Dahil maghapon na nakatulog si Laarni ay hindi kaagad siya dinalaw ng antok. Naisipan niyang magpahangin sa labas. Baka sakaling dalawin siya ng antok. Wala kasi ang kaibigan niyang i Jen dahil dinala ni Rancho. Kung saan sila pumunta ay yun ang hindi niya alam. Nasa tamang edad na rin naman ang kaibigan niya. Alam na nito kung ano ang ginagawa. Napa buntong hininga si Laarni nang maalala si Kyre. Ano na kayang balita sa lalaking yon. Hindi man lang nagparamdam kahit simpleng text man lang. Napa Kurap-kurap siya sa naisip. Bakit naman siy ma ite-text ng lalaking yon? Kung wala namang sila. For sure, nagpakasaya na yon sa piling ng iba. Hindi nito aakasyahin ang panahon sa isang katulad niya na isang balibolista lamang. Baka nga nagsisi na ito na pinatulan pa siya. Napabuga ulit si