bc

The Player's Playmate

book_age18+
632
FOLLOW
3.9K
READ
HE
sporty
sweet
addiction
like
intro-logo
Blurb

Hiwalay ang mga magulang ni Laarni Villegas, ganon paman kahit hiwalay ay busog siya sa sustento at suporta sa bawat panig. Kaya naman nang piliin niyang maging isang volleyball player ay walang kontra ang mga magulang niya. Hanggang sa makilala niya ang isang Kyre Mendoza, gwapo, matangkad at nag- uumapaw ng s*x appeal na laging nambulabog sa kanya tuwing may laro siya. Isang CEO na may-ari ng team kung saan siya myembro bilang isang manlalaro. Paano maiwasan ni Laarni ang isang Kyre na walang ibang ginagawa kondi ang palaging pagpapa- cute sa kanya? O dahil sa kakulitan ni kyre ay magiging magkalaro sila sa larangan ng pag-ibig?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Papasok si Laarni sa dining table kung saan nandoon ang mommy Ethel niya. Dito kasi ang sinabi ni ate May, ang kasambahay nila nang tanungin ni Laarni kung nasaan ang mommy nito. "Good morning, mommy kong maganda," bati ni Laarni sa kanya pagdating niya sa dining table. Yumakap pa siya sa likod ng mommy at pinaghahalikan sa pisngi. Ganito kasi siya bumati sa mga magulang. Kahit sa daddy Ramon niya ganitong- ganito siya kung babati. Ang sweet na bata itong si Laarni sa magulang. Pinanggigilan pa ni Laarni ang mommy niya bago nito pinakawalan. "Good morning din sa maganda kong anak. Anong meron at maaga kaya yatang nagising?" tanong niya ng mommy Ethel ni Laarni nang makaupo siya sa upuan paharap sa ina nito. "May training kami ngayon mom," sagot ni Laarni sa mommy niya na nakangiti. "Kakapanalo nyo lang kahapon ah? Training agad. Wala man lang pahinga?" tanong ng mommy Ethel niya. "Kailangan namin yon mom eh. Para may energy kaming maglaro. Tapos may lakas kaming pumalo, mang-block ng bola at maging swagger na din gaya nito. Grrrrrr!" sabi ni Laarni kay mommy Ethel saka ina action pa kung paano mag-swag. Natawa naman ang mommy Ethel sa ginawa sa ginawa ng anak. "Paano nga ulit mag-swag?" sabi Ethel sa anak. Pinagkatuwaan niya ito dahil ang cute lang at trying hard mag-swag. "Ganito mommy. Grrrrr!" Nag-wacky face pa si Laarni sa harap niya pa parang nakapuntos ito sa isang laro. Napahalakhak si Ethel sa ginawa ng anak. "Kaw talagang bata ka, dami mong kalokohan. Dami mong alam. Pag iyan malalaman ng daddy mo, baka sabihin noon di kita pinalaki ng maayos," natatawa na sabi ni Ethel kay Laarni na nakasimangot ng huli. "Mommy naman eh. Ang nega mo talaga, hmmp," reklamo ni Laarni sa ina sabay lamon ng pagkain na nasa harapan niya. Mas lalo tuloy natawa si Ethel sa inasal ng anak. "Oh, akala ko na diet ka?" tanong ni Ethel kay Laarni "Sarap kasi ng luto mo, mommy. Kaya bukas na ako mag diet," habang sarap na sarap sa kinain nito. "Pang-ilang beses mo ng sinabi yan?" tanong ni Ethel sa anak. "Isang beses palang po," sagot naman ni Laarni dito. "Ngayong araw?" tanong ulit ni Ethel sa anak habang natatawa ng lihim. "Mommy naman eh. Walang basagan ng trip po," maktol ni Laarni sa kanya. Mapalakas ang tawa si Ethel dahil sa sinabi ng anak. "Oo na. Marami pang bukas para mag-diet ka," sabi na lang ni mommy Ethel ni Laarni. "Kasi naman mom, kailangan ko ng maraming energy. Championship na kaya sa susunod na araw. Di dapat ako magkakasakit. Mahirap na mawalan sila ng cute na tulad ko sa laro," energetic na sabi ni Laarni. "Oo na. Kumain kana para makaalis kana. Mahirap na, wala silang cute na kasama sa laro," panggagaya ni Ethel sa sinabi ni Laarni. Nagtawanan naman silang mag-ina dahil doon. "Pero mommy, manood kayo ng laro namin ha?" lambing ni Laarni sa mommy niya. "Kailangan ko ng inspiration sa laro," panggagatong ko pa sa kanya. "Oo ba. Tawagan ko pa daddy Ramon mo para dalawa kaming inspiration mo," sagot naman Ethel sa anak. "Talaga, mommy?" Nag-twinkle yong mata ni Laarni pagkarinig niya sa pangalan ng daddy niya. "Oo, kaya galingan mo bukas ah? For sure, manlilibre daddy mo pagkatapos ng laro mo," sagot ni Ethel sa anak. "Yehey. Thank you, mommy," masayang wika ni Laarni sa kanya. "You're welcome. Sige kumain kana para makagura kana," sabi ni Ethel. Masayang tumango si Laarni at ipinagpatuloy ang pagkain niya. Nang matapos ay nagpapaalam na siya sa mommy Ethel niya na papasok na sa school. Tinawag pa niya si Mang Andoy upang ihatid siya sa school. Si Laarni ay isang volleyball varsity player ng paaralan kung saan siya nag-aaral, sa University of San Rafael. Varsity Scholar din siya ng university. Kaya libre lahat ng gastusin niya sa paaralan at may allowance din siya mula sa team, kaya wala siyang problema pagdating sa pera. Maliban sa may allowance din siya nagmula sa mommy at daddy niya. Huling taon niya na rin sa university kaya sinusulit niya ang pagiging varsity. Hiwalay ang mommy at daddy ng huli na siyang pinagtataka ni Laarni. Pareho naman silang walang pamilyang binubuhay maliban sa sa kanya. Stable naman ang bawat business nila. Kung magkakasama sila para naman silang mag-asawa kung titingnan. Nakapagtataka lang bakit sila humantong sa hiwalayan. Napailing na lang si Laarni sa naisip. Tumingin na lang siya ang labas ng kotse at napagtanto kung malapit na siya sa university. Inayos niya na ang dalang bag upang makapaghanda pagdating doon. "Narito na tayo Miss Lani," sabi ni Mang Andoy sa kay Laarni. "Salamat, Mang Andoy. Tatawag na lang po ako kapag magpasundo ako mamaya," Sabi naman ni Laarni sa driver nila. "Sige po. Miss Lani. Mag-ingat ka," sagot ng driver nila na.si Mang Andoy. "Ikaw din po. Ingat sa byahe," sabi ni Laarni kay Mang Andoy na tinanguan niya. Tumango din si Laarni at lumabas na sa kotse. Naglalakad si Laarni patungong gym. May sariling gym ang bawat varsity team ng paaralan. Sinadya daw ito ng management upang hindi madisturbo ang bawat team tuwing may practice. Ang bawat varsity team kasi ay panlaban ng school tuwing may university match. Tulad na lang ng volleyball team nila Laarni, kakatapos lang naming maglaro ng semi-final kahapon and thankfully, panalo sila sa laro. Kaya may chance silang mag-champion kung maipanalo nila ang dalawang magkasunod na laro. Di madali ang magiging kalaban nila bukas dahil depending champion yon for five consecutive years. Kung palarin, first time na mag-champion ang school nila kung sakali. Kaya tudo training sila para makamit ang championship. "Hi, Jen. Ikaw pa lang?" bati ni Laarni kay Jen pagdating niya sa gym. "Oo. Napaaga ako eh," ngumiti naman ito kay Laarni. "Paanong hindi mapaaga eh, ilang patid lang ng bato mula sa boarding house mo, university na," biro ni Laarni dito. Natawa naman si Jen sa sagot nito. "Paano kasi ang ingay ng boarding house. Dito na lang ako, may peace of mind pa," sagot naman ni Jen sa huli. "Bakit kasi nagtiis ka sa bed space, eh pwede ka namang kumuha ng room na ikaw lang mag-isa," sermon ni Laarni sa kanya. "Alam mo naman, kailangan ko ring magpadala ng pera sa amin. Lalo na ngayon may sakit na naman si tatay," sagot nito. "May pera ka pa ba?" tanong ni Laarni kay Jen. Umiling naman ang huli. "Wala na nga eh. Mabuti na lang libre ang pagkain natin dito. At malapit lang ang boarding house ko. Di ko na kailangan gumastos pa ng pamasahe. Mabuti na lang nabayaran ko na last month ang upa ko sa boarding house. Kondi baka napalayas na ako," sagot nito sa kaibigan. Naawa naman naman si Laarni sa kanya. Kaya kumuha siya ng 3k sa wallet at ibinigay kay Jen. "Ito Jen, oh. Sayo na yan. Di ko pa kasi nabawasan ang allowance natin last month," sabi ni Laarni sa kanya habang inilagay sa palad niya ang pera. "Wag na. Allowance mo yan eh," tanggi ni Jen kay Laarni ngunit umiiling lang ang huli. "Hindi, sayo na talaga. Meron pa ako dito. Sige ka pag tinanggihan mo yan. Wala kang bolang papaloin sa game bukas," biro ni Laarni kay Jen. Natawa naman ang huli sa sinabi ni Laarni. "Ikaw talaga, kung ano-anong panakot mo sa akin para lang di ko matanggihan ang tulong mo," sabi ni Jen kay Laarni. "Syempre, kaibigan kita. Kaya dapat lang na tutulungan kita," nakangiting sabi ni Laarni dito "Salamat, Lani ah? Kung hindi dahil sayo, di ko alam saan ako pulutin dito," Madamdaming sabi ni Jen sa kaibigan na tinanguan lang ni Laarni. Lani ang palayaw ni Laarni, masyado dawng mahaba ang Laarni. Si Jen ay mula pa Negros. Na-recruit ito ng team nang makitaan ito ng potential sa paglalaro ng volleyball. Isa itong opposite spiker ng team nila Laarni. Malaki ang ambag ni Jen sa team nila. Lahat ng set ni Laarni sa kanya ay talagang maipasok niya kahit sobrang crucial ng laro. Kahit hindi maganda ang pagka-set ay na-convert pa rin sa puntos. Si Laarni ay isang setter ng team nila. Sabi nila, ang setter daw ang nagdadala ng laro dahil sa kanya nakasalalay ang bawat palo ng bola ng spiker. Pero para naman kay Laarni, walang silbi ang pagiging setter niya kung di mabigyan ng magandang set ang mga kasama niya, mapa-spiker or middle blocker man. Kaya hanggat maari ay binibigyan ni Laarni ng magandang siya ang mga spiker niya upang maipuntos ang bawat palo nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.1K
bc

His Obsession

read
90.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
139.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
28.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook