“Hah, hah, hah,” habul-habol ni Athelstan ang hininga habang tinatakbo ang kahabaan ng Catalina street. Sweat dripping from the sides of his head down to the strong line of his jaw and to the defined muscles of his chest. Nakaplaster na sa dibdib niya ang suot na black hooded sweatshirt worth $1,243 dahil sa naipong pawis.
Maganda ang klima at gusto niya ang dapya ng hangin sa kanyang balat nang umagang iyon. Inilibot niya ang mga mata sa paligid. There were quite a few intrigued eyes. Nakasunod ang mga iyon sa bawat paggalaw niya.
This is what normal looks like, he thought. At least for me.
Inayos niya ang pagkakapasak ng earphones sa magkabila niyang tainga at sandaling huminto upang dalhin sa labi ang bote ng tubig. Water glided down his mouth, cooling the lining of his throat. Ito na ang normal niyang ginagawa kada umaga. Jog until his leg muscles hurt.
Muli siyang nagpatuloy sa pagtakbo hanggang sa marating niya ang paarkong pasukan patungo sa malawak niyang lupain. Malayu-layo pa ang tatakbuhin niya bago marating ang harapan ng kanyang mansion. His house included in the top 10 most expensive houses list with 50 acres landscaped garden, two Olympic-size outdoor swimming pools, one indoor pool, tennis court, sauna, and numerous bedrooms.
Tumunog ang kanyang cellphone.
Zarra calling…
His executive-administrative assistant; a single, uncommitted woman in her late 20’s. Mula nang akuin niya ang dating puwesto ng ama ay ang babae na ang naging assistant niya.
“Giamatti. Yes?” He answered the phone with grand formality in his voice.
“Sir, please be reminded of the periodic meeting set at 8AM. It’s the first Monday of the month,” paalala nito sa kanya.
“Expect me within the hour,” pormal niyang tugon bago pinutol ang tawag. Hindi na siya nag-abalang magpaalam nang maayos kay Zarra.
Mabilis siyang pumasok sa loob ng Mansion. Bumungad sa kanya ang grandyosong 20 feet ceiling at mga mamahaling muwebles. Inayos niya ang sarili; stepping himself into a pair of expensive slacks, white shirt and a Carven two button blazer.
Siya si Athelstan. Sino nga ba siya?
Athelstan Giamatti—aside from the fact that he has the best genes in the world, is the Chairman of the Board and Chief Executive Officer of AG Zenith Holdings, Inc.
AG Zenith Holdings, Inc. is one of the leading and largest conglomerates in the Philippines. Founder of the company was his late father, Antonio Giamatti, who started their business empire in 1950 and did everything to catapult the business to where it is right now, success in its best form.
Hindi naging madali sa kanya ang pagpapatakbo sa kompanya. People expected too much from him being the only son of Antonio Giamatti. His late father was a brilliant man. Bilang anak siya nito, tingin ng mga tao ay magiging identical ang paraan ng pagpapatakbo niya sa AG Zenith.
But he’s not his father’s shadow. Hindi siya kakambal ng kaluluwa nito. He’s his own person. May sarili siyang pangalan at pagkatao. May sarili siyang utak. Hindi sila pareho ng paniniwala at pag-iisip ng ama. Hindi dahil sa sunod siya nang sunod sa kagustuhan ng ama ay alila na siya ng mga ideya nito. He, unknown to others, had contradicted a few of his father’s decisions. Nakikinig naman ang ama sa mga punto niya. Isa sa mga dahilan kung bakit mataas ang respeto niya kay Antonio.
Nag-iisang anak siya ng mag-asawang Antonio at Cecilia Giamatti. Dating broadway musical star ang inang si Cecilia na nasa kasagsagan ng karera nito nang mabuntis. She had to put an end to her broadway career after two incidents of threatened miscarriage. The doctor advised her complete bedrest with bathroom privileges only.
Niyapos ni Cecilia ang mahabang proseso ng pagbubuntis at kinaya ang mga pagbabagong nangyayari sa katawan nito. After not being able to eat properly for 9 months, with frequent episodes of vomiting and backpain plus an increase in heart rate ay naipanganak din siya ng ginang. Hindi na ito pumayag na masundan pa siya. Dahilan para maging overprotective ito sa kanya. Afterall, siya ay unico hijo nito.
Mula pagkabata ay pagpipinta na ang gusto niyang gawin. He wanted to capture the beauty of Mother Nature through colorful painting. Pero mahigpit iyong tinutulan ng kanyang ina. Gusto nitong pag-aralan niya ang mga negosyo nila at pamunuan niya ang AG Zenith pagdating ng tamang panahon.
Dumating na ang panahong iyon—ngayon.
He worked so hard just to earn everyone’s respect. Pinatunayan niya sa lahat na kahit ibang-iba siya sa ama ay kaya niyang patakbuhin nang maayos ang kompanya.
