“Wala ba ang papents mo Jen?” tanong ni Ramon kay Jen. “Wala po, walang pamasahe kaya di na sila nakapunta. Naintindihan ko naman yon.” “Nasa nagsabi ka, nanghiram sana tayo ng private plane ni Kyre,” sabi naman ni Ethel sabay tawa. Di sure si Laarni kung nagbibiro lang ba tong mommy niyao hindi. “Hindi po akin yon, tita. Kay Mr. Tamahashi po yon. Pero pwede nating hiramin kung nanaisin natin,” sagot ni Kyre. "Sige, sige. Hiramin natin yon kapag naisipan umuwi sa probinsya ni Jen," wika ni Ethel. "Nakakahiya naman po. Kahit wag na po," singit ni Jen sa usapan nila. Natigil ang topic nila tungkol sa eroplano ng makarating sila restaurant kanya-kanyang silang baba. Napansin niyang parang nagdadalawang-isip Jen na pumasok. Kaya naman hinila ito ni Laarni papasok. Nasa isang Japanes