Ang usapan na apat silang mag-bakasyon sa probinsya ni Jen ay hindi nangyari. Nagmistulang third wheel si Laarni sa bakasyon nilang ito. Hindi natuloy si Kyre na sumama sa kanila dahil may biglang conference ito sa ibang bansa. Ewan lang kung totoong may confirience nga ito o iniiwasan lang siya dahil sa nangyari sa kanila noong nagdaang gabi. Tanging si Rancho lang ang natuloy na siyang nagmamaneho ng sinakyan nilang helicopter. May kasama pa silang isa pang piloto na siyang magmaneho nito pabalik ng Manila. Ganon pa man ay nag-enjoy si Laarni sa bakasyon nilang ito dahil super approachable ng pamilya ni Jen. Lalo na ang nanay nito na masyadong maraming baon na kwento. “Best, halika, kain tayo ng mangga. Sobrang hinog at matamis,” aya ni Jen sa kaibigan na kakalabas lang sa kwarto