CHAPTER 2 - She Who Has No Name

1840 Words
“Ma, no. I have never dreamed of being married since the age of B’TX.” Pumasok siya sa loob ng study room at ibinagsak ang sarili paupo sa likod ng malapad na lamesa. Tambak ang bungkos ng mga papel na kailangan niyang basahin at aprubahan—at wala pa siyang may nasisimulan! He could not get himself to start working. Nakasunod sa likod niya ang bibig ng ina at pinipilit siya nitong pakasalan ang anak ng amiga nito. “Kailangan mong panagutan ang namagitan sa inyo ni Carinna!” Pinukol niya ng naiinip na tingin ang ina. “The answer is still no, Ma.” Isinuot niya ang salamin sa mata at dinala sa tapat ng mukha ang pinakaunang papel sa pile ng mga dokumento. “Hijo, maawa ka naman sa kanya.” “Please, tell her to stop acting like an immaculate virgin.” Natutop ng ginang ang tapat ng dibdib. “What did you just say, Athelstan?” He groaned. “Por favor, Mama, déjame en paz,” aniya na ang ibig sabihin ay iwan na siya nitong mag-isa. Matigas na umiling si Cecilia. “Hindi kita pinalaking bastos, Athelstan. Kung nabubuhay lang ang papa mo, baka hinampas ka na niya ng baston.” Muli niyang ibinagsak sa mesa ang hawak na papel. Nakatitig lang siya sa mga letra pero hindi mai-proseso ng utak niya ang kabuluhan niyon. “Ma, please, I’m trying to work. I have a deadline to meet.” “Everyone has to deal with deadlines. What’s new?” galit na balik sa kanya ng ina. “I’ll arrange a Europe trip for you,” sa halip ay sabi niya. Tumikwas ang kilay ni Cecilia. “I can afford, thank you.” “How about I give you an expensive diamond necklace?” “Sinusuhulan mo ba ako, Athelstan?” nanggagalaiting asik sa kanya ng ina. “Fine. What do you want me to do this time?” “Get to know Carinna.” Napaungol siya bago pa man natapos ni Cecilia ang litanya nito. Hindi niya maintindihan kung bakit minamadali ng ina ang pagse-settle down niya. He will, eventually, get there. Hindi palang ngayon ang tamang oras. He’s only, what, 33 years old? No issues with biofeedback and thank goodness he can very well sustain an erection for s****l intercourse. Now, why all the fuss? “All right. I’ll do something about that,” aniya para lang matapos ang diskusyon. “Talaga?” “Yes, Ma. So, can I start working now?” “Of course, hijo. Adios.” _____ GALING SA TENNIS GAME ay nagpalit lang siya ng malinis na navy blue shirt, casual shorts at leather sandals. He didn’t want to impress her anyway. He was obliged to date to her. Naroon lang siya nang mga oras na iyon para pagbigyan ang kahilingan ng ina o mas tamang sabihing ang ‘pamimilit’ ng ina. Otherwise, Carinna would not see a shade of his soul in their goddamn meeting place. Narating niya ang napagkasunduan nilang lugar kung saan sila magkikita—sa isang kapehang pangmayaman malapit sa pampublikong parke. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Wala pa si Carinna. Nagdesisyon siyang okupahin ang mesang nasa outdoor space ng coffee shop. Kada limang minuto ay tinitignan niya ang orasan. 