Wala pang isang oras ay narating na ni Athelstan ang matayog na gusali ng AG Zenith. He walked with confidence. ‘Walked with strong strides. He walked past the info desk. Lahat ng mga taong naroroon ay nakasunod sa kanya ang mga mata. Hindi niya binigyang pansin ang atensyong nakukuha niya mula sa mga tao. He focused on what needs to be done. He focused on one thing—work.
“Sir, documents for your perusal.” Sinalubong siya ni Zarra at inabot sa kanya ang importanteng mga dokumento.
Tinanggap niya iyon at tinanguan ang babae saka dumerecho sa pribadong elevator na ekslusibo lang sa kanya na maaari lang tungtungan ni Zarra kung kasama niya ito. Otherwise, it’d be a grave violation to step a foot on his expensive cylindrical lift.
Umuga ang elevator at nag-flicker ang ilaw sa loob. Napahugot ng malalim na paghinga si Zarra nang mag-isang linya ang kilay niya.
Athelstan with steel-straight brows? Not good.
“Zarra,” sambit niya sa pangalan ng babaeng nakatayo sa likuran niya, dalawang hakbang ang layo mula sa kanyang kinatatayuan.
Napaigtad ito. “Yes, Sir?” was her quick response.
“I spend serious money for maintenance. This is downright unacceptable. Baka pintura lang ang binago rito at kalawangin na ang likod.”
“Ah, Sir, ahm—“
“I want a word with the manager of the facilities division. Today,” madiin niyang utos.
“Yes, Sir. Noted.”
Hindi na siya tumugon at nagtuluy-tuloy sa loob ng malapad niyang opisina pagbukas ng pinto ng elevator. The enormous L-shaped office desk with round corners welcomed him with an expensive laptop and a pricy pen holder on top of it. Sa likod ng office desk ay naroon ang executive bookshelves with glass inset doors. The walls and ceiling were embraced by high-priced, gray and white tiles.
Naupo siya sa high swivel chair at pinaraanan ng mga mata ang mga dokumentong ibinigay sa kanya ni Zarra. Nahilot niya ang pagitan ng mga mata. Masakit ang kanyang ulo na parang binibiyak ang kanyang bungo. He had only slept for 3 pathetic hours, at may isturbo pang mga phone calls isang oras bago ang takdang pagbangon niya.
“Sir, your coffee.” Inilapag ni Zarra ang tasa ng umuusok na kape sa kanyang harapan.
He moved his head in an almost unrecognizable nod.
“Sir, Mr. Cajeda, Manager of the Facilities Division will drop by before end of the day.” Unang ginawa ni Zarra pagkaupung-pagkaupo sa desk ay ang tawagan si Mr. Cajeda.
The woman knew him well. She knew how his temper works; moving rapidly from a thin stream of annoyance to an exploding displeasure. You wouldn’t want to displease him. Iba siya kung magalit. His employees didn’t want to be nowhere near him when he’s fuming mad.
“All right. Will wait for him. The man has a lot of explaining to do.” Hinawakan niya ang tasa subalit bago pa man niya magawang simsimin ang mainit na likido ay tumunog na naman ang aparato niya.
Cecilia calling…
Napaungol siya. Lalong kumirot ang kanyang sentido. Hindi niya gustong sagutin ang tawag ng ina. Sigurado na siya sa pakay nito hindi pa man niya ito nakakausap. Sinubukan niyang ignorahin subalit patuloy iyong nag-iingay.
“Ma.”
“Hijo, por dios, bakit hindi mo kaagad magawang sagutin ang phone mo?” reklamo agad nito sa kanya.
He groaned inwardly. “I’ve got a meeting to attend to in 10 minutes.”
“The meeting would take hours to finish, por santo! Give me a minute. Hindi naman ako magtatagal. May sauna session kami ng mga amiga ko.”
“May sauna sa bahay ko, Ma.”
“So? Gusto kong makasama ang aking mga amiga.”
Tinapunan niya ng tingin ang suot na wristwatch. Magsisimula na ang meeting. “Ma, I’m hanging up in five minutes.”
“Qué horror! Athelstan!”
“Okay, Ma, tell me. Ano ba ang itinawag mo sa akin?”
Kumatok si Zarra bago ito sumungaw sa awang ng pinto. Sumenyas itong handa na ang board room para sa meeting. Tumango siya.
“Ang inuungot ko sa iyong arranged date. Pagbigyan mo na ako, hijo. Maganda at sopistikada si Carinna. Hinding-hindi ka magsisisi. You might fall in love with her at first sight, who knows.”
Naihilamos niya ang kanang palad sa mukha. Hindi nga siya nagkamali sa pakay nito sa kanya.
“Why do you like her so much, Ma?”
“Una, anak siya ng aking amiga. Pangalawa, nagmula siya sa maimpluwensya at mayamang angkan. And, she’s gorgeous. You will like her.”
Dalawang linggo na ang ginagawang pangungulit sa kanya ng ina. Sumusulpot ito sa bahay niya, sa opisina niya, sa business engagements niya. He could not focus, for crying out loud!
“Fine. I’m free tomorrow. 6PM.”
Pumalakpak ang ina niya sa kabilang linya. “I will tell her. Gracias!” Iyon lang at nawala na ito sa linya.
_____
NAKASUOT NG PULANG TUBE DRESS, na hapit sa katawan at hindi umabot sa tuhod ang haba, ang babaeng pang Latina ang kurbada ng katawan. Mestiza ito at matangkad. The voluminous, big curls of her hair bouncing as she walked towards him.
“Hi!” masigla nitong bati sa kanya.
“Hi yourself.” Tumayo siya upang i-acknowledge ang pagdating nito. “Please, make yourself comfortable.” Hindi na niya ito ipinaghila ng upuan. The waiter pulled the chair out for her.
“Finally, we meet!” bulalas nito. “Carinna.” In-extend nito ang kamay at tinanggap niya iyon.
“Athelstan,” ganting pagpapakilala niya.
“You’re striking. You almost got me paralyzed there.” Nagniningning ang mga mata ng dalaga. Nakatitig lang ito sa mukha niya na tila nabato balani. “You look so much better in person, I swear,” komento nito at bahagyang sinagi ang kamay niya na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Hindi niya iyon binigyang pansin.
“Thank you,” tipid niyang tugon.
“Athelstan… a really gorgeous name for a very gorgeous man,” dagdag nito at ngumiti nang pagkatamis-tamis.
Napatangu-tango lang siya. This woman is a fan. Dinala niya sa labi ang wine glass. “Ah, by the way, I hope you don’t mind that I’ve already ordered for you.”
“Ah, nah! It’s okay.” She beamed at him, saka ikiniskis nito ang binti sa binti niya. “Oops! sorry,” anito nang pukulin niya ito ng tingin. There was clear, brutal craving for s*x in her eyes.
“I think we’re not really hungry, are we?” prangka niyang tanong.
“Hmmm, we’re not.”
“I can taste the fire in your tongue, Carinna.”
“There are other parts that needed tasting, too. Parts that are hidden and… hot.” Sadya nitong in-stress ang huling kataga.
“Do not seduce the devil, Carinna.”
Ngumisi ang babae. “I just did.”
Nilapat niya ang likod sa upuan. He stared at her face.
“Tonight, I’m selling my soul to the devil,” halos pabulong nitong usal.
He smirked. “Consider it sold. Let’s get out of here, shall we?”
Kuminang na parang brilyante ang mga mata ng dalaga. Tumayo ito at kaagad na iniangkla ang mga kamay sa braso niya. At the back of his mind, he was tsking. Women.
_____
PAGKATAPOS NG HULING ULOS ay gumulong na pagilid si Athelstan. Bumaba siya ng kama at dumerecho sa banyo. Paglabas niya ay nakahanda na ang bagong set ng corporate attire sa kama.
“Athelstan, pumasok dito ang sekretarya mo. Hindi ko siya binigyan ng pahintulot pero pumasok pa din siya. Unwashed secretaries, my God, they’re everywhere!” histerya nito. Palakad-lakad ito sa harapan niya. Hubad pa rin ito at tanging kumot lang ang nakapaikot sa katawan.
“Pagsabihan mo nga—“
“I ordered her to do that.”
Natigilan ito. “Do what?”
“To do exactly what she just did”
“Ang bastusin ako?” nanlilisik ang mga mata nitong tanong.
“Sa iyo nanggaling iyan.” Tinawagan niya si Zarra kanina at sinabing dalhan siya ng malinis na damit. Ibinigay niya rito ang eksaktong address at room number. Mahigpit niya ring bilin dito na pumasok kahit na hindi pumayag si Carinna. Sure, the hotel manager can open the door for his loyal assistant.
Laglag ang panga ni Carinna at hindi maapuhap ang mga katagang ibabato sa kanya. “Wait, where are you going?” tanong nito kapagkuwan, mangiyak-ngiyak na, nang makitang bihis na siya.
“Leaving. Naghihintay ang trabaho.”
“You can’t just leave me here! After, after—“
“After having s*x with you?” he supplied. “s*x lang iyon, Carinna. Don’t go running to your mama, and telling her that you want marriage. I’m not gonna give you that. We’re both consenting adults. I did not force my length on you. You spread your legs. Wide. Didn’t you?”
Alam niyang hindi na tama ang mga salitang namumutawi sa bibig niya. Pero iyon ang totoo. He wasn’t given formal training on sugar-coating words. Prangka siyang tao. Masaktan na ang dapat masaktan pero iyon ang mundong ginagalawan niya.
It’s a harsh world out there and it’s his world.