Ito na ang araw na hinintay ni Laarni, it’s their graduation day. Sa hinaba-haba ng panahon sa wakas naabot niya na rin ang inaasam-asam niyang mangyari. Sa wakas, mawawalan na din sila ng sakit sa ulo mula sa mga school works, term papers, mid- final exam, theses, defence, practical exam and soon and so forth. Plus OJT pa. Napaka-hassle talaga lalo na sa mga tulad nila na varsity players. Kahit naman kasi mga representative sila tuwing may mga school games ay hindi sila exempted sa mga ganong school works. May inaalagaan din silang grades para ma-maintain pa rin nila ang pagiging varsity scholar. Kaya hindi lang katawan nila ang napagod pati na rin ang isip nila dahil lagi silang naghahabol ng deadlines. Nakapwesto na sila sa mga assigned seats nila. Katatapos lang ng nag-march