15 minutes nang late si Carinna. Naiinip na siya at naiinis. Sa 15 minutes na itinunganga niya roon ay marami nang trabaho ang dapat ay natapos niya. Tumayo siya at humalo sa mga taong naglalakad sa pathwalk. Nasa dulo pa ng daanan ang pinagparadahan niya ng sasakyan. Uuwi na siya. Carinna acting like a f*****g VIP was pure bullshit. Hindi na niya ito hihintayin. Kakaunti lang ang tao nang mga oras na iyon. He walked leisurely. Dinama niya ang init ng araw sa kanyang balat. Hindi na niya matandaan ang huling beses na in-enjoy niya ang init ng araw. The sun could barely touch his skin. Halos buong araw siya sa loob ng opisina. Kapag nasa labas naman ay lulan siya ng kotse kung hindi man nakababad sa study room niya o nasa mamahaling mga restaurant at nakikipag-usap sa mga kliyente. Naputol ang pagdidilidili niya nang may bumangga sa kanyang kaliwang braso. Maliit na babae at maputla ang mukha nito. Hindi siya natinag at mukhang ito pa ang nasaktan sa munting salpukan ng kanilang mga katawan. Sapu-sapo nito ang tinamaang braso. Nakatitig ito sa mukha niya subalit tagusan lang ang tingin nito sa kanya. “Hey, are you okay?” he asked, truly concerned. Hindi ito sumagot. Her eyes, well, they were empty. Naroon lang yata ang pisikal nitong katawan pero nakalutang sa kung saan ang isipan nito. Pinagmasdan niyang maigi ang kabuuan ng maliit at hugis puso nitong mukha. Makinis ang balat ng estranghera. Katamtaman ang tangos ng ilong nito. Ordinaryo ang hugis ng mga mata. Manipis ang pang-itaas na labi kumpara sa pang-ibaba. Hindi nasuklay ang mahaba at itim nitong buhok. She’s… hmmm… a big mess, he thought. Simpleng T-shirt lang ang suot ng babae at mumurahing pantalon. Rubber shoes sa paa. Maliit na wallet na kipit nito nang mahigpit. “Miss, are you okay?” ulit niya. Hindi pa rin ito sumagot, basta na lang itong tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad. “The hell?” Salubong ang kilay na sinundan niya na lamang ito ng tingin mula sa kinatatayuan niya. She was walking like a zombie. Her arms hardly swaying as if the skeletal organization in her body wasn’t working right. Ano kaya ang problema ng babaeng iyon? Kulang na lang ay umakyat ito sa rooftop at i-proclaim na pinsan ito ni batgirl saka sabayan iyon ng talon. Tataluntunin na dapat niya ang daan patungo sa kinapaparadahan ng kotse nang makita niyang wala sa loob na tumawid ang babae sa kalsada. His chest tingled and his brain kicked a signal that electrocuted him. Marahas niyang tinapunan ng tingin ang mga humahagibis na sasakyan. “What the—Miss!” Hindi lumingon ang babae. “Miss!” patuloy niyang tawag dito. Nahihintakutan na siya. He dashed into the little crowd. Malalaki ang hakbang niya. Halos liparin niya ang kinaroroonan ng estranghera. s**t, he remembered her face. Kapag may nangyaring masama sa babae, pihadong gabi-gabi siyang dadalawin ng mukhang iyon. Ang mga mata nitong mistulang walang buhay at nakatitig lang sa mukha niya. Ang kulang sa kulay nitong pisngi. Ang maputla nitong labi. “God, Miss!” Hinaklit niya ang braso ng dalaga nang akmang ihahakbang pa nito uli ang paa. Nasa gitna na ito ng kalsada at pinuputakte na ng mga reklamo mula sa mga naha-hassle nitong drivers. Nag-iingay na ang busina ng mga sasakyan. “Bitiwan mo ako!” asik nito sa kanya. “Marunong ka naman palang magsalita,” balik asik niya rito. “Hindi mo pag-aari ang kalsada, Miss.” “Hindi ako aalis dito,” pagmamatigas nito. Walang babalang binuhat niya ito at isinampay sa balikat niya. The woman screamed and kicked. Hindi siya nagpatinag dito at dalidali itong dinala sa tabi ng kalsada. “Ano ba ang problema mo?” pasikmat nitong tanong sa kanya. “Ikaw ba, ano ang problema mo? Magpapakamatay ka ba?” “Kung magpapakamatay man ako, wala ka nang pakialam d’un!” hiyaw nito. Huminga siya nang malalim. Pilit na kinokontrol ang pag-init ng ulo. “You scream like that again, I will—“ “Ano? Hahalikan mo ako?” putol nito sa litanya niya. He smirked. “Not your usual story plot, Sweetie. Kapag sumigaw ka uli, itatapon kita pabalik sa gitna ng kalsada. Pero kung magpapakamatay ka rin lang, huwag ka nang mandamay ng ibang tao.” Natahimik ang babae. Namula ang kanina ay kulang sa kulay nitong pisngi. “Antipatiko!” sikmat nito sa kanya. Padabog na umalis ang estrangera. Napailing-iling na lang siya. Funny, imbes na mainis at magalit ay natagpuan niya ang sariling natatawa. Ungrateful woman. _____ “HINDI KA SUMIPOT sa usapan n’yo!” Naputol ang seryosong pag-uusap nila ni Zarra tungkol sa mahalagang bagay na ipinagagawa niya rito nang deri-derechong pumasok sa loob ng pribado niyang opisina ang ina. “Discussion will resume after lunch,” aniya kay Zarra. Tumango ito at lumabas ng opisina. Sumenyas siyang i-lock nito ang pinto. “Athelstan!” agaw ng ina sa atensyon niya. “Ma, I was there.” “Kung naroon ka ’di hindi sana namuti iyong mata ng tao kahihintay sa iyo!” nanggagaliting hiyaw sa kanya ng ina. Naihilamos niya ang mga palad sa mukha. “Ma, uulitin ko, I was there. She was late for more than, what, 15 minutes? Ano’ng gusto mong gawin ko? Maghintay? I don’t have the luxury of sitting around and waiting for some VIP to finally arrive. Alam mo iyan, Ma. Alam mo kung ano ang trabaho ko. Ikaw ang may gusto nito, hindi ba?” Hindi agad nakasagot si Cecilia. “Ma, this whole drama has to stop now. Maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi ko siya gusto. Hindi pa ipinapanganak ang babaeng magtatali sa akin sa matrimonya ng kasal.” Biglang nag-flash sa balintataw niya ang hitsura ng estrangherang sinagip niya. Kung pagsagip bang matatawag ang ginawa niya para rito. “You have to marry her,” anito sa tonong nag-uutos. Kinuha nito ang abaniko at ipinaypay sa sarili kahit na malamig ang temperatura sa naturang silid. “I’m not going to do that.” “She’s pregnant!” Nagdilim ang mukha niya. “Really?” “Yes!” “All right, I want to see her tomorrow,” walang pagbabago sa ekspresyon niyang sabi. “Iyan lang ang sasabihin mo?” “I’m not gonna jump up and down and wriggle my hands,” sarkastiko niyang tugon. Tumirik ang mga mata ng ginang. “Personal ko siyang ihahatid dito sa opisina mo bukas.” _____ “SO, YOU’RE PREGNANT?” walang emosyong tanong niya sa babaeng nakaupo sa couch, sa loob ng opisina niya. Nakaalis na ang ina matapos nitong personal na ihatid si Carinna. Tumango ito, hindi makatingin sa kanya nang derecho. Sinusubukan niyang hulihin ang mga mata nito pero panay ang pag-iwas nito. Umahon siya mula sa komportableng pagkakaupo sa swivel chair at nilapitan si Carinna. “Are you carrying my child?” “Y-yes.” “Okay.” Umaliwalas ang mukha nito. “Tanggap mo?” “Honestly? No.” He stood up. Sinenyasan niya si Zarra na papasukin ang taong pinatawagan niya rito. Laglag ang pangang napakurap-kurap lang si Carinna. “Ano ang ibig mong sabihin?” “Your gimmick won’t fly, Carinna. Pinatawag ko si Dr. Sarola. Lehitimo at ekspertong doktor. Siya ang magsasabi kung totoong nagdadalangtao ka nga or gawa lang ng imahinasyon mo.” Nawalan ng kulay ang mukha ni Carinna. Dr. Sarola entered the room and smiled at her. Iyon lang at nawalan na ito ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD