala kang wallet o cellphone,” mahina nitong salaysay. Muli siyang napaungol. Pakiwari niya ay puno ng pako ang ulo at sinusundot ng mga iyon ang utak niya. Naisabunot niya ang mga kamay sa buhok. “I can’t remember anything…” puno ng pagod niyang usal. Bakas ang paghihirap at sakit sa guwapo niyang mukha. “I can’t remember anything,” ulit niya. Humakbang palapit si Lalkha. Sinubukan nitong abutin ang kamay niya pero umurong siya palikod. Imbes na ipilit ay tipid na lang itong ngumiti—ngiting puno ng pag-unawa. Napakaamo ng mukha nito at para itong anghel na bumaba mula sa langit. Her face shone, her smile tiny but warm. “Huwag kang mag-alala, tutulungan kita sa abot ng makakaya ko.” He didn’t know the rationale behind his tears, pero basta na lang bumagsak ang mga luha niya. Tila may mabigat na emosyong nagtatago sa kanyang dibdib. Probably because he found himself in such a pitiful situation. “Leave me alone…” anas niya. “Tutulungan kita…” “I said, leave me alone!” asik niya kay Lalkha. Hindi kumibo ang dalaga. Pinagmasdan lang siya nito. “Kailangan mo munang magpalakas. Kapag magaling ka na, sasamahan kitang hanapin ang parte ng memorya mong nawala sa iyo.” Sa halip na sumagot ay muli siyang humiga sa kama, paharap sa kabilang direksyon. Sobra siyang napu-frustrate. Magpapagaling siya at hahanapan niya ng tiyak na kasagutan ang mga tanong sa isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD